BAGAMA’T nag-sorry rin agad, nai-post na ni Robin Padilla ang sana’y sinarili na lang niyang damdamin toward ABS-CBN. Unang-una, walang kinalaman sa renewal ng prangkisa ng istasyon ang hanash ng action star, kundi may kaugnayan sa labor issues ng mga kawani nito. Out of line, ‘ika nga. Ang nakakatawa pa, hinihingi nya ang pang-unawa ng publiko coming from an ex-convict who allowed his emotions to get in the way of such a thing na utak sana niya ang kanyang pinairal. Pero nasabi na ang hindi dapat sabihin. The harm has…
Read MoreMonth: February 2020
4 OPISYAL SWAK SA OMBUDSMAN PHILHEALTH SCAM INUPUAN
PATUNG-PATONG na kaso ang inihain sa Office of the Ombudsman laban sa apat na matataas na opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth). Batay sa 19-pahinang complaint affidavit nina Atty. Harry Roque at Ken Sarmiento, ang dating pinuno ng POEA Philhealth Operations Office, ang mga inireklamo ay sina Dennis Mas, Philhealth Senior Vice President; Ruben John Basa, Executive Vice President; Narisa Sugay, Vice President for Member Management Group; at Gilda Salvacion Diaz, Vice President ng Philhealth-NCR. Mga reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, dereliction of duty, grave misconduct,…
Read More20 OPISYAL, KAWANI KINASUHAN ANOMALYA SA CT SCAN SA NCMH
SINAMPAHAN ng patung-patong na kaso ng National Bureau of Investigation-Anti-Graft Division (NBI-AGD) sa Office of the Ombudsman ang dalawampung opisyal at kawani ng National Center for Mental Health (NCMH). Kasama sa kinasuhan ang tatlo umanong kasabwat ng mga ito sa pagbili ng mahigit P30, 407, 706.25 CT Scan equipment na hindi naman napapakinabangan. Tinukoy ng NBI ang mga kinasuhan na kinabibilangan ni: Dr. Bernardino Vicente, retiradong chief II ng NCMH at mga kasalukuyang opisyal na sina Dr. Beverly Azucena, Clarita Avila, Dionisio Tolentino, CPA Dulce Valerio, Godofredo Valles, Dr. Jenkin…
Read MoreMAHIHIRAP BIGYAN DIN NG HUSTISYA – REP. NOGRALES
NAPAPANAHON nang repasuhin ang Free Legal Assistance Law. Ito ang iginiit kahapon ni Rizal 2nd Ditrict Rep. Fidel Nograles. “Isa sa mga pangunahing karapatan na nakasaad sa ating 1987 Konstitusyon ang “libreng akses sa hustisya para sa mahihirap.” Mariing ipinahayag sa ating Saligang Batas: “hindi dapat tanggihan ang sinoman dahil sa kahirapan upang magkaroon ng libreng akses sa mga korte at quasi-judicial bodies at mabigyan ng sapat na legal na tulong,” pahayag ni Nograles. Paliwanag ng mambabatas, ang Universal Declaration of Human Rights at International Covenant on Civil and Political…
Read MoreDUTERTE SASABOG SA GALIT SA NAHUKAY NG KAMARA. P95-B UTANG ‘THANK YOU’ NA LANG?
NAKALKAL sa mababang kapulungan ng Kongreso na may atraso ang malalaking negosyante sa gobyerno partikular na sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) na posibleng hindi nila bayaran. Sa pagdinig nina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, chairman ng House committee on public accounts at Bulacan Rep. Jose Sy-Alvarado, chairman ng House committee on good government, natuklasan umaabot sa P95 Billion ang utang ng malalaking negosyante sa PSALM sa pangunguna ng South Premier Power Corporation (SPPC) at Manila Electric Company. Ang SPPC ay may atraso umano sa PSALM na…
Read MoreKOPYA NG CCTV IRE-RELEASE NG MIAA MGA SABIT SA ‘PASTILLAS’ MODUS NG BI IBUBUKING
HANDA ang Manila International Airport Authority (MIAA) na ibigay ang kopya ng kanilang CCTV kasunod ng pagkakadiskubre sa umano’y “pastillas modus” na kinasasangkutan ng ilang mga taga Bureau of Immigration. Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, sakaling magpadala ng request ang BI sa kanila para makakuha ng CCTV copy ng ilegal na transaksyon ay kanila itong pauunlakan. Nilinaw ni Monreal na ang tanging maibibigay nilang kopya ay ang mga lugar na naaabot ng kanilang CCTV. Ang katuwiran niya ay hindi pa raw kasi lahat ng lugar sa paliparan ay…
Read More538 PINOY SA CRUISE SHIP SA JAPAN IUUWI NA
IPINAG-UTOS na kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapauwi sa mga Pilipinong sakay ng Diamond Princess Cruise Ship matapos makumpleto ang labing apat na araw na quarantine period dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sa isang tweet, inatasan ni DFA Secretary Teddy Locsin Jr. ang Embahada ng Pilipinas sa Tokyo na agad i-repatriate ang 538 na Pilipinong sakay ng nasabing barko. Sinabi ni Locsin, tungkulin ng gobyerno na alagaan ang mga Pinoy roon at gusto na nilang umuwi sa lalong madaling panahon. Sa ngayon aniya, inaayos na ng…
Read MoreNAMAMATAY SA COVID-19 TULOY SA PAGDAMI
PUMALO na sa mahigit 2000 ang bilang ng mga namatay nang dahil sa coronavirus disease o COVID 2019 sa Hubei Province sa China. Sa update ng provincial health commission, aabot sa 1,693 ang bagong kaso ng mga tao na na-infect ng virus. Dahil diyan, umakyat na sa mahigit 74, 000 ang mga tinamaan ng virus na karamihan ay sa Hubei. Sa huling ulat ng China National Health Commission na umabot na sa 2004 ang mga namatay. Sinabi ni Chinese President Xi Jinping, ang mga ipinatutupad na measures ng bansa ay…
Read MorePROTEKTOR NG POGO ‘HUHUBARAN’ SA KAMARA
IPATATAWAG sa mababang kapulungan ng Kongreso ang itinuturong protektor ng Philippine Offshore and Gaming Corporation (POGO). Nabatid na nakukumbinsi ang isang mambabatas sa Kamara na maraming anomalya sa operasyon ng POGO dahil sa umano’y protektor ng mga ito. “Kung walang anomalya, walang protektor. Bakit sila mayroon protektor?,” tanong ni House committee on games and amusement chairman Eric Yap. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos lumutang ang pangalan ng isang “Michael Yang” na nagsisilbing protektor umano ng mga POGO operator sa Pilipinas sa pagdinig ng Senado kamakailan. Sa pagdinig ng Senado…
Read More