PAG-ASA NG CIGNAL, TATAPUSIN NG F2

LARO NGAYON: (MALL OF ASIA ARENA) 7:00 P.M. – F2 LOGISTICS VS CIGNAL (NI JOSEPH BONIFACIO/NI MJ ROMERO) MAGTATANGKA ang F2 Logistics na mahagkang muli ang kampeonato sa pakay nitong tapusin na ang pag-asa ng Cignal sa Game 2 ng kanilang 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference best-of-three Finals ngayon sa Mall of Asia Arena. Sisiklab ang aksyon sa alas-7:00 ng gabi, kung saan hindi na pahihiritin pa ng Cargo Movers ang HD Spikers upang maibulsa na ulit ang All-Filipino title na huli nilang nahablot noong 2016. Lumapit sa naturang misyon…

Read More

‘HIDE AND SEEK’ SA BUDGET, SIMULA NA

pinglacson12

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAGSIMULA na muli ang larong ‘hide and seek’ o taguan sa pag-uumpisa ng deliberasyon ng Kongreso sa proposed 2020 National Budget. Inihayag ito ni Senador Panfilo “Ping” Lacson kasabay ng paghikayat nito sa publiko na tumulong sa pagbabantay sa deliberasyon ng lehislatura sa mahigit P4 trilyong panukalang budget. “Budget deliberation starts this week in the 18th Congress. It is time to play another protracted game of ‘hide-and-seek’: they hide, we seek,” pahayag ni Lacson. Iginiit ni Lacson na hindi dapat makalusot ang pork barrel at mga walang…

Read More

BAGYONG ‘JENNY’ NANANALASA SA 15 LUGAR SA LUZON

BAGYONG USMAN-2

(NI JEDI PIA REYES) LUMAKAS pa at nabuo na bilang ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) na inaasahang magpapa-ulan sa CARAGA, Eastern Visayas at Bicol Region. Tinawag na ‘Jenny’ ang ikatlong bagyo ngayong buwan na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at maaaring mag-landfall sa Martes o Miyerkoles. Dakong alas-4:00 ng hapon nang huling mamataan ang mata ng bagyong ‘Jenny’ sa layong 670 kilometro ng Silangan ng Virac, Catanduanes. Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25kph at may lakas ng hangin na hanggang 45 kph at…

Read More

REMEDYO SA DRY SKIN

DRY SKIN

Kapag hindi panahon ng tag-init, pwedeng maging dry ang a­ting balat. Pero anoman ang panahon, may remedyo sakaling maging dry ang skin natin. Hindi rin uub­ra ang year-round routine para sa dry skin, kaya kailangan ay may adjustment o pagbabagong gagawin. Kapag hindi nagawa ang adjustment sa skin care, ang dry air ay maaaring maging daan sa pagkakaroon ng fine lines at wrinkles na mas nagiging obvious. Kapag tayo ay may dry skin, ito ay posib­leng mangati, magkaroon ng flakes, crack, at magdugo. Ayon sa dermatologists, ito ang mga dapat…

Read More

LOVI POE GINAWANG TOUR GUIDE NG BRITISH BF

(NI REY PUMALOY) NAGMISTULANG tour guide sa kanyang kasintahang foreigner si Lovi Poe nang bumisita ito rito kamakailan lang. Nakaposte sa Instagram wall ni Lovi ang larawan nilang dalawa ng boyfriend niyang US-based British writer-producer na si Montgomery Blencowe na hindi niya ipinakita ang mukha dahil nakatalikod sa kamera ang shot. Sakay ng isang speed boat, naglayag sa Samal Island sa Davao ang magka­sintahan. Sey ni Lovi sa caption ng photo, ikinagagalak nitong maging tour guide sa kasama sa iba pang mga lugar sa Pinas na gusto pa niyang ipakita…

Read More

TEENAGE PREGNANCY KOKONTROLIN

buntis12

(NI BERNARD TAGUINOD) DALAWANG dosenang baby ang naipanganganak ng mga teenager kada oras sa Pilipinas. Ito ang nagtulak kina Laguna Rep. Sol Aragones at Albay Rep. Edcel Lagman na ihain ang House Bill 2297 o  “Prevention of Adolescent Pregnancy Act” at mapigilan ang teenage pregnancy sa bansa. Sa paliwanag ng dalawang mambabatas sa kanilang panukala, noong 2014, lumabas sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 24 babies umano ang naipanganganak ng mga teenager kada oras. “In fact, base on the Certificate of Live Births submitted by the Local Civil Registry…

Read More

PINASLANG ANG ISANG BABAENG LUMAD AT LIDER NG BAYAN MUNA SA BUKIDNON!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Poot at dalamhati ang nararamdaman ng mga miyembro ng Bayan Muna at ng mga katutubong mamamayan sa pagpaslang kay Bai Leah Tumbalang mula sa San Fernando, Bukidnon. Si Bai Leah ay lider ng kanyang tribo sa San Fernando, at nanindigan laban sa pagkamkam ng kanilang lupang ninuno ng plantasyon at pagmimina, at laban sa pananalasa ng mga grupong paramilitar at militar na lumalabag sa karapatan ng mga Lumad sa probinsya. Si Bai Leah ay aktibo sa organisasyong-Lumad at maliit na magsasaka na Kaugalingong Sistema Igpasindog Tu Lumadnong Ogpaan (KASILO). Binaril…

Read More

REBISYON NG GCTA TAPOS SA LOOB NG 10-ARAW – DOJ

doj

(NI HARVEY PEREZ) TATAPUSIN ng Department of Justice (DoJ) sa loob ng 10 araw ang isinasagawang pagrebisa  sa mga guidelines kaugnay sa pagbabawas ng sentensiya sa nga bilanggo. Ayon kay Justice Secretary Menardo Guievarra, ikinukonsidera ng DoJ ang pagsuspinde sa pag proseso  sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa mga inmates kasunod ng pagtutol ng publiko para sa maagang paglaya ng convicted rapist–murderer na si Antonio Sanchez. Sinabi ni Guevarra na magpapalabas siya ng Department Order para sa mabilis na pagrebisa sa mga guidelines sa GCTA. “Gusto naming bigyan ‘to ng top…

Read More

ANO ANG IBIG SABIHIN NG PAG-IBIG SA INANG BAYAN?

Psychtalk

Nais kong ibahagi rito ang medyo nakalulungkot na kuwento ng isa sa mga kaibigang tinagpo ko sa ibayong dagat nitong i­lang nakaraang linggo. Tatlumpong taon na siya sa Canada. Aktibo siya sa mga isyung panlipunan doon bilang isang social worker. Hanggang ngayon, kahit citizen na siya roon ay interesado at nakikilahok pa rin siya sa mga usaping kinakaharap ng ating bansa.  Kahit man lang sa pagbabahagi ng kanyang mga opinyon sa social media. Hanggang sa mapag-usapan ang proseso ng kanyang pagbabago ng citizenship. Plinano naman sana niyang kumuha ng dual…

Read More