SWAK: Sa kabila ng isyu ng franchise renewal ng ABS-CBN 2, napatunayang ang GMA 7 pa rin ang mas pinapanood ng nakararami. Ayon sa data ng Neilsen, nakakuha ang Kapuso network ng 34.9 percent people audience share sa NUTAM laban sa 32 percent ng ABS-CBN 2. Palaki rin nang palaki ang agwat ng GMA sa ABS sa iba pang lugar tulad ng Urban Luzonat Mega Manila. Naka-36.9 percent ang Siyete sa Urban Luzon samantalang 29.3 percent lang ang Dos. Nakuha naman ng GMA ang pinakamalaking panalo sa Mega Manila (January1…
Read MoreMonth: February 2020
JULIA NA-EXCITE SA LAPLAPAN KAY TONY
NAPAPANOOD na sa iWant ang seryeng ‘I Am U’ na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Tony Labrusca. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkatambal sina Julia at Tony sa isang proyekto. Hindi raw nagdalawang-isip ang aktres na tanggapin ang naturang digital series nang malamang si Tony ang makakatrabaho dito. “Noong ipi-pitch pa lang sa akin, sinabi pa lang, ‘Tony Labrusca.’ ‘Oh maraming laplapan?’ Kasi ‘di ba nanggaling siya sa ‘Glorious’? I heard of Tony kasi first doon sa ‘Glorious’. So parang sa akin, bago ko pa siya na-meet, ganoon na ‘yung…
Read MoreREKLAMO VS KORAP SA LTO
INIREKLAMO ng isang kumpanya kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang Land Transportation Office (LTO) na pinamumunuan ni ret. Gen. Edgar Galvante simula noong 2016. Ang reklamo ng Cartesy German laban sa LTO ay ang pagpayag nito na makapagnegosyo sa nasabing ahensiya ang isang kumpanyang pag-aari ng mga Intsik. Ayon sa reklamong ipinarating kay Tugade ng Cartesy German, isang manufacturer ng motor vehicle inspection tools, na ginamit ang pangalan ng kanilang kumpanya nang walang opisyal na pahintulot mula sa pamunuan nito. Idiniin ng Cartesy German na ang Cartesy…
Read MoreOFW DEPARTMENT LUMALABO
KUNG mayroong bagong ahensya ng gustong itayo ng gobyerno na malabong maipasa ay ang Department of Filipino overseas na dating kilala bilang Department of Overseas Filipino Workers. Maraming mambabatas sa Kamara at maging sa Senado ang nagdadalawang isip na ipasa ang panukalang ito dahil para na ring nating inaamin na panghabambuhay na ang pagpapadala natin ng ating mga kababayan sa ibang bansa. Kahit ang inyong DPA as in Deep Penetration Agent ay hindi kumporme sa bagong ahensyang ito dahil mistulang pangmatagalan na ang pag-eexport natin ng mga tao sa ibang…
Read More5 NAKA-QUARANTINE SA TARLAC NAOSPITAL
DINALA sa ospital ang limang Pinoy repatriates mula sa cruise ship na MV Diamond Princess sa Japan at kasalukuyang naka-quarantine sa New Clark City sa Capas, Tarlac matapos makitaan ng mga sintomas ng respiratory illness. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, unang nakitaan ng sintomas ng sakit ang tatlo sa kanila na pawang lalaki, noong Pebrero 26. Dalawa sa kanila, na edad 34 at 27 ay nakaranas ng sore throat habang ang isa pa, na 39-year old ay nagkaroon ng ubo kaya’t inilipat sila sa isang referral hospital sa…
Read MoreCBCP TUTOL DIN SA KALIWA DAM PROJECT
IKINATUWA ng mga militanteng mambabatas sa Kamara ang suporta ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa kanilang laban kontra sa Kaliwa Dam project sa Quezon Province. Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, lalong lumakas ang kanilang loob na labanan ang proyektong ito na popondohan ng China dahil sisirain lamang umano nito ang kabundukan at kalikasan sa Quezon at Rizal. Base sa pastoral letter ng CBCP na inisyu ni CBCP president at Davao Archbishop Romulo Valles na pinamagatang “I Look Up to the Mountains”, ipinatitigil ng mga…
Read MoreLABOR STRIKES ‘DI PIPIGILAN SA ANTI-TERROR LAW
HINDI kasali sa parurusahan ng Anti-Terrorism Law ang freedom of speech, expression at assembly kabilang ang labor strike dahil pinoprotektahan ito ng Saligang Batas, ayon sa paglilinaw ni Senador Panfilo Lacson. Sa panayam, sinabi ni Lacson, dating hepe ng Philippine National Police (PNP) na maliwanag ang mga depinisyon sa batas hinggil sa pangangalaga ng karapatan ng mamamayan tulad ng nabanggit sa Konstitusyon. “Maliwanag ang nasa definition at sa mga safeguard. Ang legitimate dissent, freedom of expression, freedom of assembly pati labor strikes, di kasama. Kasi ang nagba-bound dito, ang intent…
Read MoreEX-PNP CHIEF ABSWELTO SA PERJURY
INABSWELTO ng Sandiganbayan sa kasong perjury si dating Philippine National Police (PNP) Chief Allan Purisima. Base sa desisyon ng 2nd Division ng Sandiganbayan, ipinunto na not guilty si Purisima sa walong bilang ng perjury na inihain laban sa kanya. Ayon sa korte, nabigo umano ang prosekusyon na maghain ng sapat na ebidensya para patunayang guilty beyond reasonable doubt si Purisima sa kasong ibinibintang sa kanya. Bunsod nito ay ipinag utos ng anti-graft court na ibalik ang inilagak na piyansa ng dating PNP chief gayundin ang pagpapatanggal sa kanyang hold departure…
Read MoreE-CIGARS, VAPES BAWAL NA
IPINAGBABAWAL na ang paggamit sa pampublikong lugar, paggawa, pagbebenta at pag-advertise ng mga hindi rehistradong electronic cigarette o vapes at iba pang mga naglalabasang bagong uri ng tobacco products. Ipinalabas ng Malakanyang ang Executive Order 106 na naglalayong amyendahan ang naunang Executive Order 26 na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. Nakasaad sa EO 106 na iniulat ng Department of Health (DOH) na ang paggamit at paglanghap ng usok mula sa e-cigarettes o vapes ay nagdudulot ng kahalintulad na respiratory illness, cardiovascular diseases, addiction, cancer, neurodegeneration, brain development retardation…
Read More