2 BAGONG X-RAY MACHINES IKINABIT PARA SA MABILIS NA SERBISYO NG BOC

BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero

NATAPOS na noong nakaraang linggo ang pagkakabit ng dalawa pang Portal-type x-ray machines ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port. Ang dalawang bagong x-ray machines ang magpapabilis ng trabaho ng BOC sa MICP na may ka­ragdagang 7,680 con­tainers sa bawat araw na mas mataas sa dati nitong kapasidad. Ang isang portal type x-ray machine ay may kapasidad na magsuri ng 160 container bawat oras. Dati, ang MICP ay mayroong 7 mobile type x-rays na ginagamit na may kakayahang mag-scan ng 25 containers bawat oras o 600 containers bawat araw at isang paleta at cargo x-ray gamit…

Read More

P11-M FOOD PRODUCTS, UKAY NASABAT NG BOC

UKAY NASABAT

MAHIGIT P11 milyong halaga ng iba’t ibang produktong pagkain at ukay ang nasabat ng Bureau of Customs- Manila International Container Port (BOC-MICP) na nagmula sa Hong Kong, Korea at Brazil noong nakaraang Disyembre 6. Ang nasabing mga kargamento na nakalagay sa 6 na container, 5 naglalaman ng mis­declared food products at 1 naglalaman ng mis­declared na used clothing. Ang mga nasabat na food items ay naka-consign sa JL Twins Enterprises and Great Prosperity Import and Export Enterprises. Samantala ang shipment ng used clothing ay naka-consign sa Five JHoch Enterprises. Kaugnay nito, ang MICP ay naghihigpit laban sa smuggling ng food products para lubusang matupad ng BOC na protektahan ang Filipino consumers laban sa hazar­dous import goods. Dahil…

Read More

WALA PA RING TATALO SA PHL BLU GIRLS

(NI VT ROMANO) HINABLOT ng Philippine Blu Girls ang ika-10 sunod nitong SEA Games gold medal, matapos blangkuhin ang Indonesia, 8-0, sa finals ng women’s softball ng 30th biennial meet sa The Villages sa Clark, Pampanga kahapon. Hindi binigyan ng pagkakataon ng Pinay batters ang kalaban, nang agad umiskor ng five runs sa second inning pa lang. At umiskor pa ng tatlo sa huling dalawang innings. Ang Pilipinas ay winalis rin ang apat na preliminary match nito, na tinampukan ng 11-0 pagbokya sa huling laro kontra Thailand. Binlangko ng Blu…

Read More

KATARUNGANG PAMBARANGAY DAPAT AMYENDAHAN

FORWARD NOW

KAILANGAN nang am­yendahan ang probisyong nakapaloob sa Republic Act 7160 o Local Government Code of 1991 upang palawakin at baguhin ang sistema sa Katarungang Pambarangay. Inihain natin sa Kamara ang panukalang Barangay Justice System na layong amyendahan ang ilang probisyong nakapaloob sa R.A. 7160 at palakasin ang suporta sa Barangay Justice System gayundin sa mga nagtatrabaho rito. Ang Katarungang Pambarangay ay halos tatlong dekada nang binuo alinsunod sa R.A. kung saan nakasaad dito ang mga tungkulin at kapangyarihang iniatang sa Lupon Tagapamayapa upang ayusin at pagkasunduin ang magkabilang panig na sangkot sa mga mabababa o…

Read More

AYON SA PINAKAHULING SURVEY NG SWS: ‘CHINESE WORKERS A SECURITY THREAT’

CHINESE WORKERS

(PeryodikoFilipino Reportorial Team) SUMASANG-AYON ang mga Filipino na banta sa pangkalahatang seguridad ang dumaraming Chinese nationals na nagtatrabaho sa Pilipinas. Batay sa pinakahuling nationwide poll ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Setyembre 27-30 sa may 1,800 adults, 27% ang mariing sumasang-ayon at 25% ang bahagyang sumasang-ayon na ang dumaraming Chinese nationals na nagtatrabaho sa bansa ay banta sa pangkalahatang seguridad. Naitala rin na karamihan sa mga Pinoy ay naaalarma sa dumaraming bilang, kung saan nasa 31% ang nagsabi na labis silang nag-aalala, 39% ang medyo nababahala, 19% ang…

Read More

PAKIKIISA SA DIGMA

FOR THE FLAG

ANG Filipino League of Advocates for Good ­Governance o FLAGG, na pinamumunuan ng inyong lingkod ay nananawagan sa ating mga kababayan na magkaisa sa likod ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nahaharap sa isang napakalaking hamon sa kanyang administrasyon. Ang hamon ay dulot ng kanyang pag-review sa kontrata ng mga water concessionaire na nadiskubre n’yang dispa­linghado, mapagsamantala, mapang-api at lubos na nagpapahirap sa ating mga kababayan. Ang Maynilad at Manila Water, na pag-aari ng pamilyang Ayala at Manny V. Pangilinan, ay nagkakamal ng daan-daang bilyong piso sa kabila ng kanilang palpak na serbisyo sa pagdi-distribute…

Read More

YORME ISKO, DAPAT TULARAN

Sa Ganang Akin

Noong isang linggo ay naanyayahan akong du­malo sa Pilipinas Conference at ang kanilang paksa para sa araw na iyon ay Environmental Stewardship. Marami ang dumalo sa nasabing forum na isinagawa ng Stratbase, at marami rin ang mga iba’t ibang paksang napag-usapan, kasama na rin dito ang tungkol sa sustainability. Isa sa mga dumalo rito ay ang kalihim ng DENR na si Roy Cimatu na siyang nagbukas ng programa at nagdala ng usapan para sa okasyon. Laking tuwa ko nang makita ko si Manila “Yorme” Isko Moreno na siyang nagsalita sa…

Read More