KAILANGANG tiyakin ng gobyerno ang kanilang presensya sa kababaihan at mga bata na biktima ng karahasan sa panahon ng quarantine at siguraduhin na hindi sila pababayaan. Ito ang pahayag ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles sa gitna ng report na parami nang parami ang kababaihan at mga bata na biktima ng karahasan. Tinukoy ni Nograles ang report na mula sa 3,699 kaso ng Violence Against Women and Children (VAWC) na naitala noong June 4 ay lumobo ito sa 4,260 noong June 11. “We understand that our resources are already…
Read MoreDay: June 29, 2020
41 KASO NG COVID-19 SA ISANG ARAW, NAITALA SA REGION 4A
NAKAPAGTALA ang Department of Health Region 4-A ng 41 kaso ng COVID-19 kahapon, araw ng Linggo. Sa probinsya ng Cavite, mayroon na lang 314 active cases, Laguna, 286 active cases, Batangas, 80 active cases, Rizal 262 at Quezon, 22 active cases. Ayon sa DOH CHD4-A, pumalo na sa 2,399 ang kumpirmadong nagkaroon ng virus. Mayroon namang 27 pasyente ang bagong nakarekober sa buong rehiyon at may pangkalahatang bilang na 1,241 habang 194 naman ang mga namatay sa pandemya. Samantala, pormal nang binuksan ang kauna-unahang GENEXPERT Laboratory sa buong rehiyon na…
Read More3,314 BULAKENYO STUDENTS NABIGYAN NG SCHOLARSHIP
MALOLOS CITY – Aabot sa 3,314 estudyante mula sa lahat ng campus ng Bulacan Polytechnic College at iba pang pribadong kolehiyo at unibersidad ang tumanggap ng scholarship mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno nina Gobernador Daniel Fernando at Bise Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado sa pamamagitan ng 10- pax every venue daily distribution sa iba’t ibang tanggapan. Tatanggap ang mga estudyanteng nagtapos at kumukuha ng masteral ng halagang P5,000 per sem, P5,500 per sem para sa mga seminarista habang P3,500 naman ang tatanggapin ng mula sa private universities at colleges…
Read MoreMAY SAKIT NA OFWs IUWI NA -SOLON
NANAWAGAN si ACT-CIS Party-list Representative Niña Taduran sa pamahalaan na magpadala muli ng mga eroplano at barko ng Philippine Navy sa ibayong dagat, partikular sa mga bansa sa Gitnang Silangan para maiuwi ang daan-daang may sakit na OFWs. Ang naturang panawagan ay bunsod na rin ng dinaranas sa ngayon ng mga Pinoy na nasa ibang bansa na kinakailangan ng matinding kalinga dahil sa depresyon na siyang dahilan ng pagkakasakit hanggang sa ikamatay ng mga ito. Ayon sa House Asst. Majority Leader, maaaring dalhin sa mga pagamutan sa bansa ang mga…
Read MoreMGA GURO, ISALANG SA COVID TEST
NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa gobyerno na bigyang pansin din ang kaligtasan ng mga guro at isalang sila sa COVID-19 test. Sinabi ni Marcos na maituturing din na frontliners ang mga guro lalo ngayong ilan sa mga ito ay nagsisimula na ring mag-report sa kanilang mga paaralan. Ipinaliwanag ng senador na bagama’t ipinatutupad ang online enrolment sa mga paaralan, may mga guro pa rin ang nagpupunta sa mga paaralan upang mangasiwa ng registration. Bukod dito, pagdating anya ng pasukan, kahit ikinukonsidera ang distance learning ay magre-report pa rin ang…
Read More