UE, HARI SA UAAP 82 FENCING

HINDI natinag sa trono ang University of the East sa men’s division sa ikawalong sunod na taon, habang nabawi naman ng women’s team ang korona nito. Hindi rin nagpahuli ang junior teams nang manatiling kampeon sa pagtatapos ng UAAP Season 82 Fencing tournament sa Paco Arena. Ang Red Warriors ay nanaig kontra Ateneo, 45-42 sa men’s team foil finals para kumpletuhin ang five-gold, one-silver medal haul tungo sa kanilang 14th title overall. Iiwan ni Sammuel Tranquilan ang UE bilang winner sa paghablot ng kanyang ikatlong sunod na MVP award. Bagama’t…

Read More

UAAP 82 fencing tournament: KORONA ITATAYA NG UE, ATENEO

ITATAYA ng University of the East at Ateneo ang kanilang men’s at women’s title sa pagsisimula ngayon ng UAAP Season 82 fencing tournament sa Paco Arena. Tampok ang men’s individual saber at women’s individual foil sa alas-8:00 ng umaga, habang ang men’s individual epee ay lalaruin sa hapon. Ibinulsa ng Red Warriors ang ikapitong sunod nitong titulo at 13th overall noong nakaraang season sa likod ng mahusay na performance sa individual events, kung saan si CJ Concepcion ang nagwagi sa saber gold at si two-time MVP Sammuel Tranquilan naman ang…

Read More

SENIOR HIGH STUDENT ISINAILALIM SA QUARANTINE; NCOV SCARE SA UE

UMAPELA ang administrasyon ng University of the East (UE)  sa kanilang mga estudyante na maging kalmado makaraang maalarma kaugnay sa 2019 Novel Coronavirus. Ayon sa  UE Dawn, student publication ng nasabing unibersidad, wala pang kumpirmadong kaso ng 2019 nCoV sa kanilang paaralan ngunit may isang estudyante ang isinailalim sa Person Under Investigation (PUI) para sa nasabing sakit. Nabatid na ito umano ay isang senior high school student na ini-admit at isinailalim sa quarantine sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center Inc. (UERMMMCI). Sanhi ng nabanggit na balita…

Read More

SUERTE, MALONZO WAGI SA HULING LARO

TINAPOS ni Rey Suerte ang kanyang maikling collegiate career sa pamamagitan ng pag-akay sa University of the East sa 79-77 win laban sa National University ngayong Miyerkoles sa Mall of Asia Arena. Nagbangon naman si Jamie Malonzo ng seven triples tungo sa 89-63 win ng La Salle Green Archers laban sa Adamson Falcons. Ang Fil-Am forward ay umiskor ng career-best 34 points sa kanyang huling laro para sa Green Archers at may kasama pang 12 rebounds. Sa kanyang pamamaalam sa koponan, umiskor si Suerte ng 25 points para wakasan ng…

Read More

UE UMISKOR NG UNANG PANALO VS DLSU

(NI JOSEPH BONIFACIO) UMISKOR ng unang panalo ang UE matapos silatin ang DLSU, 89-88, sa pagpapatuloy ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Nagningning para sa Red Warriors si Rey Suerte na nagtarak ng back-to-back three-point baskets sa huling mga segundo upang bitbitin ang koponan sa 1-3 baraha. Matapos masayang ang 13 puntos na kalamangan nang maagaw ng La Salle ang manibela 85-83 sa huling 29 segundo, sumandal ang UE sa mainit na kamay ni Suerte nang kumonekta ito ng pambihirang…

Read More