(NI NOEL ABUEL) INILALAGAY ng Department of Transportation (DoTr) ang libu-libong commuters sa panganib at libu-libong drivers ng motorsiklo. Ito ang sinabi ni Senador Imee Marcos kung saan sinisisi nito ang nasabing ahensya dahil sa maraming driver ng kumpanyang Angkas ang nawawalan ng trabaho dahil nagpapataw ito ng mga bagong limitasyon sa operasyon nito. Giit ni Marcos, walang tamang konsultasyon o debate, ang nangyari sa pagitan ng DoTr at ng kinatawan ng Senado, Kamara, Philippine National Police (PNP), Metro Manila Development Authority (MMDA), at ng motorbike ride-hailing companies, kasama na ang…
Read MoreMonth: December 2019
CEASEFIRE!
NAGKASUNDO ang gobyerno at ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na irekomenda ang malawakang ceasefire simula sa Lunes matapos magparamdam si Pangulong Rodrigo Duterte ng posibleng peace talks. Sa magkatuwang na statement na ibinahagi ni NDFP Chief Political Consultant Joma Sison sa kanyang Facebook page, kapwa nagkasundo ang dalawang partido sa nationwide ceasefire simula Disyembre 23 hanggang Enero 7, 2020. “During the ceasefire period, the respective armed units and personnel of the Parties shall cease and desist from carrying out offensive military operations against each other,” ayon sa…
Read MoreOLD SCHOOL NA BUILDING CODE, HILING BAGUHIN
(NI NOEL ABUEL) IMINUNGKAHI ni Senador Panfilo Lacson na panahon nang pag-aralan ang pag-amiyenda sa Building Safety Standards sa bansa na hindi na naaayon sa nararanasang malalakas na paglindol. Ayon kay Lacson, kailangan nang mapaghandaan ang mga darating pang kalamidad gaya ng malalakas na lindol, mapaminsalang bagyo at baha kung kaya’t dapat nang buhayin na itaas o palakasin ang building safety standards ng bansa. Sa inihain nitong Senate Bill 1239 layon nito na isailalim sa masinsinang pag-araal ang 1977 National Building Code of the Philippines na magpahanggang ngayon ay hindi…
Read MoreSUPORTA SA NLRC HINILING SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) UMAPELA ang ilang senador sa mga kapwa nito mambabatas na ikonsiderang suportahan ang pagbuo ng additional division sa National Labor Relations Commission. Umaasa si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na matutugunan ang kanyang inihaing Senate Bill No. 1254 na malaking tulong para mapabilis ang pagdedesisyon sa mga kasong inihahain sa (NLRC). Kasama sa panukala ni Go ang pagdadagdag ng bilang ng mga uupong komisyoner ng ahensya mula 14 ay gagawing 17. Layon umano ng panukala na magkaroon ng NLRC, na attached agency ng Department of Labor and…
Read MoreSOLON SA NPA: HIT LIST ALISIN PARA SA PEACE TALKS
(NI NOEL ABUEL) NANINDIGAN si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na isaisantabi ng mga rebeldeng grupo ang kanilang hitlist kung gusto ng mga ito na matuloy ang alok na peace talks ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa senador, kung nais ng rebeldeng grupo ang peace talks, huwag nilang gagalawin ang Pangulo na tanging taong sinsero na makasama sila sa negotiable table. Paliwanag pa ni Go, kahit noong mayor pa lamang si Pangulong Duterte ay sinsero na ito sa pakikipag-usap sa mga rebeldeng grupo. Ipinaalala rin nito na mahigit sa 50…
Read MoreARAW-ARAW NA SILENT DRILL SA LUNETA INIUTOS NI DU30
(NI CHRISTIAN DALE) IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang araw-araw na silent drill sa Monumento ng Pambansang Bayani Gat. Jose Rizal. Ang silent drill ay pangungunahan ng Armed Forces. Ang nasabing direktiba ay inihayag ng Chief Executive makaraang pangunahan ang closing ceremony ng kauna- unahang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Summit at First Presidential Silent Drill Competition sa Quirino Grandstand. Ayon sa Punong Ehekutibo, na-inspire siya sa nakita nitong silent drill sa China kung saan tuwing hapon ay mayroong silang drill habang ibinababa ang watawat at pinanonood ng mga…
Read MoreMINDANAO QUAKE VICTIMS PATULOY NA MINOMONITOR
(NI CHRISTIAN DALE) PATULOY na naka-monitor sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Senador Bong Go sa sitwasyon sa Davao del Sur matapos hagupitin ng malakas na lindol noong nakaraang linggo, Disyembre 15. Ito’y dahil na rin sa nararanasang aftershocks makaraang maranasan ang malakas na 6.9-magnitude earthquake sa nasabing rehiyon. Plano naman ng mga ito na muling bisitahin ang mga earthquake victims. “Parating naka-monitor ang Pangulo dahil tuloy tuloy ang paglindol doon.Handa silang (national government agencies) makipag-coordinate sa mga LGUs doon,” ani Go. Sa katunayan aniya ay naka-deploy na ang mga…
Read MoreDDB UMAYUDA SA REHAB CENTER SA RIZAL
(Ni JOEL O. AMONGO) Nagbigay ng limang (5) milyong pisong ayuda para sa pondo ng pagtatayo ng community based rehabilitation center ang pamunuan ng Dangerous Drugs Board (DDB) sa San Mateo, Rizal bilang bahagi ng patuloy na kampanya kontra ilegal na droga sa bansa. Pormal na nilagdaan ang Memorundum of Agreement (MOA) nina DDB Chairman Catalino Cuy, San Mateo Mayor Cristina Diaz at Rizal 2nd District Rep. Juan Fidel Nograles nitong nakalipas na Biyernes, Disyembre 20, 2019. Pinagtibay ng MOA ang pagtutulungan ng pamahalaang lokal ng San Mateo, Rizal at…
Read More‘DI PA TAPOS SA ‘PINAS; BLATCHE BABAWI SA MIGHTY SPORTS
(NI LOUIS AQUINO) HINDI pa tapos ang paglalaro para sa Pilipinas ni Andray Blatche. Makaraan ang hindi impresibong laro niya sa Gilas sa nakaraang FIBA World Cup, muling nabigyan ng pagkakataon si Blatche na bumawi sa Pinoy basketball fans sa pamamagitan ng Mighty Sports Philippines, na suportado ng Go for Gold at eMedsure. Isinama ang Gilas Pilipinas’ naturalized player sa Mighty ng coach nitong si Charles Tiu, na naniniwalang makakatulong si Blatche sa koponan na lalaban sa 2020 Dubai International Basketball Tournament sa Enero 2020. Kumpiyansa si Tiu na kahit…
Read More