MISTULANG ginagamit na lamang ng Department of Transportation (DOTr) ang COVID-19 pandemic upang tuluyang ipatupad ang phaseout sa mga public utility jeep (PUJ) sa Metro Manila. Ito ang duda ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, dahil hindi pa rin pinapayagan na bumiyahe ang mga pampasaherong jeep sa ilalim ng general community quarantine (GCQ). “It appears that the DOTr is using the CoVid pandemic to push through with its anti-people and anti-poor plan to get rid of jeepney,” ani Colmenares kaya nagpoprotesta ang mga ito. Magugunitang matagal nang plano ng…
Read MoreMonth: June 2020
“We don’t fuck with the people’s money” DUTERTE INUPAKAN SI DRILON
INUPAKAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Franklin Drilon dahil hindi nagustuhan ng lider ng bansa ang tabas ng dila ng mambabatas tungkol sa akusasyong korapsyon umano sa Department of Health (DOH) hinggil sa coronavirus disease-19 (COVID-19) testing kits at personal protective equipment (PPE). “Itong si Sen. Drilon [ay nagsabi na] I want [to know] where the money went,” bigwas ni Duterte sa chairman ng Liberal Party (LP). Patas na imbestigasyon ANG tinutukoy ng pangulo ay ang panawagan ng senador kamakailan na magsagawa ng imbestigasyong “patas” at “walang kinikilingan” tungkol…
Read MorePDLs inilapit sa pamilya, abogado sa E-Dalaw project CONG. NOGRALES PINASALAMATAN NG BJMP
PINASALAMATAN at pinuri ng hepe ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles sa malaking tulong na nagawa ng kanyang proyekto na electronic dalaw o E-Dalaw kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga PDL o persons deprived of liberty na makipag-ugnayan sa kanilang mga abogado at pamilya sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ). “We wish to thank Rep. Nograles for his donation. This will go a long way in ensuring that our inmates can still avail of their rights despite the enforced quarantine,”…
Read MorePDU30 PINAKIKILOS SA PAGTATAYO NG CELL SITES PARA SA E-LEARNING
NANAWAGAN si Senador Grace Poe kay Pangulong Rodrigo Duterte na atasan ang lahat ng kinauukulang opisyal ng pambansa at lokal na pamahalaan na tugunan ang hadlang sa pagtatayo ng cellsites sa buong bansa para sa mga mag-aaral na sasailalim sa e-Learning sa harap ng pandemya. Sa pahayag, umapela si Poe sa Pangulo na pakilusin ang kinauukulang ahensiya upang mawala ang balakid sa pagtatayo ng cell sites at magkaroon ng maasahan, tuloy-tuloy at mabilis na internet service sa malalayong lugar. “Nananawagan tayo sa ating Pangulo na pakilusin ang mga kinauukulang ahensiya…
Read MoreSabwatang CPP/NPA/NDFP at isang malaking negosyante ‘KILL ORDER’ KAY CALIDA, NABUNYAG
PINANINIWALAANG nagkaroon ng ‘sabwatan’ at ‘pagkakasundo’ ang Communist Party of the Philippines/New People’s Army/National Democratic Front of the Philippines (CPP/NPA/NDFP) at ang isang dambuhalang negosyante laban kay Solicitor General Jose Calida. Ayon sa impormasyong galing sa ilang senior intelligence officer na nakabase sa Camp Emilio Aguinaldo sa Quezon City, nagbigay ng P50 milyon ang isang dambuhalang negosyanteng nakabase sa Metro Manila sa CPP/NPA/NDFP upang patayin umano si Solicitor General Jose Calida. Bilang SolGen, si Calida ang pangunahing abogado ng administrasyong Duterte. Tinanggap umano ng CPP/NPA/NDFP ang alok ng negosyante, posibleng,…
Read MoreWALA NANG CASH AID SA HUNYO – PALASYO
SINABI ni Presidential spokesperson Harry Roque na wala nang cash assistance para sa low-income families sa Hunyo. Ang katuwiran ni Sec. Roque ay dahil sa marami nang industriya ang magbubukas sa ilalim ng relaxed general quarantine. “Itong buwan ng Hunyo dahil lahat po tayo ay nasa GCQ [general community quarantine] na ay wala pong ayuda,” ayon kay Sec. Roque. Subalit, binigyang diin ni Sec. Roque na ang second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan ay ibibigay pa rin para sa mga kuwalipikadong beneficiaries, kahit nasa relaxed lockdown rules.…
Read MoreMALAKANYANG UMAPELA SA PUBLIKO NA PAIRALIN PA RIN ANG Q PROTOCOLS
NGAYONG araw ay lilipat na sa General Community Quarantine/ Modified General Community Quarantine ang bansa. Ang pamahalaan kasama ang ‘whole-of-government approach’ ay inilagay na sa tamang lugar ang interventions at measures alinsunod sa minimum public health standards upang masiguro na ligtas ang mga Filipino. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na nagpalabas na sila ng guidelines na ipatutupad sa workplaces, employers at workers. Ani Sec. Roque, hindi kayang labanan ng pamahalaan ang COVID-19 nang nag-iisa. Kailangan aniya ang pinagsama-samang pagsisikap ng lahat para labanan ang pandemya. “The sacrifices of our…
Read MoreFRANCHISE NG ABS-CBN ‘DI PUWEDENG I-RENEW
PASO na ang prangkisa ng ABS-CBN kaya walang dapat i-renew. Ito ang lumalabas sa joint hearing ng House committee on legislative franchise at committee on good government and public accountability noong nakaraang linggo sa prangkisa ng nasabing network. Sa nasabing pagdinig, tinanong ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang ABS-CBN kung ang ‘nature’ ng kanilang application ay renewal o ‘new application” upang hindi maubos ang oras ng mga kongresista sa pagdedebate sa bagay na ito. Sinabi ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, isa ito sa mga dahilan kung bakit…
Read MoreVIOLATIONS NG ABS-CBN IDEDETALYE NA
IDEDETALYE na sa joint hearing ng House committee on legislative franchise at committee on good government and public accountability ang mga ‘atraso’ ng ABS-CBN sa kanilang prangkisa. Ipagpapatuloy ngayong umaga ng mga nabanggit na komite ang pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN subalit tututok ito sa umano’y paglabag ng nasabing network na tinukoy ni House deputy speaker Rodante Marcoleta noong nakaraang linggo. “Dahilan sa mga conflicting issues na narinig ko mula sa ABS-CBN at kay Deputy Speaker Marcoleta, kinakailangan magkaroon tayo ng exhausted hearing at nang sa ganun talagang makita natin…
Read More