ILANG linggo na lamang at matatapos na ang 2020. Hindi natin alam ang mga dalang pagsubok ng taong 2021 ngunit tiyak na kasama pa rin ang pandemyang COVID-19 sa mga ito. Nananatiling higit sa isang libo ang dumadagdag sa bilang ng mga nag-positibo sa coronavirus kada araw. Sa kasalukuyan, nasa halos 450,000 na ang kabuuang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Isang positibong balita naman ang hatid ng pamahalaan. Bago mag-Abril ay maaari nang magsimulang dumating ang ating pinakahihintay na bakuna. Sadyang nagiging agresibo ang pamahalaan sa mga…
Read MoreMonth: December 2020
RAKET NI MAMA GHALA DAGDAG KALBARYO SA MGA OFW, LABATT NASSER INAASAHANG UMAKSYON (HULING BAHAGI)
MATAPOS na aking mailathala ang mga sumbong ng ilang OFW laban kay Mama Ghala ng Riyadh, Saudi Arabia, patuloy na dumating pa ang ibang mga reklamo na ipinarating sa pamamagitan ng Voice Mail. Itatago ko sa pangalang “OFW Angela” ang nagpadala ng mensahe at ang kanyang sinabi ay, “Ako po si OFW Angela, personal na po akong lumapit sa inyo upang isumbong ang paulit-ulit na pagbenta sa akin sa ibang employer ni Madam Ghala.” “Ako po ay may karamadaman na iniinda sa aking kidney. Kahit ilang beses ko na po…
Read MoreDIGITAL GOVERNANCE AWARD NASUNGKIT NG TAYTAY LGU
KINILALA ng Department of Interior and Local Government ang husay ng Taytay local government makaraang masungkit nito ang isa sa pinakamataas na antas sa larangan ng digital governance. Bukod sa DILG, tumanggap din ng papuri si Taytay Mayor Joric Gacula mula sa National ICT Confederation of the Philippines (NICP) at Department of Information and Communications Technology (DICT) makaraang mapasama ito sa talaan ng “Best in LGU Processes (G2I) Award.” Ang Digital Governance Awards (DGA) ay isang taunang tagisan ng husay ng mga lokal na pamahalaan sa larangan ng e-governance o…
Read MoreLIDER NG SINDIKATO SA MAYNILA, ARESTADO
ARESTADO ng mga awtoridad sa bisa ng arrest warrant, ang isang 25-anyos na umano’y lider ng Buanjug criminal group, sa San Andres Bukid, Manila. Kinilala ang suspek na si Jessie Boy Buanjug, alyas “Palos,” scrap buyer, at residente ng Sagrada Pamilya, San Andres Bukid. Base sa ulat ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station 6, alas-9:15 ng umaga nang arestuhin ang suspek ng mga tauhan ng Intelligence and Warrant Section, kasama ang Tactical Motorcycle Riders Unit, sa ilalim ng COPLAN “Buanjug”. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest…
Read MoreP54-M SHABU NASABAT SA MUNTINLUPA
TINATAYANG aabot sa P54 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa anti-narcotics operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National police at Philippine Drug Enforcement Agency sa Muntinlupa City. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, walong kilo ng umano’y shabu ang nakumpiska sa dalawang hinihinalang major players ng isang drug distribution network. Kinilala ng Philippine National Police ang dalawang hinihinalang bigtime drug dealer na sina Renzy Louise Javier Vizcarra at Red Lewy Javier Vizcarra. Nabatid na naglatag ng buy-bust operation sa Barangay Tunasan…
Read More23 DINAMPOT SA BINYAGAN SA SEMENTERYO
UMABOT sa 23 bisita sa ginanap na pagdiriwang ng binyagan ang dinampot ng mga operatiba ng Manila Police District sa loob ng Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Manila noong Sabado ng gabi. Mula noong Sabado ng gabi hanggang kinabukasan, pinipigil pa rin ng mga awtoridad sa coveted court na sakop ng MPD Station 3, ang mga dinakip dahil sa paglabag sa COVID-19 protocol. Base sa ulat ni P/Lt. Col. John Guiagui, station Commander ng MPD- Station 3, pasado alas-9:00 ng gabi nang masorpresa ang masayang pagdiriwang ng binyagan sa…
Read More100 KUMOT IPINAMAHAGI SA MGA NASUNUGAN SA QC
MAHIGIT 100 kumot ang ipinamahagi ni Senador Cynthia Villar sa mga biktima ng sunog sa Barangay Sauyo, Novaliches, Quezon City nitong Biyernes. Sa pahayag, sinabi ni Villar na ipinamahagi ang naturang kumot sa pamamagitan ng kanilang foundation, ang Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (SIPAG) na palaging tumutulong sa mga biktima ng kalamidad. “Sa pamamagitan ng kanyang Villar SIPAG, nagbibigay tayo ng lahat ng klase ng tulong sa mga biktima ng kalamidad,” ayon sa mambabatas. Bukod sa relief goods, nagbibigay rin ng programang pangkabuhayan ang Villar SIPAG upang…
Read MoreLIGTAS PASKUHAN, TRASLACION 2021 PINAPLANTSA NG NCRPO
TINUTUTUKAN ngayon ng pamunuan ng PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ilalatag na security measures para sa “Ligtas Paskuhan 2020” na may pagsunod sa health and safety protocols, habang pinaghahandaan din ang “Traslacion 2021”. Ayon kay NCRPO chief, BGen. Vicente Danao Jr., kakaibang paghahanda ang ginagawa ng pulisya bunsod ng umiiral na emergency health protocol dahil sa coronavirus pandemics ngayong holiday season. Pahayag ni Gen. Danao sa kanyang mga tauhan, “Let us live with the virus and do not allow COVID-19 to hinder our responsibilities of keeping Metro Manila…
Read More201 miyembro napatay, 264 arestado, 7,615 sumuko AFP: NPA MAUUBOS NA
TIWALA ang Armed Forces of the Philippine (AFP) na tuloy-tuloy na ang pagkawasak ng Communist Party of the Philippine at sa armadong galamay nitong New People’s Army makaraang 201 miyembro nito ang napaslang, 264 ang arestado at 7,615 ang nagpasyang magbalik-loob sa pamahalaan. “Massive withdrawal of mass base support from the North pushes NPA to extinction,” pahayag ni Northern Luzon Command chief, Lt. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos, kasunod ng kanyang ulat sa punong himpilan ng AFP na umaabot sa 313 NPA surrenders ang naitala mula sa Northern at Central Luzon…
Read More