(NI ABBY MENDOZA) ISA nang bagyo at tinawag na bagyong ‘Jenny’ ang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa Virac, Catanduanes. Inaasahang palalakasin ito ng habagat at kung hindi magbabago ng direksyon ay magla-landfall ito sa Northern o Central Luzon. Sa severe weather bulletin na ipinalabas ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(Pagasa) ng alas 5:00 ng hapon, sinabi nito na buong maghapon ng Agosto 27 ay asahan ang mahina hanggang katamtaman na pag-uulan sa Caraga, Eastern Visayas at Bicol Region. Sa araw ng Miyerkoles, Agosto 28 ay mas malalakas…
Read MoreMonth: August 2019
NO HOMEWORK BILL SA MGA ESTUDYANTE NAIS ISABATAS
(NI ABBY MENDOZA) ISINUSULONG ng dalawang mambabatas ang pagkakaroon ng quality time ng mga estudyante sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagbabawal na sa pagbigay ng assignment sa mga estudyante. Sa oras na maisabatas, ang mga guro na magbibigay ng assignment sa kanilang mga estudyante kapag weekends ay mapapatawan ng P50,000 multa at hanggang dalawang taong pagkakakulong. Inihain sa Kamara ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang House Bill 3883 na ipagbawal na ang pagbibigay ng homework kapag weekend. Layon ng panukala ni Vargas na mabigyan ng kalidad na oras…
Read MoreP1.7-T PORK BARREL NI PDU30 NASILIP SA 2020 BUDGET
(NI ABBY MENDOZA) NAIS ng grupong Bayan Muna na ipaliwanag ng Malacanang ang sinasabing P1.7 T pork barrel na nakapasok sa 2020 P4.1 T national budget para kay Pangulong Rodrigo Duterte at mga alter ego nito. Ayon kay Bayan Muna Chairman Neri Colmeranres ang nasabing pork barrel ay nakapasok bilang Special Purpose Funds nguit wala umanong line items na nakadetalye kung saan gagamitin ang nasabing pondo. Hinamon ni Colmenares ang Pangulo na siya mismong maglinaw sa isyu dahil kung mabibigo ito ay ito na ang maituturing na pinakamalaking presidential pork…
Read MoreAKG SASANAYIN SA MANDARIN VS CHINESE KIDNAPPING CASE
(NI AMIHAN SABILLO) ISANG buwan na magsasanay ang mga kawani ng Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) para makapagsalita ng Mandarin para makatulong sa kanilang mga tauhan na maresolba ang mga kaso ng kidnapping na kinasasangkutan ng mga Chinese national na nagtatrabaho sa Pilipinas Ayon kay PNP AKG Spokesperson P/LtC. Elmer Cereno, malaking matitipid sa pagsasanay ng nasa 20 na kawani ng AKG kaysa sa mag hire sa tuwing nangangailangan ng interpreter. Per Hour o kada oras umano ang bayad sa mga interpreter sa tuwing magkakasa sila ng rescue operation o di kaya’y…
Read MorePSL ALL-FILPINO CONFERENCE CROWN: IKAKAHON NG CARGO MOVERS
ISANG panalo pa at kampeon na ang F2 Logistics. Ito’y matapos talunin sa Game One ng best-of-three series ang Cignal HD Spikers sa isang pahirapang laban, 25-22, 26-24, 18-25, 17-25, 15-8, sa 2019 PSL All-Filipino Conference Finals, Sabado sa SMART Araneta Coliseum. “Wala akong inexpect na madaling laban. Nag-expect talaga kami ng ‘di madaling laban,” lahad ni F2 Logistics head coach Ramil De Jesus. “Nire-remind ko lang sila, ‘Forget the first set to the fourth set’. Kagandahan lang, sa amin napunta yung breaks.” Sa Martes, sa Mall of Asia Arena…
Read MorePAG-AMYENDA SA GCTA LAW IGINIIT
(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAGBABALA si Senate Majority Leader Migz Zubiri na wala nang tetestigo laban sa mga sangkot sa heinous crimes tulad ng pagpatay, drug trafficking, kidnap for ransom at iba pang karumal-dumal na krimen kung hindi mababago ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law. Ipinaliwanag ni Zubiri na kung hahayaang maagang makalaya ang isang preso na convicted sa heinous crime dahil sa pagbabait-baitan sa kulungan ay magkakaroon na ito ng pagkakataon na makaganti sa mga tumestigo laban sa kanya. At kung mangyayari ito, tiyak na matatakot na ang iba na…
Read MorePDU30, MISUARI NAGPULONG MULI SA DAVAO
(NI BETH JULIAN) IPINANGAKO ni Moro National Liberation Front Chairman Nur Misuari na tutulong siya sa pagpapanatili ng katahimikan sa rehiyon ng Mindanao. Ito ang ibinunyag ni Senator Bong Go matapos ang muling pagpupulong sa ikaapat na pagkakataon ni Misuari kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong weekend sa Malacanang. Sinabi ni Go na sentro ng pagpupulong ng Pangulo at ni Misuari ang inilalatag na kapayapaan sa Mindanao kung saan nangako ang huli na makikipagtulungan. Hindi pa natatapos ang nasabing pulong na napagkasunduan na magkaroon pa ng follow-up meeting kasama ang panel…
Read MoreP19-B HINIHINGI NG DOH SA PAGBILI NG GAMOT SA 2020
(NI BERNARD TAGUINOD) BABANTAYAN na ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Department of Health (DOH) sa pagbili at pagdeliver ng gamot sa mga public hospital matapos matuklasan na humihingi ang departamento ng P19.1 billion na pondo para pambili ng gamot sa susunod na taon. Ito ang nabatid kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor dahil hindi katanggap-tanggap aniya na umaabot sa P18.449 billion na binili ng DOH mula 2015 hanggang 2018 ang hindi pa naibibigay sa mga public health care facilities base sa report ng Commission on Audit (COA).…
Read MoreMAGSASAKANG BIKTIMA NI ‘INENG’ PAUUTANGIN NG DAR
(NI DAHLIA S. ANIN) BIBIGYAN ng gobyerno ng tulong pinansyal na aabot sa P25,000 ang mga magsasaka sa Ilocos Norte na naapektuhan ng bagyong ‘Ineng’. Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, magtutungo siya sa naturang probinsya upang personal na makita ang pinsala na iniwan ng bagyo. Sabi ni Dar, maaaring makautang ng P25,000 ang mga magsasaka ng walang tubo sa loob ng 3 taon. “Sure loan assistance na P25,000, zero interest, payable in 3 years,” ani Dar. Isinailalim sa state of calamity ang probinsya, matapos ang walang tigil na pag-ulan…
Read More