‘GG’ PINASASAMA NI POE SA PRICE FREEZE

HINILING ni Senador Grace Poe sa Department of Agriculture (DA) na isama ang galunggong sa mga produktong isasailalim sa price freeze saka tinanong ang ahensiya na kilalanin kung anong klaseng kalamidad o kagipitan sa bansa upang magkaroon ng price freeze. Sa pahayag, sinabi ni Poe na tumaas nang todo ang presyo ng galunggong sa palengke sa nakalipas na ilang araw kaya hindi na makayanan ng ordinaryong consumer. Inirekomenda ng DA sa Malacañang na magpataw ng price ceiling/freeze sa karne ng baboy at manok, tulad ng kasim at pigi sa halagang…

Read More

GO SA IATF: PAG-ARALAN ANG PAGLULUWAG SA KABATAAN

UMAPELA si Senador Bong Go sa Inter-Agency Task Force na muling pag-aralan ang desisyon nito na payagan nang lumabas ang mga edad 10-14 sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine simula February 1. “Huwag muna tayo magkumpyansa, lalo na pagdating sa kalusugan ng mga kabataan dahil delikado pa po. Responsibilidad nating proteksyunan sila. Sa lahat ng desisyon natin, isaalang-alang natin palagi ang buhay at kapakanan ng bawat Pilipino,” saad ni Go. “Kung hindi naman po kailangan, huwag munang payagang lumabas ng bahay ang mga bata dahil…

Read More

PAGBASURA SA UP-DND PACT PWEDENG IPAGPALIBAN -LACSON

NANINIWALA si Senador Panfilo Lacson na may pangyayari na puwedeng pagbatayan upang maipagpaliban o mabawi ang pagpapawalang-bisa sa 1989 UP-DND Accord na nagbabawal pumasok sa kampus ang militar o pulisya nang walang pahintulot. Sa pahayag, sinabi ni Lacson, chairman ng Senate committee on national defense and security na ang listahan ng mga estudyante ng University of the Philippines na diumano’y naging miyembro ng New People’s Army (NPA) at napatay sa pakikipagsagupaan sa militar ay isa sa mga pangyayaring dapat tingnan. “I think it is prudent now for Secretary Delfin Lorenzana…

Read More

HIRIT NA WAGE INCREASE TABLADO

HINDI pa man pormal na humihiling ng umento sa kanilang buwanang suweldo ang mga organisasyon ng manggagawa ay kagyat nang tinutulan ito ng samahan ng mga negosyante. Ayon sa pangulo ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na si Sergio Ortiz-Luis, hindi kayang magtaas ng suweldo sa panahong ito ang mga kumpanya – maliit man o malaki – dahil marami sa mga ito ay nagsasara na dulot ng pagkalugi. Tugon ito ni Luis makaraang ipahayag ng Partido Manggagawa (PM), Federation of Free Workers (FFW) at Ibon Foundation na nararapat lang…

Read More

Tanong ng solon sa pagsablay sa ‘red-tagging’ INTEL FUNDS NG AFP, NASAAN?

HINAHANAP ng isang mambabatas sa Kamara ang intelligence funds ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos sumablay ang mga ito sa pagpapalabas ng pangalan ng mga estudyante na nahuli at napatay umano dahil sa pagsapi sa New People’s Army (NPA). “Saan napunta ang intelligence fund?,” tanong ni ACT party-list Rep. France Castro dahil lumalabas na kung sino-sino na lamang ang inilagay ng AFP na pangalan ng mga estudyante ng University of the Philippines (UP) na naging NPA umano. Ayon sa mambabatas, kung nagagamit nang maayos ang intelligence funds ng…

Read More

BENEPISYO NG SAF 44 ‘WAG IBITIN – MARCOS

NANAWAGAN si Senador Imee Marcos kay Presidente Rodrigo Duterte na siguraduhing hindi atrasado ang mga medal of valor benefits para sa pamilya ng 44 Special Action Force (SAF) commandos na namatay sa 2015 Mamasapano tragedy tatlong taon na ang nakaraan. Sa harap ito ng nakatakdang paggunita ng ikaanim na anibersaryo ng trahedya sa nasabing munisipalidad ng Maguindanao, na naganap sa gitna ng “bara-barang operasyon” ng pulisya para madakip ang mga teroristang sina Zulkifli Abdhir, alias Marwan at Basit Usman. “Patuloy ang hinanakit ng mga pamilya ng magigiting na SAF 44…

Read More

AFP NAG-SORRY SA KAPALPAKAN SA ‘RED-TAGGING’

HUMIHINGI ngayon ng paumanhin ang Armed Forces of the Philippines – Information Exchange sa kapalpakan na lalong nagpatindi sa hidwaan sa pagitan ng Department of National Defense at University of the Philippines kaugnay sa pagpapawalang bisa sa “No Cops, No Troops on campus” deal. Ito ay bunsod ng naunang pagpapalabas nila ng listahan ng mga umano’y nagsipagtapos sa Pamantasan ng Pilipinas na napatay o nahuli ng militar dahil sa pagiging rebeldeng komunista na nai-post sa kanilang social media account. Nitong nakalipas na linggo, tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na…

Read More

ONLINE CONFERENCE SINAGAWA NG BOC-CLARKS

Pinangunahan ng ­Bureau of Customs Port of Clark (BOC-Clarks) ang Webinar on Enhanced ­Value ­Reference Information System (E-VRIS) via Zoom noong nakaraang Enero 15, 2021. Binigyaan diin sa pagtalakay ng webinar ay ang operational procedure sa implementasyon ng E-VRIS sa electronic to mobile (E2M) system bilang nakalagay sa ilalim ng Customs Memorandum Order (CMO) No. 16-2020. Ang paksa ay ­ipinalinawanag ni Deputy Collector for Assessment Atty. Felipe Geoffrey K. De Vera IV at dinaluhan ng mga ­miyembro ng Clark Investors and Locators Association (CILA), PEZA companies, Air Express Cargo operators…

Read More

P1.076-B KINITA NG BOC SA DISPOSISYON NG OVERSTAYING CONTAINERS

Aabot ng mahigit sa isang bilyong piso (P1.076-B) ang kinita ng Bureau of Customs-Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG), Auction and Cargo Disposal Division (ACDD) at ACD units ng lahat ng Collection Districts dahil sa ginawang disposisyon ng kabuuang 3,514 overstaying ­containers mula Enero hanggang ­Disyembre 2020. Ang disposisyon ng lubhang matagal nang mga containers ay nagresulta para sa revenue generation na P1,076,588,805.44 mula sa public auction ng 1,898 containers ng ibat-ibang items tulad ng TV, Tiles, Plywood, maraming iba pa, at kondemnasyon ng 1,346 containers at donasyon ng natitirang…

Read More