BAGAMA’T mabigat umano sa kanyang puso dahil sa kanyang pinagdaanan sa loob ng dalawang araw, tinanggap ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap ang apology ng Department of Health (DOH)-Research Institute for Tropical Medicines (RITM) nang magkamali ang mga ito sa pag-encode sa resulta ng kanyang COVID-19 test. “Inaamin ko, the past 48 hours has been very hard for me and to everyone around me. Hindi naging madali ito pero buong puso kong tinatanggap ang apology ng DOH-RITM,” ani Yap. Ginawa ni Yap ang nasabing pahayag matapos linawin ng DOH-RITM na…
Read MoreMonth: March 2020
UTANG DAPAT WALANG INTEREST RATE – SOLON
UMAPELA si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa mga pribado at government banks gayundin sa mga credit at lending facilities na huwag magtataas ng interest rates sa mga consumer at commercial loans ngayong nahaharap ang bansa sa matinding krisis dahil sa COVID-19. Sa halip, ayon sa senador ay gumawa ang mga ito ng flexible at convenient restructuring ng loans para mapagaan ang pasanin ng mga borrower sa mga susunod na araw. Binigyang diin ni Go na ngayong panahon ng national crisis, kailangang magsakripisyo ang lahat para sa kapakanan ng nakararami. Dagdag…
Read MoreTiyaking maayos ang panuntunan sa libing ng mga namatay sa COVID-19 DOH, LGU DAPAT MAGTULUNGAN – REP. NOGRALES
SA pagtaas ng bilang ng nasawi sa COVID-19 na umabot na sa 45 at inaasahang tataas pa, muling pinaalalahanan ni Rizal 2nd District Rep Fidel Nograles ang Department of Health at local government units na magtulungan upang masiguro na hindi napapabayaan ang mga nasawi sa nasabing sakit. “Dapat magtulungan sila para masigurong klaro at naiintindihan ang mga ito,” Ayon sa bagitong mambabatas. Noong Lunes, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang kanilang tanggapan ay magpapalabas ng mga panuntunan para sa mga punerarya at crematoriums ngayong linggo kaugnay sa…
Read MoreLIQUOR BAN IPINATUTUPAD SA QC
UMIIRAL na ang liquor ban sa Quezon City hanggang sa matapos ang enhanced community quarantine sa Abril 12 dahil sa coronavirus disease 2019 or COVID-19 pandemic. Sa ilalim ng Executive Order 24 Series of 2020 ng Quezon City government, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta at pagbili ng alak gayundin ang pag-inom sa mga pampublikong lugar. “Ang sinomang lalabag ay huhulihin at parurusahan nang naaayon sa batas,” batay sa ipinalabas na pahayag ng lokal na pamahalaan. Mayruong 97 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City kung saan ay siyam na ang…
Read MoreVALENZUELA MAY 3 KASO NA NG COVID-19
UMABOT na sa tatlo ang naitalang positibo sa COVID-19 sa Valenzuela City matapos makumpirmang nahawa ng nasabing sakit ang isang 34-anyos na lalaking immunocompromised. Walang travel history sa ibang bansa si Patient No. 3 na nauna nang na-confine sa ospital dahil sa pneumonia. Ilang araw matapos i-discharge ay muling nakaranas ng mga sintomas ang pasyente at nang magpakonsulta sa doctor ay binigyan ng antibiotics. Sa kasalukuyan ay naka-confine sa pagamutan si Patient No. 3 at ang prognosis ay severe pneumonia. May nakakabit na oxygen sa pasyente para matulungan siyang huminga.…
Read MoreRP-US BALIKATAN 2020 KANSELADO
TULUYAN nang kinansela ang nakatakdang RP-US Balikatan exercises sa May 4 hanggang 15 dahil sa worldwide coronavirus disease (COVID-19) outbreak. Inabiso ng United States Indo-Pacific Command na naka-base sa Hawaii, ang kanselasyon ng Balikatan joint military exercise bunsod ng mga ipinatupad na international travel restrictions ng US Department of Defense gayundin ng Pilipinas. “In light of the extra-ordinary circumstances surrounding COVID-19 pandemic and in the best interest of the health and safety of both countries’ forces, it is prudent to cancel Balikatan 2020,” ayon sa pahayg ni Adm. Phil Davidson,…
Read MoreREP. YAP, NA-WOW MALI SA COVID TEST
MISTULANG na-wow mali ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa resulta sa COVID-19 test kay ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap matapos maglabas ng statement ang nasabing ahensya na negatibo ang mambabatas sa nasabing virus. “We wish to publicly apologize to Cong. Eric Go Yap of ACT-CIS Partylist for forwarding a report of his COVID-19 results that displayed a clerical oversight. Rep. Yap remains negative of COVID-19,” ayon sa RITM. Magugunita na noong Miyerkoles, Marso 25, ay humingi ng paumanhin si Yap matapos kumpirmahin umano sa kanya ng RITM na…
Read MoreSARANGANI NAYANIG SA 6.1 LINDOL
SARANGANI – Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang lalawigang ito at naramdaman sa ilang lugar sa Mindanao noong Huwebes ng gabi.Nabatid mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-11:38 ng gabi nang mangyari ang pagyanig na natunton sa layong 46 kilometro ng bayan ng Maasim sa Sarangani. Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang Intensity V sa mga bayan ng Maasim, Glan, at Malapatan sa Sarangani; Tupi, South Cotabato; General Santos City; at Palimbang, Sultan Kudarat. Ramdam din ang Intensity IV sa Jose Abad Santos, Malita, at Sarangani sa…
Read MoreDriver sumablay sa maniobra PAHINANTE PISAK SA TRUCK
BUKIDNON – Napisak ang katawan ng isang pahinante makaraang masagasaan ng driver habang inaalalayan sa pagmaniobra ang huli, iniulat nitong Biyernes ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si John Carls Asparas, 32, binata, nakatira sa Purok 3, Bangcud, Malaybalay City, Bukidnon. Nadakip naman ang suspek at driver ng truck na kinilalang si Allan Galacio, 28, may asawa at residente sa Purok 8, Brgy. Kalasungay, ng nasabing lungsod. Batay sa report ng Malaybalay City Police Station, nangyari ang insidente sa Sayre Highway, New Ilocos, Dalwangan, Malaybalay City. Ayon sa…
Read More