CAGAYAN de Oro City – Nagkalasog-lasog ang katawan ang isang lalaki makaraang bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa kasalubong na sasakyan ng bise-alkalde, iniulat nitong Linggo ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ang biktimang si Fernando Jagling Jr., nasa hustong gulang at residente sa Dipolog City, Zamboanga del Norte. Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng Pick-up Montero na kinilalang si Erick Manalondong, driver ni El Salvador City Vice Mayor Engr. Agripino Estrada. Batay sa report ng El Salvador City Police Station, nangyari ang insidente sa Brgy.…
Read MoreMonth: February 2020
1 PATAY, 17 SUGATAN SA MOTOR, NAITALA SA LAGUNA 14 AKSIDENTE SA ISANG ARAW
LAGUNA – Sa kabila ng utos ng DILG na pagbabawal ng mga tricycle at motorsiklo sa gitna ng mga national highway sa bansa, umabot sa 17 aksidente ang nangyari sa loob lamang isang araw sa lalawigang ito, na kinasangkutan ng nasabing mga sasakyan. Batay sa tala ng Laguna police, isa ang namatay at 17 katao ang nasugatan sa nasabing mga aksidente na magkakasunod na nangyari noong weekend, araw ng Sabado. Sa San Pablo City, patay ang isang 23-anyos na motorcyle rider na si Justin Punzalan nang ang motorsiklo nito ay…
Read MoreLESPU NABIKTIMA NG BASAG-KOTSE
NABIKTIMA ng dalawang hinihinalang miyembro ng “Basag-kotse gang” ang isang pulis at natangayan ng baril sa Malabon City, nitong Sabado ng gabi. Sa report nina PSSgt. Jose Romeo Germinal at PSSgt. Ernie Baroy kay Malabon City police chief, P/Col. Jessie Tamayao, alas-10:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Gov. Pascual St/ corner Sitio Gulayan, Brgy. Catmon, ng lungsod. Ayon sa ulat, nagtungo sa Sitio Gulayan si PSMgt. Rugene Paule, 43, at P/Cpl. Kirshner Buendia, kapwa nakatalaga sa Station Intelligence Branch (SIB), kasama ang kanilang impormante na si Ariston Arceo,…
Read MoreTSINONG DUMURA SA RESTO, TIMBOG
ARESTADO sa follow-up operation ng Manila Police District- Special Mayor’s Reaction Team ( SMaRT), ang isang Chinese national na nag-viral sa social media makaraang dumura sa loob ng isang fastfood restaurant sa Masangkay St., Tondo, Manila. Kasalukuyang nasa kulungan ng MPD- SMaRT dahil sa mga kasong grave scandal, unjust vexation at malicious mischief ang suspek na si Jinxiong Chi, tubong Mainland, China Batay sa ulat ni P/Major Rosalino Ibay Jr., hepe ng MPD-SMaRT, matapos mag-viral sa social media ang salaulang Tsino, agad iniutos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso…
Read MoreLALAKI PINATAY SA ILALIM NG TULAY
PALAISIPAN sa mga awtoridad kung may kinalaman sa kalakaran ng ilegal na droga ang pamamaril sa isang hindi kilalang lalaki nitong Linggo ng madaling araw sa Quiapo, Manila. Dead on the spot ang biktimang inilarawang may edad 35 hanggang 40-anyos, nakasuot ng itim na may pink na sando at checkered na shortpants. Base sa ulat ni Det. Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 1:15 ng madaling araw nang makarinig nang sunod-sunod na putok ng baril sa ilalim ng tulay ng Quezon malapit sa Quinta Market sakop…
Read MoreCHINESE TRADER INAMBUSH SA MAYNILA
TINAMAAN ng bala sa kaliwang pisngi ang isang 43-anyos na negosyanteng Chinese makaraang pagbabarilin habang lulan ng kanyang Toyota Camry, nitong Linggo ng madaling araw sa Ermita, Manila. Nilalapatan ng lunas sa Manila Doctor’s Hospital ang biktimang si Wenyan Shiao, may asawa, reidente ng #680 Elcano St., Binondo, Manila Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng MPD- Ermita Police Station 5 sa pagkakakilalan ng tumakas na gunman na lulan ng motorsiklong itim na may orange at walang plaka. Batay sa ulat na nakarating kay P/Lt. Col. Ariel Caramoan, station commander, bandang…
Read MoreLIQUID SHABU TALAMAK ONLINE
MULING nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) hinggil sa pagkalat at pagbebenta ng injectable liquid shabu sa pamamagitan ng social media. Kasunod ito sa pagkakakumpiska ng PDEA Special Enforcement Service (SES) sa 26 heringgilya na may lamang liquid shabu, sa buy-bust operation sa harap ng isang kilalang fastfood restaurant sa Mandaluyong City noong Pebrero 20. Ayon sa PDEA, bawat heringgilya ay naglalaman ng 10.4 milliliters na liquid shabu. Lumabas sa imbestigasyon, ipinakakalat ng mga suspek ang pagbebenta ng ilegal na droga sa pamamagitan ng iba’t ibang social media sites…
Read MorePIA WURTZBACH NALI-LINK KAY JEREMY JAUNCEY
KAMAKAILAN ay nagkaroon ng pagkakataon si Pia Wurtzbach na makapanood ng NBA All-Star game sa Chicago. Isang masayang karanasan umano para sa Miss Universe 2015 ang mapanood mismo sa venue kung paano maglaro ang mga tinitingalang NBA players. “First time ko manood ng NBA game live or any NBA event for that matter. It was so much fun. I know about basketball because it’s very popular here in the Philippines and fun fact, I tried to become part of the varsity team in high school pero hindi ko siya na-pursue…
Read MoreEJAY FALCON: ‘ANG HIRAP ISIPIN KUNG ANO ANG GAGAWIN KO ‘PAG NAGSARA ABS-CBN’
AMINADO ang Sandugo lead actor na si Ejay Falcon na malaki ang magiging epekto sa buhay niya sakaling magsara at hindi ma-renew ang franchise ng ABS-CBN na mag-e-expire ngayong katapusan ng Marso, 2020. Ayon sa binata, sobrang laki ng nagawa sa kanya ng ABS-CBN para magbago ang buhay niya at ng kanyang buong pamilya. Kung hindi raw siya napunta sa Dos ay wala lahat ng kung anumang meron siya ngayon. Unang tanong namin kay Ejay sa exclusive naming interview, paano ba binago ng ABS-CBN ang kanyang buhay? “Siyempre ABS-CBN ang…
Read More