RAKET NI MAMA GHALA, MALAKING HAMON SA POLO AT EMBAHADA SA RIYADH

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP LUMANTAD ang ilan pang mga nabiktima ni Mama Ghala sa aming programa ni Col. Gerry Zamudio na UP UP PILIPINAS sa DWDD 1134 KHz AM (Usapang Pangkapayapaan-Usapang Pangkaularan). Sa aming talakayan ay aming na-interview ang dalawa sa maraming mga biktima ni Madam Ghala at Jasmin na kung saan ay kanilang isinalaysay kung paano sila kinumbinsi ng kakutsaba ni Mama Ghala upang himukin na sumama sa kanya upang ipasok sa ibang employer. Kabilang sa aming bisita na ngayon ay nasa Pilipinas na ay si…

Read More

KADAMAY SPOKESPERON PERSONA NON GRATA SA PANDI

BULACAN – Idineklarang ‘persona non grata’ ng Sangguniang Bayan ng Pandi sa lalawigang ito ang national spokesperson ng Kalipunan ng Damayan ng Mahihirap (KADAMAY) matapos umanong pagmumurahin ang mga lokal na opisyal at ang hepe ng pulisya habang nagsasagawa ng rally sa isang relocation site kamakailan. Ang deklarasyon ay ipinalabas sa ilalim ng Resolution No. 196-2020 na pinagtibay ng local government legislative branch sa ginanap na 44th regular session sa Roberto M. Rivera Hall sa munisipyo ng Pandi noong Disyembre 14, sa pangunguna ni Vice Mayor Luisa Sebastian. Ang ‘persona…

Read More

BALEWALA ANG MGA BAYANI SA BAYANIHAN ACT

BADILLA NGAYON Ni NELSON BADILLA     BAYANIHAN ang tawag natin sa pagtutulungan at pagkakaisa sa bawat isa. Napakatandang ­katangian ito ng pagiging mabuting tao ng mga Filipino. Isa ang bayanihan sa ipinagmamalaking ugali ng mga Filipino na bahagi ng ating kultura. Kaya, maganda ang paggamit ng salitang “bayanihan” sa mga batas na “Bayanihan to Heal as One” at “Bayanihan to Recover as One”. SA unang bayanihan, P275 bilyon ang inilabas na pera ng administrasyong Duterte kung saan kasama ang mga ayudang pinansiyal sa mga manggagawa sa loob at labas…

Read More

5 TOPMOST WANTED SA CAVITE, DINAKMA

CAVITE – Nadakip ng Cavite police ang limang tinaguriang topmost wanted sa lalawigang ito sa isinagawang anti-crime operation laban sa wanted persons sa magkakahiwalay na lugar. Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), kinilala ang nasa listahan ng top 1 city level na si Edgar Gonzaga, 50; naaresto noong Miyerkoles dahil sa kasong rape in relation to RA 7610 (child abuse), 13 counts. Kasama rin sa rank no. 1 sa Manhanut Charlie municipal level si Mark Cloyd Oligrio, 31; naaresto noong Miyerkoles ng gabi sa Brgy. Lalaan 2, 2nd…

Read More

MUNICIPAL EMPLOYEE TODAS SA TRUCK

QUEZON – Patay ang isang empleyado ng munisipyo ng bayan ng Mauban sa lalawigang ito makaraang masalpok ng truck ang sinasakyan niyang motorsiklo sa national road noong Miyerkoles ng hapon. Dead on the spot ang biktimang si Abelardo Talastas Pasague, 57, taga Barangay Lual, dahil sa grabeng pinsala sa kanyang katawan. Batay sa report ng Mauban Police, nangyari ang insidente sa rotonda ng highway papasok sa town proper, sakop ng Barangay Polo. Bigla umanong nag-U-turn ang truck at sinalubong ang motorsiklo sa linya nito. Dahil parehong mabilis ang takbo, pumailalim…

Read More

2 KFRG MEMBERS UTAS SA PNP-AKG

DEAD on the spot ang dalawang hinihinalang miyembro ng kidnap-for-ransom group nang makasagupa ang mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) na pinamumunuan ni P/BGen. Jonnel C. Estomo nitong Huwebes ng umaga sa Antipolo City. Sa ulat na isinumite kay Gen. Estomo ni PNP-AKG Luzon Field Unit head, Lt. Col. Villaflor Bannawagan, nangyari ang engkwentro bandang alas-5:40 ng umaga sa kahabaan ng Marcos Highway sa Sitio Painuman, Barangay Inarawan ng nasabing lungsod. Ayon kay Bannawagan, nasabat ang dalawang suspek sa inilatag na checkpoint sa Barangay Inarawan habang…

Read More

Kahit certified as urgent PANUKALA SA PAGTATAYO NG AHENSYA PARA SA OVERSEAS FILIPINOS, MALABO NGAYONG TAON

KAHIT nagpalabas ang Malakanyang ng certificate for urgency sa panukalang pagbuo ng Department of Overseas Filipinos (DOFIL), sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na sa susunod na taon nila maipagpapatuloy ang pagtalakay dito. “Pag-uusapan namin. January naman na ‘yan. Impossible today,” saad ni Sotto. Kahapon (December 16) ang huling araw ng sesyon ng Kongreso bago ang kanilang Christmas break. Matatandaang noong December 7, naudlot ang pagdinig sa panukala nang hilingin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ipagpaliban ito habang hindi pa naipapasa ang panukala para sa rightsizing…

Read More

P60.7-B BUDGET NG DEPED NGAYONG TAON, ‘DI PA NAGAGASTOS

KINUMPIRMA ni Senate Finance Committee chairman Sonny Angara na ang Department of Education ang may pinakamalaking budget para ngayong taon na hindi pa rin nagagastos. Sinabi ni Angara na sa P110 bilyon ng programmed appropriation para sa 2020 na hindi pa nailalabas, P60.7 bilyon ang para sa DepEd. “In education, around P60.7 billion of funds under the budget of the Department of Education are at risk of lapsing by December 31, 2020 unless this year’s GAA is extended,” pahayag ni Angara. Kabilang sa pinaglalaanan ng pondo ang Government Assistance Subsidies,…

Read More

P26-M IBINAHAGI NG PITMASTER SA MGA BIKTIMA NG BAGYO

BAGAMA’T unti-unti nang nakababangon ang mga lugar na tinamaan ng magkakasunod na bagyong Rolly at Ulysses sa Luzon, tuluy-tuloy lang ang pagpapaabot ng tulong ng isang foundation. Ayon kay Atty. Caroline Cruz, ng Pitmaster Foundation Inc., aabot sa higit P21 milyon ang naiparating na sa mga LGU ng Cagayan, Isabela at NCR noong Nobyembre at ngayong Disyembre. “Layunin lang po namin na makatulong sa mga LGU hanggang sa muling makatayo sa sarili nilang mga paa ang kanilang mga constituents na pinadapa ng magkakasunod na kalamidad,” ani Atty. Cruz. Daan-daang sako…

Read More