2021 Super World Championships 2 TANSO SA PH BOWLING TEAM

Ni ANN ENCARNACION

NAGBULSA ng dalawang bronze medals ang ­Philippine men’s at women’s bowling team sa 2021 International Bowling Federation (IBF) Super World Championships sa Dubai, United Arab Emirates Martes ng madaling araw (Manila time).

Tinuldukan ng national team ang 15 taong medal drought ng bansa sa World Championships matapos ang gold medal finish ni Biboy Rivera sa Masters noong 2006.

Kabilang sa national women’s squad sina ­Rachelle Leon, Mades Arles, Norel Nuevo at Uella Marcial. Nagkasya sila sa tanso nang maungusan sa semifinals ng Malaysia.

Gaya ng mga Pinay, naka-bronze rin ang Finland nang matalo sa U.S. women’s team, na dinaig ang Malaysia sa kanilang gold medal matchup.

Ang national men’s team naman nina Ken Chua, Ian Dychangco, Merwin Tan at Patrick Nuquib ay yumuko sa Singapore sa semifinals para sa bronze finish, gaya ng Malaysia na natalo sa South Korea.

182

Related posts

Leave a Comment