MAGKASUNOD bumulagta ang dalawang umano ay tulak ng droga matapos kumasa sa isinagawang buy-bust operation sa Lipa City at bayan ng Pila sa Laguna noong Martes ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang suspek na si Neil Katigbak na nakipagbarilan umano sa mga pulis na nagsagawa ng operasyon sa Barangay Balintawak, Lipa City dakong alas 11:30 ng gabi. Narekober dito ang 5 gramo ng shabu at isang 38 magnum revolver. Sa Barangay Dila, Bay, Laguna, dead on the spot ang suspek na si Ronald Mullet na umano…
Read MoreMonth: January 2021
TRICYCLE SINUWAG NG VAN; 2 PATAY, 1 SUGATAN
PATAY ang dalawang pasahero ng tricycle matapos araruhin ng kasalubong na van sa Maharlika Highway, Barangay Binutas, Calauag, Quezon, Martes ng gabi. Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Modesto Lazaga, residente ng Calauag at Cesar Epa, taga-bayan ng Buenavista. Ang dalawa ay parehong nasa loob ng sidecar ng tricycle na siyang natumbok ng nakabanggang Toyota Hi-ace na minamaneho ni Edwin Barretto, taga-Valenzuela City. Sugatan naman ang driver ng tricycle na si Renato Oriendo. Batay sa report, magkasalubong ang dalawang sasakyan at galing sa direksyon ng Bicol ang van nang sakupin nito…
Read MoreLGUs HINIKAYAT SA PAGTATANIM
PINAYUHAN ni Senador Imee Marcos ang mga lokal na pamahalaan na buhayin ang isang “simple ngunit binabalewalang solusyon” ng pagtatanim sa sariling bakuran sa harap ng mataas na presyo ng mga bilihin. Sinabi ng senador na malaki ang maitutulong ng pagtatanim sa mga bakanteng lote sa lungsod. “Wala namang kakapusan sa mga punla o binhi na maaring maitanim, mga tao na lang na handang magtanim ang kailangan,” ani Marcos. “Simple lang ang ideya pero hindi ito nagagawa o nagagamit na solusyon. Kahit sa paso o ‘yung mga plastic bottle at…
Read MoreFREE WI-FI FOR ALL
KAPIT LANG Ni MATEO MAGHIRANG HINDI ko akalain na ang gobyerno pala ay may programa na nagbibigay ng libreng Wi-Fi sa mamamayan na isang malaking tulong para sa marami upang maka-access sa internet ang ating mga kababayan lalo na ang mga nasa malalayong lalawigan. Sa pangunguna ng Department of Information and Communications Technology o DICT na pinamumunuan ni Secretary Gregorio ‘GRINGO’ Honasan II, nailunsad na ng tuluyan ang programang ito bagaman matagal na itong pinanukala ng pamahalaan. Five years in the making sabi nga nila bago ito tuluyang maisakatuparan…
Read MorePANAWAGAN SA CENTURY HIGH HR AGENCY
AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP HALOS abot hangang langit na ang pakiusap ni OFW Jovelyn Dumelod na kasalukuyang nasa Saudi Arabia upang siya ay masaklolohan na makaalis na sa kanyang “walang malasakit” na employer. Si OFW Dumelod ay nakarating sa Saudi Arabia noong Oktubre 24, 2019 sa pamamagitan ng ahensya na Century high HR Agency. Diumano ay takot na takot na sya sa kanyang amo dahil sa naranasan nitong pananakit sa kanya upang pilitin lamang siyang magtrabaho. Halos dalawang buwan na siyang hindi binibigyan ng sweldo, kung kaya…
Read MorePUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) NAKA 3-0 NA?!
PRO HAC VICE Ni BERT MOZO “ANG kabutihan ay hindi kayang itumba o magapi ng katiwalian o kasamaan” Mistulang yan nalang ang pinanghahawakan ngayon ng PUBLIC ATTORNEY’s OFFICE (PAO) sa kanilang kinakaharap na laban kaugnay ng kontrobersyal na dengvaxia vaccine. Na kahit ano pa ang ginawang mga hakbang ng kanilang kalaban ay lagi silang ipinag a-adya at kanila itong nalalagpasan. Tulad na lamang sa kanilang unang laban sa Korte Suprema kung saan sila ay napagbigyan na magtalaga ng isang korte ang Supreme Court na ang tanging hahawakan ay ang…
Read MoreAstang bata at sablay na pamumuno-Defensor WALANG WISDOM SI LORD
(BERNARD TAGUINOD) TINIYAK kahapon ni Anakalusugan party-list Representative Mike Defensor na patuloy niyang gagampanan ang kanyang tungkulin sa bayan sa kabila ng mistulang kawalan ng wisdom ni Speaker Lord Allan Velasco. Inilarawan din ng mambabatas ang lider ng Kamara na parang bata at sablay ang pamumuno. Dagdag pa niya, imbes na pag-isahin, mismong si Velasco ang nagwawasak sa pagkakaisa ng mababang kapulungan ng Kongreso. Inihayag ito ni Defensor matapos siyang alisan ng vice chairmanship sa 5 committees na kinabibilangan ng Health, Good Government and Public Accountability, Dangerous Drugs, Public Information,…
Read MoreHindi na napapanahon – Lorenzana UP-DND ACCORD WINAKASAN
(JESSE KABEL) IBINASURA na ng Department of National Defense nitong Lunes ang “No cops, no troops deal” sa University of the Philippines (UP) kung saan itinatakda na kailangan munang humingi ng permiso ang mga awtoridad bago pumasok sa mga campus ng nasabing pamantasan. Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi na napapanahon ang nasabing kasunduan at nagiging balakid umano ito sa militar at pulis na bigyang proteksyon ang UP Community lalo pa at nakumpirmang may recruitment ang Communist Party of the Philippines sa loob ng pamantasan. Nilinaw rin ng kalihim…
Read More89 BRGY CHIEFS SUSPENDIDO
NAHAHARAP ngayon sa preventive suspension sa loob ng anim na buwan ang 89 na barangay kapitan dahil sa di umano’y iregularidad sa pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program. “Itong mga barangay captains, I warned you. ‘Pag umpisa pa lang sinabi ko na do not f*ck with this. Itong pera sa pantawid. ‘Yong panahod ng covid na namigay ang gobyerno ng pera para sa mga mahihirap. Sinabi ko na lalo na sa barangay level na ‘wag na ‘wag ninyo gawin,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public…
Read More