UE, HARI SA UAAP 82 FENCING

HINDI natinag sa trono ang University of the East sa men’s division sa ikawalong sunod na taon, habang nabawi naman ng women’s team ang korona nito. Hindi rin nagpahuli ang junior teams nang manatiling kampeon sa pagtatapos ng UAAP Season 82 Fencing tournament sa Paco Arena. Ang Red Warriors ay nanaig kontra Ateneo, 45-42 sa men’s team foil finals para kumpletuhin ang five-gold, one-silver medal haul tungo sa kanilang 14th title overall. Iiwan ni Sammuel Tranquilan ang UE bilang winner sa paghablot ng kanyang ikatlong sunod na MVP award. Bagama’t…

Read More

KOBE BRYANT PASOK SA 2020; BASKETBALL HALL OF FAME

ISA si five-time NBA champion Kobe Bryant sa walong finalist na kabilang sa 2020 Basketball Hall of Fame inductees. Si Kobe, 41, nasawi noong nakaraang buwan nang bumagsak ang helicopter na sinasakyan kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa, ay halos tiyak nang mapapabilang sa hanay ng mga batikang sports personalities sa honor shrine sa Springfield, Massachusetts. Nakatakdang ihayag ang Hall of Fame inductees sa Abril 4 sa Atlanta sa US college ‘Fina Four’ kung saan 18 sa 24 vites mula sa Honors Committee ang kinakailangang lumahok…

Read More

TEAM WORLD INIWAN NG TEAM USA

NAG-INIT ang Team USA sa second half at ibinaon ang 151-131 win laban sa Team World sa Rising Stars game, Sabado (Manila time) sa pagsisimula ng All-Star Weekend sa United Center sa Chicago. Pinangunahan ni Golden State Warriors’ Eric Paschall ang Team USA. Siya ay may 23 points habang si New York Knicks’ RJ Barrett ay may game-high 27 points naman para sa Team World. Iniwanan ng Team USA ang kalaban sa fourth period, kung saan hinayaan nilang magpalabas si forward Zion Williamson sa pamamagitan ng serye ng dunks. Tumapos…

Read More

FIVB: GUSOT SA PHL VOLLEYBALL RESOLBAHIN

IGINIIT ng International Volleyball Federation (FIVB) na kailangan nang maplantsa ang gusot sa Philippine volleyball. Kaugnay nito, sumulat si FIVB general director Fabio Azevedo kay Sports Vision president Ricky Palou, organizer ng Premier Volleyball League, na nagpapahayag ng intensyon nito na resolbahin ang  matagal nang suliranin sa naturang isport sa bansa. “The FIVB would like to emphasize that it shares the concerns of volleyball stakeholders in the Philippines regarding the current state of the national volleyball federation there,” sabi ni Azevedo sa sulat niya kay Palou noong Disyembre. “The FIVB…

Read More

MAYOR JOY AYAW SA SUGAL

OKAY O OKRAY

Mula nang maupo biglang alkalde ng Que-zon City si Mayor Joy Belmonte, maraming pagbabago ang naga-nap sa lungsod na noon pa man ay maunlad na. Okay ang mga gusto ni Mayor Belmonte na karagdagang pagbabago sa Quezon City dahil hindi nga naman ito para sa kanya subalit para sa mga mamamayan. Nais ng alkalde na mawala ang katiwalian sa lungsod na kanyang pinamumunuan kaya okay na okay na ang mga empleyado na sa pagkakaalam niya ay mga tauhan ng ­dating mga namumuno ay kanyang inilipat ng unit at departamento upang…

Read More

K-12 NG DEPED PALPAK

PUNA

ITINUTURING na palpak ng mga magulang na nagpapaaral ng mga anak ang K-12 Program ng Department of Education (DepEd). Para sa mga magulang na tulad ng PUNA, ginawang eksperimento lang ng DepEd ang pagpapatupad ng K-12 na ang naperwisyo nito ang nakararaming Pinoy. Sabi pa ng mga magulang,  doble ang ginagastos ng gobyerno sa implementasyon nito. Gumastos na ang ­gobyerno sa pagpasok ng mga senior high sapagkat nagpagawa na sila ng mga pasilidad at iba pang kagamitan para magamit ng mga eskuwela. Pinatay rin nitong K-12 program ang vocational courses…

Read More

TIRADOR NG MOTORSIKLO SWAK SA SELDA

SWAK sa selda ng Manila Police District (MPD) ang isang 29-anyos na binata matapos tangayin ang umano’y motorsiklo ng isang  pulis, iniulat ng pulisya kahapon. Kalaboso ang suspek na kinilalang si Mikhael Flores y Sarmiento, binata, tambay, ng #409 Teresita St., Bustillos, Sampaloc, Manila. Batay sa ulat ni P/Capt. Jake Arcilla, Block commander ng Manila Police District-V. Mapa Police Community Precinct, sakop ng Sta. Mesa Police Station 8, bandang alas-11:15 ng tanghali nitong Huwebes nang mamataan ang isang lalaki na kahinahinala ang kilos habang lulan ng motorsiklo sa panulukan ng…

Read More

KONTRABANDO SA NCJ, BULILYASO

BULILYASO ang tangkang pagpupuslit ng alak, chongke at sigarilyo ng dalawang maskarado sa Navotas City Jail (NCJ) matapos na may magnguso sa pamununan ng nasabing pasilidad hinggil dito. Ayon kay Navotas City Jail Warden Chief Insp. Ricky Heart Pegalan, isang araw bago ang tangkang pagpapalusot ng mga ipinagbabawal na bagay sa nasabing piitan ay nakatanggap sila ng tip ukol dito kaya’t inutusan ni Pegalan si Assistant Warden Sr. Insp. Henry Laus na magsagawa ng regular na inspeksyon sa labas ng perimeter wall ng extension facility dakong gabi. Alas-9:50 ng gabi,…

Read More

MOBILE CAR PINAGTRIPAN, 2 SALESMAN ARESTADO

KINUWELYUHAN ng mga tauhan ng Manila Police District ang dalawang salesman na umano’y pinagtripan ang isang mobile car ng nagpapatrulyang mga pulis sa panulukan ng Taft Avenue at Dagonoy St., sa Malate, Manila nitong Biyernes ng gabi. Sinampahan ng kasong unjust vexation ang dalawang suspek na sina Aldy Delos Verjes y Roflo, 18, residente ng B13, L33, Mabuhay Homes 2000, Dasmariñas, Cavite, at Joshua Calderon y Cariño, 20, residente ng #520 Libis St., Orcana, Caloocan City, kapwa salesman. Batay sa ulat nina P/Cpl. Larry John Lumacad at P/Cpl. Wilson Luis Lopez,…

Read More