PANGUNGUNAHAN ng beteranong player at coach na si Oscar Marcelino ang pambansang koponan na sasabak sa Qualifying Round ng 2021 World Baseball Classic sa Kino Sports Complex sa Tucson, Arizona simula Marso 12 hanggang 25.
Inaasahang ihahayag anumang araw mula ngayon ng Philippine Amateur Softball Association (PABA) ang mga pangalan ng mga makakasama ni Marcelino sa Philippine team.
Kabilang ang Pilipinas sa 12 koponan na mag-aagawan sa nakatayang apat na silya sa Qualifying Round ng WBC, na ikalimang installment sa baseball tourney na nagtatampok sa world’s greatest players.
Hinati sa dalawang pool na may tig-anim na kalahok ang WBC qualifier, kung saan kabilang ang Philippine Team sa Pool 2.
Unang maglalaro ang mga koponan na kasali sa Pool 1 na Brazil, France, Germany, Nicaragua, Pakistan at Republic of South Africa sa Marso 12 hanggang 17.
Sunod na sasabak ang mga koponan sa Pool 2 na Czech Republic, Great Britain, New Zealand, Panama, Philippines at Spain simula Marso 20 hanggang 25.
Ang mangungunang dalawang koponan sa kada pool ang uusad sa 2021 World Baseball Classic tournament.
May kabuuang 16 teams ang maglalaban-laban sa 2021 World Baseball Classic.
222
