GUSTONG MAGPAPANSIN?

PRO HAC VICE

Talaga bang likas na sa mga laos na politiko ang umepal para lamang mapansin? Itong mga politikong ito, sa halip na mag-isip para mas lalong magi¬ging maganda at maging kapaki–pakinabang ang kalalabasan ng nakatakdang Southeast Asian Games (SEAG) sa bansa heto’t nagsisiepal para lamang mapansin. Malayo pa po ang susunod na election! Kung talagang may nakita kayong mga overpricing sa preparasyon at pagpapaganda ng presentasyon ng bansa natin para sa nalalapit na SEA Games at nais ninyong malaman, dapat gawin ninyo ‘yan pagkatapos ng okasyon. Hindi ngayon na nagsasaayos pa lamang ng mga pagdadausan ng mga palaro…

Read More

MAYORYANG MUSLIM

FOR THE FLAG

Nasa dalawang bilyon na ang mga Muslim sa daigdig at 15% hanggang 30% niyan ay mga radikal na Muslim o sa ibang lengguwahe ay mga ekstremista. Ibig sabihin, nasa doble na ang bilang ng mga mapanganib na Muslim sa buong mundo, mula sa 150 milyon na minimum ay 300 milyon na. At mula 300 milyon na maximum ay nasa 600 milyon na o halos 9% ng kabuuang populasyon ng buong daigdig na pitong bilyong katao. Ibig sabihin, bawat ekstremistang Muslim ay kinakailangan lamang pumatay ng mga siyam na katao at malilipol na ang lahat ng…

Read More

VILLAR AT NP SA NEW ZEALAND

BADILLA NGAYON

NITONG Oktubre, pumunta sina dating Senate President Manny Villar at Senadora Cynthia Villar sa New Zealand. Kasama ng mag-asawang Villar ang maraming mambabatas na kabilang sa Nacionalista Party (NP). Ang matindi ay kasama nila ang ilang kongresistang hindi kabilang sa NP, tulad ng isang kongresista na kabilang sa Party-list. Nalaman ko ang pagpunta nina Villar at mga kongresista ng NP sa NEW Zealand sa mga kamag-anak kong pumunta rin sa New Zealand ng panahong naroon din ang mga Villar at mga politiko ng NP. Bago pa man ikuwento sa akin…

Read More

‘CONTRACTUAL’ WALANG PARTE SA SERVICE CHARGES, KINUWESTIYON

(NI BERNARD TAGUINOD) KINUWESTIYON sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pag-estsapuwera sa mga contractual workers  sa mga makikinabang sa service charges na kinokolekta ng mga restaurant, hotel at mga kahalintulad na establisyemento kanilang mga customers. Ginawa ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun ang pagkuwestiyon matapos makarating sa kanilang kaalaman na hindi kasama ang mga contractual workers sa service charges. “This agreement excluding contractual employees from the coverage of R.A. 11360 is highly questionable not only for its inconsistencies with the law, but also for being a circumvention of the lawful…

Read More

PUMALPAK NA ORGANIZERS SA SEA GAMES ‘DI MAKALULUSOT — NOGRALES

(NI BERNARD TAGUINOD) SINABI ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles sa isang press conference na pananagutin ang mga responsable sa mga aberya sa SEA games pagkatapos ng palaro. “We’re not downplaying the faults. Kung sino mang accountable dyan, they will be held accountable, as simple as that,” pahayag ni Nograles at ito rin aniya ang posisyon ng Palasyo ng Malacanang. Hindi naman ikinagulat ni Nograles na nabuko ang mga aberya sa SEA Games dahil sa social media. Ayon naman kay House committee on youth and sport chairman Eric Martinez ng Valenzuela…

Read More

DUTERTE YOUTH PARTYLIST SINUPORTAHAN SA KAMARA

cardema12

(NI BERNARD TAGUINOD) MISTULANG tinukuran sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Duterte Youth party-list  matapos  ihain ang resolusyon na nanawagan sa Commission on Election (Comelec) na isyuhan na ng certificate of proclamation (COP) ang kanilang mga kinakatawan sa Kapulungan. Sa House Resolution (HR) 552 na iniakda ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ipinapapirma sa mga kongresista, nais ng Kamara na madaliin ng Comelec ang pag-isyu ng COP. Kasama ni Cayetano sina Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, Minority Floor Leader Bienvenido Abante, Deputy Speakers Mikee Romero, Rodante Marcoleta, Conrad Estrella at  Eduardo Villanueva…

Read More

BIR KINALAMPAG SA KAPOS NA P104-B TAX COLLECTION

bir18

(NI BERNARD TAGUINOD) PINAGPAPALIWANAG ng House committee on ways and means ang Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil mistulang kakapusin ang mga ito ng P104 bilyon sa kanilang tax collection. Ito ang nabatid kay Albay Rep. Joey Salceda matapos matuklasan na noong Oktubre ay umaabot pa lamang sa P1.7 Trillion ang kanilang koleksyon mula sa kanilang target na P2.32 Trillion. Dismayado si Salceda dahil kahit umiiral na ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ay hindi pa rin makolekta ng BIR ang kanilang target na buwis. “The Committee requested…

Read More

CLAUDINE INALALA ANG AMA SA 40TH DAY NG PAGPANAW NITO

(NI BEN BAÑARES) SA kanyang Instagram account, nag-post si Claudine Barretto ng larawan nila ng kanyang yumaong ama na si Miguel Barretto para sa 40th day nito. Sabi sa caption ng naturang larawan: “Dad my worst nightmare came true, I lost you.” Dagdag pa niya, “Slowly it’s been sinking in that you really are not without [sic] us anymore. I cannot explain the pain and emptiness I’m feeling.” Sa isa pang post, nag-share naman si Claudine ng isang tula na may pamagat ng “Dad” kung saan sinabi niya na siya ay…

Read More

2019 BUDGET GAGAMITIN HANGGANG 2020

(NI DANG SAMSON-GARCIA) LUSOT na sa Senado ang panukala na palawigin ang paggamit ng 2019 national budget hanggang sa pagtatapos ng 2020 makaraang maantala ang approval nito sa loob ng kalahating taon. Sa botong 19-0, inaprubahan ng Senado ang pag-adopt sa House Bill 5437 nang walang anumang pagbabago upang mas maging mabilis ang pag-transmit nito sa Malakanyang. Sa sandaling malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala, mangangahulugan ito na maaari nang hindi muna ibalik sa National Treasury ang nalalabi pang budget upang magamit sa mga proyekto. Ayon kay Senate Committee…

Read More