Solicitation bawal sa Valenzuela PAMAMASKO NG MGA BASURERO NAPURNADA

PURNADA ngayong holiday season ang balak ng mga basurero at iba pang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na ituloy ang nakaugalian na pagbabahay-bahay para mamigay ng sobre para manghingi ng pamasko. Ito ay makaraang magpaalala ang Human Resource Management Office ng lungsod na ipinagbabawal sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ang pagso-solicit o pagtanggap ng regalo mula sa sinumang indibidwal o grupong kanilang pinaglilingkuran. Sakop ng kautusang ito ang mga nangongolekta ng basura, kaminero, at iba pang mga empleyado ng City Hall. Ayon sa HRMO, kung sakaling may…

Read More

Sa pagpasok ng Disyembre COVID-19 SUMIPA SA QUEZON CITY

KINUMPIRMA ni Dr. Rolly dela Cruz, hepe ng Epidemiology and Surveillance Disease Department, na tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Quezon City nitong pagpasok ng Disyembre 2020. Sa cellphone interview kay Dr. Dela Cruz, sinabi niyang pangunahing dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ang paglabas ng mga tao ngayong pagpasok ng Disyembre. Ayon kay Dr. Dela Cruz, hanggang Disyembre 10, nakapagtala ang Quezon City ng active cases sa bilang na 886, habang 741 ang namatay, at 24,543 ang nakarekober, na katumbas ng 94%. Nakapagtala naman ng 26,170…

Read More

CPP-NPA-NDFP, PERSONA NON GRATA SA 1,546 LGUs

TILA hindi lulubayan ng administrasyong Duterte ang mga komunistang organisasyon hangga’t hindi ito tuluyang nalilipol dahil maging ang 1,546 local government units (LGUs) ay kumilos na rin laban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP). Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, hanggang nitong Biyernes (Disyembre 11) ay umabot sa 1,546 LGUs ang naglabas ng desisyon na “bawala na” o “persona non grata” ang mga opisyal at kasapi ng CPP-NPA-NDFP sa kani-kanilang nasasakupan. Batay sa rekord ng Department of the Interior and Local Government…

Read More

3 PANG SOLONS NANUMPANG DEPUTY SPEAKERS

NANUMPA na rin kay House Speaker Lord Allan Velasco ang mga bagong hirang na deputy speaker ng Kamara na sina Rep. Bernadette Herrera-Dy (Bagong Henerasyon party-list), Divina Grace Yu (1st District, Zamboanga del Sur) at Kristine Singson-Meehan (2nd District, Ilocos Sur). Si Herrera-Dy ay naglingkod bilang deputy majority leader bago siya nahirang na deputy speaker ng mga miyembro ng Kamara. Sa ngayon ay nasa ikalawang termino na bilang kinatawan ng Bagong Henerasyon si Herrera-Dy na dati ring naglingkod bilang konsehal ng Unang Distrito ng Lungsod Quezon at miyembro ng ika-15…

Read More

1,300 BAGONG CELL SITES NG GLOBE MATATAPOS NGAYONG TAON

SA PAMAMAGITAN ng suporta ng Bayanihan to Recover as One Act at ng Joint Memorandum Circular 01 ng ARTA, DILG, at iba pang kinauukulang ahensiya, nakakuha ang Globe ng 1,857 permits para sa 2020. Ang mga permit na ito ay nagbigay-daan para makapagpatayo ang Globe ng 1,050 bagong sites at makumpleto ang 10,876 upgrades sa 4G/LTE. Umaasa ang Globe na matatapos ang pagtatayo ng 1,300 bagong cell sites ngayong taon. Ang mga bagong sites ay itinayo sa mga lugar na higit na nangangailangan ng connectivity, kabilang ang Lanao del Sur,…

Read More

KUMUKUNOT ANG NOO KO SA CHINA

HINDI ko maiwasang kumunot ang noo kapag nakakabasa ako ng report mula sa China na sa tuwing magkakaroon ng bagong kaso ng ­COVID-19 sa kanilang bansa ay sinasabi nilang “imported”. Niloloko ng China ang kanilang mamamayan sa ganitong mga report at gusto pa nilang isama ang mga tao sa buong mundo na akala mo eh kaya nilang impluwensyahan ang lahat ng tao sa daigdig. Alam nating lahat na kontrolado ng China ang kanilang media. Walang demokrasya sa kanilang bansa at lahat ng mga dissent ay mayroong kalalagyan kaya medyo pasalamat…

Read More

VELASCO DAPAT MANGUNA SA PAGLALABAS NG SALN

DAPAT pangunahan mismo ni House Speaker Lord Allan Velasco at ibang mambabatas ang pagsasapubliko ng kanilang Statement of Assets Liabilities and Net worth (SALN) at gawing madali ang paghingi ng kopya nito ng publiko. Ito ang reaksyon ni Institute for Political Reform (IPER) Executive Director Ramon Casiple sa harap na rin ng inihaing resolusyon nina Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor at Sagip Party-list Rep. Rodante Marcoleta na humihiling na magkaroon ng House Inquiry in aid of legislation ukol sa kasalukuyang batas kaugnay sa paghahain ng SALN ng government officials and…

Read More

MASUSUBOK ANG TIBAY NI LEONEN SA IMPEACHMENT LABAN SA KANYA

NGAYON masusubok kung gaano katibay ang dibdib at kung gaano karaming kakamping mga mambabatas itong si Supreme Court Associate Justice Mario Victor F. Leonen. Noong nakaraang Disyembre 7, 2020 nagtungo sina Atty. Larry Gadon at Edwin Cordovilla, Secretary General ng Filipino League of Advocates for Good Governance (FLAG) para isampa ang impeachment case laban kay Leonen sa House of Representatives. Inendorso naman ito agad ni Congressman Angelo Marcoa Barba ng probinsiya ng Ilocos Norte. Sa interview ng PUNA kay Atty. Gadon sinabi niyang dalawa ang kanilang pinagbasehan para masibak sa…

Read More

EDUKASYON SA BANSA NASA KRISIS -SOLON

NAGBABALA ang isang senador na nalalagay sa krisis ang edukasyon ng bansa matapos lumbas ang resulta ng 2019 Southeast Asia Primary Learning Metrics (SEA-PLM) at ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2018, dalawang global assessment. Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na nakakuha ng mababang marka ang mga Pilipinong mag-aaral sa elementarya. Isa pang pandaigdigang pagsusuri ang naglabas ng resulta na muling nagpapakita ng bagsak na marka ng mga estudyante natin sa basic education. Ayon sa Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS) 2019, pagdating sa Science at Math,…

Read More