Bago maubos ang health workers MEDICAL RESERVE CORPS ITATAG

ITINUTULAK ni Senador Imee Marcos ang pagbuo ng medical reserve corps para sa mga health care worker bago pa tuluyang sumuko ang mga ito bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, Cebu at Southern Mindanao. Ayon kay Marcos, kumplikado ang laban ng bansa kontra sa pandemya dahil maaaring lumala ang bagsik ng virus at sumabay pa ang posibilidad ng epidemya ng dengue at leptospirosis sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan. “Huwag na tayong maghintay pa na magkaroon ng panibagong epidemya at pandemya na…

Read More

Aksyon ng pamahalaan dapat maramdaman VAWC SAGIPIN -REP. NOGRALES

KAILANGANG tiyakin ng gobyerno ang kanilang presensya sa kababaihan at mga bata na biktima ng karahasan sa panahon ng quarantine at siguraduhin na hindi sila pababayaan. Ito ang pahayag ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles sa gitna ng report na parami nang parami ang kababaihan at mga bata na biktima ng karahasan. Tinukoy ni Nograles ang report na mula sa 3,699 kaso ng Violence Against Women and Children (VAWC) na naitala noong June 4 ay lumobo ito sa 4,260 noong June 11. “We understand that our resources are already…

Read More

41 KASO NG COVID-19 SA ISANG ARAW, NAITALA SA REGION 4A

NAKAPAGTALA ang Department of Health Region 4-A ng 41 kaso ng COVID-19 kahapon, araw ng Linggo. Sa probinsya ng Cavite, mayroon na lang 314 active cases, Laguna, 286 active cases, Batangas, 80 active cases, Rizal 262 at Quezon, 22 active cases. Ayon sa DOH CHD4-A, pumalo na sa 2,399 ang kumpirmadong nagkaroon ng virus. Mayroon namang 27 pasyente ang bagong nakarekober sa buong rehiyon at may pangkalahatang bilang na 1,241 habang 194 naman ang mga namatay sa pandemya. Samantala, pormal nang binuksan ang kauna-unahang GENEXPERT Laboratory sa buong rehiyon na…

Read More

3,314 BULAKENYO STUDENTS NABIGYAN NG SCHOLARSHIP

MALOLOS CITY – Aabot sa 3,314 estudyante mula sa lahat ng campus ng Bulacan Polytechnic College at iba pang pribadong kolehiyo at unibersidad ang tumanggap ng scholarship mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno nina Gobernador Daniel Fernando at Bise Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado sa pamamagitan ng 10- pax every venue daily distribution sa iba’t ibang tanggapan. Tatanggap ang mga estudyanteng nagtapos at kumukuha ng masteral ng halagang P5,000 per sem, P5,500 per sem para sa mga seminarista habang P3,500 naman ang tatanggapin ng mula sa private universities at colleges…

Read More

MAY SAKIT NA OFWs IUWI NA -SOLON

NANAWAGAN si ACT-CIS Party-list Representative Niña Taduran sa pamahalaan na magpadala muli ng mga eroplano at barko ng Philippine Navy sa ibayong dagat, partikular sa mga bansa sa Gitnang Silangan para maiuwi ang daan-daang may sakit na OFWs. Ang naturang panawagan ay bunsod na rin ng dinaranas sa ngayon ng mga Pinoy na nasa ibang bansa na kinakailangan ng matinding kalinga dahil sa depresyon na siyang dahilan ng pagkakasakit hanggang sa ikamatay ng mga ito. Ayon sa House Asst. Majority Leader, maaaring dalhin sa mga pagamutan sa bansa ang mga…

Read More

MGA GURO, ISALANG SA COVID TEST

NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa gobyerno na bigyang pansin din ang kaligtasan ng mga guro at isalang sila sa COVID-19 test. Sinabi ni Marcos na maituturing din na frontliners ang mga guro lalo ngayong ilan sa mga ito ay nagsisimula na ring mag-report sa kanilang mga paaralan. Ipinaliwanag ng senador na bagama’t ipinatutupad ang online enrolment sa mga paaralan, may mga guro pa rin ang nagpupunta sa mga paaralan upang mangasiwa ng registration. Bukod dito, pagdating anya ng pasukan, kahit ikinukonsidera ang distance learning ay magre-report pa rin ang…

Read More

ILLEGAL CONNECTIONS SA ILOILO PINABAYAAN – REP BARONDA

AMINADO si Iloilo Rep Julienne Baronda na dumami ang illegal connections at naging talamak ang pagnanakaw ng kuryente sa Iloilo City dahil na rin sa kabiguan na habulin at panagutin ang mga nasa likod ng “organized business” na ito kaya naman kaisa ito ng lokal na pamahalaan na wakasan na ang nagaganap na electricity pilferage. Ang pahayag ni Baronda ay bilang reaksyon sa inilunsad na crackdown ni Iloilo City Mayor Jerrry Treñas laban sa organized group na nasa likod ng talamak na pagnanakaw ng kuryente matapos na rin makumpirma ng…

Read More

SOLON: MAY MALI SA COVID-19 PROGRAMS

DAPAT rebisahin ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases ang kanilang mga ipinatutupad na programa kaugnay sa paglaban ng bansa sa COVID-19. Ito ang sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa paggiit na may mali sa ilang protocols kaya’t patuloy ang pagdami ng kaso sa bansa. “IATF must address the health protocols and programs being done by the DOH. Something is very wrong!” saad ni Sotto. Kasunod ito ng ulat ng World Health Organization na ang Pilipinas ang may pinakamabilis na pagtaas ng kaso ng COVID sa…

Read More

METRO MANILA, DAPAT MANATILI SA GCQ

BAGAMA’T kailangan pang balansehin ang ekonomiya at kaligtasan, naniniwala si Senate Majority Leader Migz Zubiri na mas makabubuting manatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila sa gitna pa rin ng patuloy na pagtaas na kaso ng COVID 19. Sinabi ni Zubiri na mahirap na desisyon ang gagawin ni Pangulong Rodrigo Duterte kung dapat nang ilift ang quarantine dahil kailangan maging balanse ang pangangailangan ng bansa para sa mga negosyo at pagtiyak na magiging ligtas ang mamamayan. Nakakatakot anya na matapos buksan ang ilang negosyo tulad ng mall at…

Read More