ARESTADO ang magdyowang hinihinalang tulak ng ilegal na droga kasama ang dalawa nilang dabarkads, kabilang ang isang estudyante, nang bentahan ng shabu ang isang undercover cop, at nakumpsikahan ng mahigit P10 milyong halaga ng umano’y shabu sa Malabon City nitong Miyerkoles madaling-araw. Ibinalibag sa makahiwalay na selda ang live-in partners na sina Jhay Camposano y Acain, 31, dati nang nakasuhan dahil sa ilegal na droga, Rizza Mae Pabon y Umbajin alyas Maymay, 20-anyos. Dinampot din sa nasabing operasyon sina Remel De Jesus y Tamayo, 29 at Jufirst Soguilon y Geronimo alyas…
Read MoreDay: February 5, 2020
1 PATAY, 13 SUGATAN SA ARARO NG JEEP
PATAY ang isang tricycle driver habang 13 iba pa ang sugatan makaraang araruhin ng isang pampasaherong jeep ang apat na sasakyan sa Brgy. Fortune, Marikina City nitong Martes ng umaga. Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Marikina/San Mateo Bridge, malapit sa Rolling Hills ng nasabing Barangay dakong alas-9:30 na nagresulta sa pagkamatay ni Michael Panuncio y Villasis, 36, at ikinasugat ng 11 pasahero ng pampasaherong jeep at sa driver ng pangalawang tricycle na inararo nito. Kinilala ang mga sugatan na sina Nestor John Antiquera,19; Clarence Gutirrez y Victorino, 17; Vilma Gineto y…
Read MoreGUSTONG PUMUTI PATAY SA GLUTA
NAMATAY ang isang 33-anyos na babaeng gustong pumuti makaraang turukan ng beauty enhancer na “Glutathion” at Ascorbic Acid Vitarex-C, sa Sampaloc, Manila dakong 3:00 ng hapon nitong Lunes. Kinilala ang biktimang si Shyrill Gee Distor y Empas, empleyado at residente ng 1091 Crisostomo St., Sampaloc. Base sa ulat ni Det. Allan Lingcong na isinumite kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, nangyari ang insidente dakong 3:00 ng hapon noong Pebrero 3 sa Glutaholics Spa sa #1434 Prudencio St. kanto ng Maria Clara St., Sampaloc, Manila. Ayon sa…
Read MoreREP. RIVERA SWAK SA HK QUARANTINE
Bumiyahe sa Hong Kong hindi pinauwi sa Pinas IBINUKO ng chairman ng House committee on Metro Manila Development na si Manila Rep. Manuel Luis Lopez na isang miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso ang naka-quarantine sa Hong Kong. Sa pagdinig ng nasabing komite sa novel coronavirus (nCoV), sinabi ni Lopez na kasalukuyang naka-quaratine sa Hong Kong si CIBAC party-list Rep. Domingo Rivera. “Isang congressman na nagngangalang Doming Rivera. Siya po ay kasalukuyang naka-quarantine din po sa Hong Kong and he is representing party-list CIBAC,” pahayag ni Lopez. Inamin naman ni…
Read MorePBA ALL STAR DADAYO SA ILOILO
DADAYO sa Passi, Iloilo ang Philippine Basketball Association (PBA) para sa All-Star games. Maliban dito, limang games pa ang isasagawa sa probinsiya sa All-Filipino Cup na magsisimula sa Marso 1 hanggang Hunyo 2020. Magpapahinga sa kalagitnaan ng Commissioner’s Cup ang liga upang isagagawa sa Hulyo 10 hanggang 12 ang tradisyunal All-Star Game. Plano ng PBA na magkaroon ng mas maraming provincial games ngayong taon upang mas maraming makapanood nang live. Kumpirmado nang bukod sa Iloilo ay lilibot ang Philippine Cup sa Bataan, Cagayan De Oro, Panabo, at Dipolog. Dadalhin din…
Read MoreOLYMPIC SPOT TARGET NINA CABALLERO, DELGACO
SASABAK sina Melcah Jen Caballero at Joanie Delgaco sa FISA (World Rowing Federation) Asia and Oceania Olympic Qualifying sa Abril 21 sa South Korea, kung saan tatlong spots sa Olympic Games ang nakataya. Sina Caballero at Delgaco ay tatangkaing makapagtala ng mas mabilis na clockings upang masigurong makakuha ng slot sa Tokyo Olympics. Sa nakaraang taong Asian Rowing Championship, si Caballero, double gold winner sa 30th SEA Games, at si Delgaco ay nagmintis sa podium finish nang halos tatlong segundo. Tumapos silang pang-apat sa likod ng nanalong China, South Korea…
Read More95TH NCAA WOMEN’S VOLLEYBALL: AU DUMIKIT SA FINAL 4
NAKABAWI ang titleholder Arellano University mula sa second set loss para talunin ang Letran, 25-14, 26-28, 25-19, 25-16 at dumikit sa Final Four spot ng 95th NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre. Nasa set point na ang Lady Knights, 24-19 nang umsikor ang Lady Chiefs ng limang sunod at gawing 24-24 ang iskor. Pero, naunahan pa rin ng Letran ang Arellano para kunin ang second set. Pagpasok ng third set, nabawi ng Arellano ang composure at muling dinomina ang kalaban at sa huli ay inilista ang…
Read MorePH TAEKWONDO JINS SASABAK SA ASIAN OQT
NAKATAKDANG sumabak sa serye ng Olympic qualifying tournament ang magagaling na Pilipino taekwondo jins na naghahangad makakuha ng tiket sa 2020 Tokyo Games simula Hulyo 24 hanggang Agosto 9. Kabilang sa mga ito sina Pauline Lopez, Kurt Bryan Barbosa, Dave Cea at Samuel Morison, na pawang gold medallist sa nakaraang 30th Southeast Asian Games na ginanap sa bansa dalawang buwan na ang nakararaan. Nais ng Philippine Taekwondo Association na makapagpadala ng mas maraming atleta sa Tokyo Olympics para sa inaasam na mailap na gintong medalya. Nilimitahan lamang ng world governing…
Read MoreTOKYO GOLD, MAKINANG PARA SA PILIPINAS
SA nakaraang Southeast Asian Games, maraming sports ang masasabing tumatak sa isipan ng mga Pinoy na posibleng pagmulan ng mga bagong celebrated athletes ng bansa. Bukod sa Arnis na humakot ng 14 gold medals, bida din ang Dancesport na kumolekta ng 10 gold medals habang ang madalas na inaasahan pagdating sa medal harvest, ang athletics ay humarbat ng 11 gold medals. Overall champion ang Pilipinas sa kanilang 149 gold medals kaya naman ganoon na lang ang pag-asa ng mga Pinoy sports fans na magiging maganda ang kapalaran ng bansa sa…
Read More