VELASCO INUPAKAN NI DEFENSOR “SPEAKER Lord Velasco is the worse.”

Ganito inilarawan ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor si House Speaker Lord Allan Velasco dahil wala umano itong kakorte-kortesiya bilang lider ng Kapulungan. Hindi naitago ni Defensor ang kanyang pagkadismaya kay Velasco dahil sa huling araw ng session ng Kamara bago ang kanilang Christmas break kagabi ay tinanggal ito bilang chairman ng House committee on public accounts. “He didn’t even have the courtesy to talk with me even as we had a short meeting last week as regards the investigation to be conducted by the Committee on Public Accounts. He…

Read More

Double standard ni Drilon laban sa Comelec exec kinuwestyon SALN NI LEONEN HINGIN DIN

IPINAMALAS ni Senador Franklin Drilon ang higpit niya sa Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ng bagong opisyal ng Commission on Elections (Comelec). Gusto ni Drilon na ilabas ni Aimee Ferolino Ampoloquio ang kanyang SALN at maging dokumento ng kayamanan ng kanyang asawang negosyante bago siya bumoto sa pagtalaga rito ni Pangulong Rodrigo Duterte. Si Ampoloquio ay 15-taon nagtrabaho sa Comelec sa Davao del Norte bago itinalaga ni Duterte sa Comelec. Binatikos ni Senador Francisco Tolentino ang ipinipilit ni Drilon dahil hindi naman kailangan pati dokumento ng kayamanan…

Read More

Bilang ng pabor sa impeachment lumolobo LEONEN LAMPASO SA KASO

NELSON S. BADILLA MAHIGIT 200 pangkaraniwang mamamayan ang boluntaryong nagbigay ng kanilang suporta sa reklamong impeachment laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen. Hanggang nitong Disyembre 16, 228 na pangkaraniwang mamamayan ang iminarka ang malinaw nilang boses, sa pamamagitan ng paglagda sa petisyong “Impeach Justice Marvic for failure to file 15 years of SALN and having most backlog cases” na naka-post sa change.org. Nitong nakalipas na apat na araw ay wala pang 200 ang nakalagda sa petisyon. Hangad ng petisyon na makakuha ng 500 lagda mula sa iba’t ibang…

Read More

ONLINE SABONG BUBUWISAN NA

PAPATAWAN na ng buwis ang online sabong at iba pang uri ng sugal na idinadaan sa electronic ang pagtaya upang makalikom ng karagdagang pondo ang pamahalaan. Sa botong 215 pabor, isa ang kumontra at walang nag-abstain, tuluyang pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 8065 na inakda nina Albay Rep. Joey Salceda at AAMBIS-OWWA Party-list Rep. Sharon Garin. Base sa nasabing panukala, 5 porsyento ang offsite betting activities ng mga sabong at derbies at iba pang uri ng sugal ang pinayagan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation…

Read More

BARRIERS UP IMINUNGKAHI SA RPID ISSUES

IMINUNGKAHI ni Mayor Rex Gatchalian ang konseptong “Barriers Up””sa mga toll plaza at pagsasagawa ng RFID sticker installation at loading/reloading sa expressway kapag tapos na ang toll plaza at system upgrades sa “solutions meeting and dialogue” sa pagitan ng Valenzuela City at North Luzon Expressway (NLEX) Corporation kamakalawa. Inilahad din ng pamahalaang lungsod ang “best practices”nito kasama ang paggamit sa kaalaman ng pribadong sektor, pagpapalakas ng pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng pamumuhunan sa teknolohiya at no contact apprehension (NCAP) program bilang patunay na ang mga planong umepekto sa lungsod…

Read More

GINANG PATAY SA SUNOG SA PACO

PATAY ang isang 54-anyos na ginang nang makulong sa nasusunog na bahay sa Gomez St., Paco, Manila nitong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Loida Reyes Decayman, residente ng Gomez St., Paco, sakop ng Barangay 823. Base sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, bandang alas-4:25 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa unang palapag ng bahay ng biktima sa #1467 Int. 29, Gomez St., Paco dahil sa pumutok na rice cooker. Umabot ang sunog sa ikaapat na alarma bago tuluyang naideklarang under…

Read More

Mga inaanak idinahilan sa pagtutulak MANGINGISDA TIKLO SA BUY-BUST

SWAK sa hoyo ang isang mangingisdang nagtulak umano ng droga para may maibigay na regalo sa mga inaanak pagsapit ng Pasko, nang masakote sa buy-bust operation sa Navotas City. Arestado si Romeo dela Cruz, 40, ng R. Domingo St., Brgy. Tangos North, matapos bentahan ang isang undercover cop ng P300 halaga ng shabu. Pagkaabot ng suspek ng droga sa poseur buyer kapalit ng marked money ay dinaluhong siya ng mga parak at nakumpiskahan ng 1.7 gramo ng shabu na P11,560 ang halaga, marked money at P200 salapi. Binitbit sa presinto…

Read More

Active covid cases sa Malabon lumobo sa 103 PASKO SA KWARANTINA NAMUMURO

POSIBLENG maraming mag-Pasko sa kwarantina sa lungsod ng Malabon, matapos na 25 ang bagong nagpositibo sa COVID-19 isang araw bago magsimula ang Simbang Gabi, Disyembre 15, at muling lumobo sa 103 ang active cases. Ang mga bagong kaso ay mula sa Barangay Acacia (1), Baritan (2), Catmon (6), Concepcion (4), Hulong Duhat (6), Longos (1), Niugan (1), Potrero (2), Tañong (1) at Tinajeros (1). Sa kabuuan ay nasa 6,017 na ang tinamaan ng COVID sa lungsod. Habang walo lamang ang naitalang nakarekober sa siyudad. Sila ay mula sa Barangay Baritan…

Read More

BUROL SA BAHAY BAWAL PA RIN SA QC

MULING inulit ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon na dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ay nananatiling ipinagbabawal ang burol sa bahay at maaari lamang itong gawin sa funeral parlors. Ang paalala ay inilabas ni Barangay Community Relations Department (BCRD) head Ricky Corpuz matapos siyang makatanggap ng impormasyon na may mga barangay na pinapayagan ang burol ng patay sa mga bahay. “We remind the family of the deceased that wakes are strictly allowed only in funeral parlors and not at home. It hasn’t changed since the enhanced community…

Read More