ANG kakulangan sa mekanismo para mapanagot ang isang firecracker manufacturer sa mga nasusugatan at namamatay matapos gumamit ng biniling paputok ang dahilan ng matagal at malalim na pinag-isipan na pagpapatupad ng total ban sa paggamit nito sa pagsalubong sa Bagong Taon. Tinukoy ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may mga kabataan kasi ang dumaranas ng fireworks-related injuries kada taon na hindi napapanagot ang firecracker manufacturer. “Ang binabantayan nga every year is that we are glued on the TV and waiting for announcement of how many have suffered, ilan ang patay,”…
Read MoreMonth: December 2020
SWAB TEST BAGO KULONG SA NAVOTAS CITY JAIL
NILAGDAAN ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang isang Executive Order na nag-uutos na suriin muna ang mga Person Deprived of Liberty (PDL) para sa COVID-19 bago sila ikulong sa Navotas City Jail (NCJ). Sinabi ni NCJ Warden Chief Insp. Atty. Ricky Heart Pegalan na inisyu ni Tiangco ang order bunsod ng kahilingan ng bagong BJMP National Capital Region (NCR) Director Chief Supt. Luisito Munoz bilang bahagi ng mga pamamaraan sa pag-iwas at pamamahala sa COVID-19. Dagdag pa ni Atty. Pegalan, bukod sa mandatory swab testing sa mga PDL na…
Read MoreNOCHE BUENA PACKS BIGAY SA POOREST OF THE POOR SA NCR
UMAABOT SA 17,000 food packs para sa noche buena ang ipinamahagi ng Pitmaster Foundation Inc. sa labing pitong lungsod ng Metro Manila. Ayon kay Pitmaster Foundation Executive Director Caroline Cruz, ipinadaan sa mga mayor ang noche buena donations at sila na ang bahalang magbigay nito sa pinakamahirap nilang constituents. “This is our little way na iparamdam sa mga mahihirap na mga kababayan natin na kahit may pandemic, tuloy ang Pasko sa pamamagitan ng simpleng salo-salo ng pamilya,” paliwanag ni Atty. Cruz. Ani Cruz, bawat lungsod ay hinatiran ng 1,000 food…
Read More4 PATAY SA P272-M SHABU BUY-BUST SA TAGUIG CITY
APAT na big time drug personality ang napatay ng mga tauhan ng PNP-National Capital Regional Police Office at PNP Drug Enforcement Group habang aabot sa P272 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang anti-narcotics operation nitong Lunes sa Taguig City. Ayon kay PNP-NCRPO chief, P/BGen. Vicente Danao, aabot sa 40 kilo ng shabu na tinatayang P272 milyon ang street value, ang nasamsam ng PNP-DEG at NCRPO sa ikinasang buy-bust operation bandang alas-5:00 ng umaga sa Circumferential Road 6 sa Brgy. Sta. Ana ng nasabing siyudad. Sa impormasyong ibinahagi ni…
Read MorePALABOY GINAHASA, TINADTAD NG SAKSAK
LAGUNA – Tinadtad ng saksak ang isang babaeng palaboy na may kapansanan sa pag-iisip, makaraan umano itong gahasain sa Biñan City sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Kinilalala ng Biñan Police ang biktimang si Rosalie Amatorio, 40, naninirahan sa Barangay Malaban. Ayon sa report ng pulisya, nadiskubre ng isang street sweeper ang halos hubad na katawan ng biktima sa tabi ng basketball court sa nasabing barangay dakong alas-8:00 ng umaga. Wala itong pang ibabang saplot at halos nakahubad na rin ang pang itaas na damit at nakalantad ang maselang…
Read More4 PATAY SA LAW ENFORCEMENT OPS
SOUTH COTABATO – Bumulagtang walang buhay ang apat katao, kabilang ang tatlong mga suspek, habang sugatan naman ang isang miyembro ng Civilian Armed Force Geographical Unit Active Auxiliary (CAA) matapos na manlaban sa ikinasang law enforcement operation ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad sa Purok 1, Barangay Sumbakil, sa bayan ng Polomolok sa lalawigang ito, noong Linggo. Kinilala ang mga napatay na target ng warrant of arrest sa kasong murder na si Tho Catacutan at dalawa pang mga kasamahan nito na hindi pa nakikilala, at ang ‘guide’ na kinilalang…
Read MoreWHITEWASH SA PAGPATAY NG PULIS SA MAG-INA Hindi mangyayari – PNP Region 3
TINIYAK ni Central Luzon Police chief, P/BGen. Valeriano de Leon na maparurusahan at hindi magkakaroon ng whitewash sa imbestigasyon sa pamamaril ng isang pulis sa kapitbahay na mag-ina sa Paniqui, Tarlac noong Linggo. “Police Regional Office 3 strongly condemns this ruthless incident and I can guarantee that there will be no whitewash in the investigation and any infraction or wrongdoing committed by any member of the PNP will never be tolerated. We assure the public as well as the victims’ families, of our total commitment to ensure that justice will…
Read MoreLockdown sa Navotas, fake news MICROPHONE BAWAL HIRAMIN SA VALENZUELA
ILANG araw bago sumapit ang Pasko, nagpaalala ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela na iwasan ang pasahan at paghihiraman ng mikropono sa mga pagtitipon. Bukod dito, pinaiiwasan din ang paghihiraman ng iba pang personal na kagamitan bilang bahagi ng patuloy na pag-iingat sa COVID-19. Nag-abiso rin ang pamahalaang lungsod na responsibilidad ng mga magulang o guardian na pagbawalan ang mga Valenzuelanong 17-anyos pababa na lumabas sa kanilang tahanan maliban na lamang kung may emergency. Alinsunod sa Ordinance No. 745 Series of 2020 at bilang bahagi ng patuloy na pag-iingat sa COVID-19, maaari…
Read MoreDEADLINE SA TELCOS POSIBLENG PALAWIGIN
WALA pang mailalabas na grado ang National Telecommunications Commission (NTC) sa performance ng dalawang higanteng telcos na una nang binigyan ng ultimatum ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para pagandahin ang serbisyo ng mga ito hanggang ngayong Disyembre. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, hanggang ngayong katapusan ng taong ito dapat magbigay ng grado ang NTC bago pa sila magsagawa ng evaluation sa telecommunication companies. Ngayon lang naman daw kasi nakapag- isyu para sa may 5 libong tower permits na inire-release ng mga nasa lokal na pamahalaan. Kaya ang pakiusap ni…
Read More