2021 World Weightlifting Championship HIDILYN DIAZ ATRAS NA

NAGDESISYON si Filipino first Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na mag-withdraw na sa World Weightlifting Championship na nakatakda sa Disyembre sa Tashkent, Uzbekistan.

Sinabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) ­president Monico Puentevella, kakulangan sa preparasyon ang dahilan sa pag-atras ni Diaz.
Higit dalawang taong nag-training sa Malaysia ang Pinay weightlifter bago naiuwi ang pinakaaasam ng bansa na gintong medalya mula sa 2020+1 Olympics ilang buwan na ang nakalilipas.

At dahil humigit-kumulang apat na buwan lang ang pagitan ng Tokyo Games at WWC, malabong makapag-compete siya sa mga karibal sa nasabing torneo.

Kaya sa halip, ang 23-anyos at Tokyo Olympian din na si Elreen Ando ng Cebu City ang siyang magbibitbit ng bandila ng Pilipinas sa WWC, ayon kay Puentevella.

Si Ando, tumapos na ­seventh sa kanyang weight division sa Tokyo Olympics, ay silver medalist sa Asian ­Championships noong ­nakaraang taon sa ­Tashkent din.

Ayon pa rin sa SWP prexy,  ang strength and conditioning coach-turned fiancé ni Diaz na si Julius Naranjo na ang papalit sa nag-resign na si Chinese coach Gao Kaiwen.
Si Gao ang Team HD head coach simula noong 2018, nang maibulsa rin ni Diaz ang ginto sa Asian Games sa Indonesia.

185

Related posts

Leave a Comment