2021 PFL SEASON ‘NA-COVID’

POSTPONED ang 2021 season ng Philippines Football League (PFL) ngayong buwan.

Sa halip ay nausad ito sa Setyembre 25, na maaaring magbago pa rin kung pagbabasehan ang COVID-19 situation sa bansa.

Orihinal na nakatakda ang new season ng PFL sa Agosto 21.

Agosto 6 nang isailalim ang National Capital Region sa enhanced community quarantine (ECQ) upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant.

Magtatapos ang ECQ sa Agosto 20, ngunit ngayon pa lang ay may mga ulat nang maaaring ma-extend pa ito dahil sa pagsipa ng covid cases sa Pilipinas.

Sa offical statement, sinabi ng PFL na prayoridad nito ang “health and safety of the players, coaching staff, match officials, sponsors, and other ­stakeholders involved in the organization of the matches.”

Dagdag nito: “PFF and PFL officials also urge ­everyone to continue practicing the minimum health and safety protocols in their communities to help the nation combat the spread of the virus.”

Noong Hulyo ay inanunsiyo ng PFL na inaprubahan na ng Inter-Agency Task na makapag-training ang clubs sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite.

Matatandaang naisagawa ang 2020 season ng liga sa bubble sa Carmona noong Oktubre 28 hanggang Nobyembre 9 kung kailan tinanghal na ­kampeon ang United City FC.

178

Related posts

Leave a Comment