NADAGDAGAN ng sampu ang bilang ng mga Pinoy na sakay ng M/V Diamond Princess na nagpositibo sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH). Dahil dito ay umabot na sa 59 ang mga Pinoy na sakay ng crusie ship na nagpositibo sa nasabing sakit, ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire sa isang press conference. Dalawa naman sa mga ito ang gumaling at nakalabas na rin ng ospital. May lima pang inaasahang lalabas sa medical facilities ngayong linggo, ayon naman kay Foreign Affairs Spokesperson Ed Meñez. 538 ang kabuuang…
Read MoreMonth: February 2020
PRESYO NG LANGIS SUMIPA NA NAMAN
NAGPATUPAD na naman ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo simula ngayong araw ng Martes ang ilang oil companies. Sa anunsyo ng mga kumpanyang Shell, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, at Total, itataas nila ng P0.20 ang presyo ng kada litro ng diesel at P0.30 ang presyo ng kada litro ng gasolina. Samantala, tataasan naman ng Shell ng P0.35 ang kanilang presyo kada litro ng gaas o kerosene. Bukas naman, araw ng Miyerkoles ay ipatutupad ng Cleanfuel ang P0.20 taas-presyo sa diesel at P0.30 taas sa gasolina. DAVE MEDINA 237
Read MoreRETIRADONG PATAY NA PATULOY NA IPINANGONGOLEKTA PENSYON ITITIGIL NG PNP
IPATITIGIL ng Philippine National Police (PNP) ang pension ng lahat ng dependents ng mga retirado at namatay na pulis, kung patuloy na hindi ire-report ng beneficiaries ang pagkamatay ng kanilang pensioners at iba pang mahahalagang dokumento na kailangan sa pension system. Ayon kay PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa, layunin ng hakbang na malinis ang listahan ng pensioners matapos sumingaw ang milyong pisong nawawala sa pamahalaan mula sa mga ineligible, unqualified at fake claimants. “If they fail to report the deaths, automatic, the pension must be cancelled. I am going…
Read MorePORT OF DAVAO NAGHIGPIT VS COVID-19
NAGHIGPIT na ang Bureau of Customs (BOC) sa operasyon nito upang maiwasan ang pagkalat at makahawa sa mga tao sa bansa ang coronavirus o COVID-19. Nauna rito, ang Department of Health (DOH) ay nag-isyu ng interim guidelines upang mapamahalaan ng maayos at matugunan ang banta ng COVID-19 sa ibat-ibang areas/institutions partikular ang seaports. Kaya naman nagpalabas ang BOC ng guidelines base naman sa kautusan ng DOH. Nakasaad sa guidelines Department Circular No. 2020-0034 na ang lahat ng cruise ship na may pasahero mula sa China, Macau at Hong Kong sa nakalipas…
Read MoreMVP, IBA PANG OLIGARCH IPATATAWAG SA KAMARA P95-B ATRASO SA PSALM IPALIWANAG
IPATATAWAG ng House committee on public account na pinamumunuan ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang mga negosyante sa sektor ng enerhiya tulad ni Manny V. Pangilinan para pagpaliwanagin sa kanilang mga atraso sa gobyerno. Ang aksyon na ito sa Kamara ay dahil sa hindi katanggap-tanggap na imbes bayaran ng mga oligarko ang utang mga ito sa gobyerno partikular na sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) ay tumakbo ang mga ito sa Korte Suprema. “Ipatatawag natin sila rito,” ani Defensor, na ang tinutukoy ay ang malalaking negosyante…
Read MoreBOC – SUBPORT OF DUMAGUETE NAGHAHANDA SA ISO NAIS MAKIKIPAGSABAYAN SA PANDAIGDIGANG KALAKALAN
PINAGHAHANDAAN ng Bureau of Customs – Subport of Dunaguete ang inisasyon ng ISO project na nakasentro sa management review upang makasabay sa pandaigdigang kalakalan. Noong nakalipas na Linggo, dinalaw ng mga miyembro ng Quality Management System Coordinating Team (QMS-CT) sa pangunguna ni Director Leandro Loyao III, head, Interim Internal Quality Management System Office (IIQMSO) ang Subport of Dumaguete. Nagbigay ang mga ito ng ilang mahahalagang bagay na dapat gawin sa paghahanda ng BOC – Subport of Dumaguete sa aplikasyon nito sa ISO 9001:2015 Certification. Umalalay din sina Deputy Commissioner Donato San…
Read MorePAGPOPONDO SA KARBON ITIGIL
NAGKAPIT-BISIG ang mga lider ng simbahan at civil society organizations upang himukin ang Philippine financial institutions na patuloy umanong nagpopondo sa ‘coal industry’ bagaman alam nilang nakapipinsala ang ‘dirty fuel’ sa kalusugan ng tao, kalikasan at klima sa buong mundo. Sa press conference, inilunsad ang Visayas-wide Church – CSO Empowerment for Environmental Sustainability (ECO-CONVERGENCE), na pinangunahan ng faith-based organizations at environmental advocates mula sa buong Visayas island group at national organizations upang hikayatin ang mga kinauukulan na solusyunan ang nararanasang ‘climate’ at ‘ecological crisis’ sa bansa. Ang pagpupulong ay pinangunahan…
Read MoreNOGRALES UMAYUDA SA RIZAL FARMERS
UMAYUDA si Cong. Fidel Nograles ng 2nd District ng Rizal katuwang ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka ng Montalban na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF). Sina Nograles at DA Secretary William Dar ay personal na nagtungo sa Brgy. Macabud, Montalban, Rizal upang mamahagi ng tulong. Ayon kay Nograles, isa sa mga pinaka naapektuhan ng ASF ay ang kanyang distrito partikular sa nasabing barangay sa Montalban. Base sa talaan, aabot ng 1, 700 hog raisers ang naapektuhan ng ASF sa buong Rizal at 711 mula sa Montalban. Inihayag…
Read MoreSALVAGE VICTIM SA CALOOCAN
PINOSASAN SAKA PINATAY NAKAPOSAS at may tama ng bala sa ulo ang isang lalaki nang matagpuan ang bangkay nito sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Nakasuot ng t-shirt at asul na short pants ang biktima at nadiskubre ng mga motorista sa madilim na bahagi ng Bankers’ Drive, Bankers’ Village 1, Barangay 171 dakong alas-11. Ayon sa pulisya, sinabi ni Bankers’ Village security officer-in-charge Rene Ibanez, Sr., bago matagpuan ang bangkay ay nakarinig ang mga residente mga putok ng baril at may nakitang dalawang motorsiklong may sakay na tig-dalawang lalaking nagkukumahog na…
Read More