GMA 7 MAS PINANONOOD NG NAKARARAMI 

GORGY GULA -SWAK-SEESWAK: Sa kabila ng isyu ng franchise renewal ng ABS-CBN 2, napatunayang ang GMA 7 pa rin ang mas pinapanood ng nakararami.

Ayon sa data ng Neilsen, nakakuha ang Kapuso network ng 34.9 percent people audience share sa NUTAM laban sa 32 percent ng ABS-CBN 2.

Palaki rin nang palaki ang agwat ng GMA sa ABS sa iba pang lugar tulad ng Urban Luzonat Mega Manila.

Naka-36.9 percent ang Siyete sa Urban Luzon samantalang 29.3 percent lang ang Dos.

Nakuha naman ng GMA ang pinakamalaking panalo sa Mega Manila (January1 hanggang February 12 official data) kung saan naka-37.6 percent ito habang 27.1 lang ang katapat na istasyon.

LORNA TOLENTINO WALANG ALAM SA ‘BUHUSAN NG TUBIG ISSUE’

SEE: Walang kamalay-malay si Lorna Tolentino na may mga isyung pinag-uusapan sa ‘Ang Probinsyano’ na pinasabog ni Robin Padilla.

Wala raw siyang alam na may ganoong balita, pati ang larong buhusan ng tubig na sinasabi ng mga taga-Ang Probinsyano.

Sabi naman ni Lorna, noon pa naman daw ay nauuso na ‘yang ganyang laro na merong pang-spray ng tubig  na minsan nagyoyosi ka, hindi mo napansin, napatay na dahil na-spray ng tubig.

“Okay naman ‘yun, basta huwag lang nakakasakit,” pakli ni Lorna nang natanong sa kanya ito nang humarap siya sa media sa renewal ng kontrata niya bilang brand ambassadress ng Beautederm.

Ang punto lang ni Lorna, kung may ganitong isyu, sana huwag na lang daw manggagaling pa sa kapwa artista.

“Sa akin kasi, kung kapwa mo artista, dapat proteksyunan mo, dapat mahalin mo rin. Kasi kung ano man ‘yung mali na hindi maganda sa artista na ‘yun, eventually lalabas din ‘yun eh. Hindi mo matatago. Huwag na sana sa kapwa artista mo manggagaling,” pahayag ni Lorna.

SNOOKY SERNA DADALO SA PORTUGAL FILM FESTIVAL

SNOOKY-3SWAK: Matagal nang nagpaalam si Snooky Serna sa production staff ng Anak ni ‘Waray Vs. Anak’ ni Biday na aalis siya ngayong end of February para dumalo sa Fantasporto 2020 (Pebrero 25-Marso 8) sa Portugal.

40th edition ito ng Porto International Film Festival, at kalahok dito ang pelikula ni Snooky na ‘In The Name of the Mother’ na dinirek ni Direk Joel Lamangan.

“Excited ako, syempre. Kasi, sa dinami-dami ng mga taon, at hindi naman sa pagmamalaki, awa ng Diyos, iyong places na napuntahan ko na, nakapunta na rin naman ako sa ibang mga bansa…

“Hindi ko pa napupuntahan ang Portugal, kaya thrilled na thrilled ako!” bulalas ni Snooky.

Baka nga naman manalo siya roon dahil sabi ni Direk Joel, magaling doon si Snooky.

Nanalo na sa naturang international filmfest sina Barbie Forteza at Ina Raymundo, at marami na tayong mga pelikulang napansin diyan sa Fantasporto.

NATALIE HART AYAW NANG MAGPA-SEXY

SEE: Ayaw na pala ni Natalie Hart na tawagin siyang sexy star.

Gusto na raw niyang ma-elevate sa pagiging dramatic actress dahil iyun naman daw talaga ang gusto niyang mangyari sa kanyang career.

Kaya kung panahon na ngayon ni Ivana Alawi, okay lang sa kanya at hindi na nga raw niya naiisip na threat sa pagiging sexy actress niya si Ivana.

“It’s not a threat kasi at the end of the day, she has her own market, may market din ako.

“Kumbaga siguro naku-compare lang kami, sina Ellen (Adarna) and everything kasi lahat kami nagpapa-sexy.

“Pero in terms of kung threat…bahala na.

“I think everytime naman may bagong pumapasok. So, after two years may bago na namang pumapasok. So, it’s understandable,” pahayag ni Natalie.

Kaalis lang ni Natalie patungong Japan para mag-shoot ng pelikulang ‘Steal’ under Viva Films na ididirek ni Bona Fajardo.

Pero may dalawa pa siyang tinatapos sa Viva at napapanood na ngayon sa IWant TV ang pelikulang ‘Sunday Night Fever’ na kung saan kasama niya rito sina Diether Ocampo at Ricky Davao.

Nagpa-sexy pa rin dito si Natalie dahil nabalik naman kasi ang ganda ng katawan niya pagkatapos niyang magkaroon ng baby.

 

165

Related posts

Leave a Comment