PANGANGALAGA SA MGA BAYBAYIN NG BANSA

Sa Ganang Akin

MAAALALANG matapos ang matagumpay na rehabi­litasyon ng Boracay noong 2018, sunod na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Metro Manila Development ­Authority (MMDA) ang rehabilitasyon ng Manila Bay. Nagbitaw ng pangako ang DENR ukol sa nasabing kautusan na pagtatapos ng 2019 ay maaari nang lumangoy ang mga Pilipino sa Manila Bay subalit hindi naman natupad. Gayunman, siniguro ni DENR Secretary Roy Cimatu sa publiko na mananatiling numero unong prayoridad ng  kanyang tanggapan ang rehabilitasyon ng Manila Bay sa susunod na dalawang taon.…

Read More

IVANA, NATULOG SA KALYE DAHIL SA PBB AUDITION

SIKAT na sikat na ngayon si Ivana Alawi dahil sa kanyang video blogs sa sariling YouTube channel. Kamakailan ay tumanggap na rin ng award ang sexy actress mula sa pamunuan ng YouTube dahil sa pagkakaroon ng mahigit apat na milyong subscribers. Masayang inalala ng dalaga sa pinakahuling vlog ang kanyang pinagdaanang hirap bago pa sumabak sa mundo ng show business. “Nag-audition ako sa commercials, ayun rejected pa rin ang lola n’yo. So much rejection in life. Sa dami-dami kong vini-TR wala akong nakuha. Maraming beses akong nag-audition kung saan-saan pero…

Read More

‘GANDANG GABI VICE’ MATUTULOG NA

WHEREAS ang pariralang “ilang tulog na lang” ay inuugnay sa anumang bagay na kailangang ipagdiriwang o ipagbunti, kabaligtaran ito ng kapalarang sasapitin ng ‘Gandang Gabi Vice’ na ilang tulog na lang ay matutulog na ito at hindi na muling magigising. Mas mapapaaga nga ang pagbabu ng Sunday night ni Vice Ganda kesa sa 20th day of March kung kailan mag-e-expire na ang franchise ng ABS-CBN, home to GGV. Pero kung tutuusin, hindi na bago sa pandinig ang kanselasyon ng programa para sa main host nito. Back in February 2012, nanganib…

Read More

DEADLINE NG SUMMER FILM FESTIVAL WALANG EXTENSION

SWAK: Hindi na raw mai-extend ang deadline ng submission ng  finished films na isasali sa Summer Metro Manila Film Festival. February 15 ang deadline, and as of presstime, 24 ang nagpadala ng letter of intent at inaasahang nahabol nila ang submission ng pelikula. Walo lang ang mapipili na ia-announce sa March 2 kasabay nang pagbibigay ng cash prizes sa mga nanalo sa ‘Gabi ng Parangal’ ng MMFF noong nakaraang December. Sabi ng mga taga-MMDA at MMFF Executive Committee, hindi raw sila umaasang kasinlakas ito ng MMFF ng December. Hindi pa…

Read More

PALPAK ANG SERBISYO, SOBRANG TAAS NAMAN ANG PRESYO REKLAMO VS PRIME WATER BUMAHA

KALIWA’T KANANG batikos ang inani ng Prime Water Infrastructure Corporation mula sa mga kostumer nito dahil sa umano’y palpak na serbisyo at sobrang taas ng singil ng kumpanya. Ayon kay dating Anakpawis Rep. Ariel Casilao, nakalulungkot na profit ang siyang pangunahing interes sa pag-takeover  ng Prime Water na pag-aari ng bilyonaryong mag-asawang Sen. Cynthia at Manny Villar, sa mga water district at hindi para umigi ang serbisyo at magkaroon ng maayos na supply ng tubig. Ani Casilao, habang panay papuri si Pangulong Rodrigo Duterte sa Prime Water dahil sa kaalyadong…

Read More

PAGKAMATAY NG OPISYAL IGAGANTI NG PNP

pnp1

NANGAKO si Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Archie Francisco Gamboa na maglulunsad ng mga pag-atake laban sa mga miyembro ng New People’s Army na nakapatay kay P/Capt. Efren Espanto Jr. “We will seek revenge, and they (rebels) should hide already because revenge will be sought by the Philippine National Police and I will be true to that word,” pahayag ni Gamboa. Ginawa ng PNP Chief ang pangako sa kanyang pagdalaw sa labi ni Espanto sa Camp Delgado sa Iloilo City nitong Sabado. Si Espanto, 29, tubong La Carlota City…

Read More

PAGSASARA NG MGA POGO ITINULAK SA KONGRESO; P20-B NAGLAHO SA TAX CHEATERS

IMINUNGKAHI ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na isara na ang mga POGO o Philippine Offshore Gaming Operators at pauwiin na ang mga “tax-cheater” na ito sa kanilang bansa sa China. Ginawa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang mungkahi sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos lumabas na umaabot sa P50 Billion ang hindi nababayarang buwis ng mga POGO operator sa bansa noong nakaraang taon. “Shut down operations and send home all ‘tax-cheat’ Philippine Offshore Gaming Operators in…

Read More

BANAT NI BINOE SA ABS-CBN INTERES NG EMPLEYADO UNAHIN NI: NELSON S. BADILLA

KAKAMPI ng ABS–CBN Corporation si Robin Padilla sa kagustuhan ng kumpanya na makakuha ito ng panibagong 25 taong prangkisa, ngunit tahasang nanawagan ang “Bad Boy of Philippine Movies” sa mga may-ari at pamunuan ng nasabing kumpanya na unahin nito ang kapakanan ng kanilang mahigit 11,000 mga empleyado. Ipinasasama din ni Padilla ang kapakanan ng mga manggagawa sa misyon at bisyon ng ABS-CBN. Ang misyon ng ABS-CBN ay: “We exist to inform, educate, and entertain through creative content for any distribution platform. We innovate, diversify, and expand into enterprises where our…

Read More

HUSTISYA SA LEYTE IGIGIIT NG SUPPORTERS NI CUATON RALLY SA COMELEC IKAKASA

MAGLULUNSAD ng kilos-protesta ang mga residente ng Southern Leyte, kabilang ang mga tagasuporta ni dating Saint Bernard Mayor Napoleon Lim Cuaton sa harapan ng tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa nasabing lalawigan. Ang protesta ay isasagawa anomang araw ngayong linggo, banggit ni Cuaton sa Roundtable Discussion sa mga Editor at Investigative Reporters ng Saksi Ngayon. Inihayag ni Cuaton na nakarating sa kanyang kaalaman na magpoprotesta ang maraming residente ng iba’t ibang barangay ng Southern Leyte laban sa Comelec dahil naniniwala sila na “maling-mali” ang proklamasyon nito kay Roger “Oging”…

Read More