MAGIGING 42 na ang 24/7 vaccination hubs ng lungsod ng Taguig dahil dalawa pa ang idadagdag ng administrasyon ni Mayor Lino Cayetano. Ang dalawang karagdagan ay nakapuwesto sa Bonifacio Global City (BGC) sa Barangay Fort Bonifacio at malapit sa isang mall sa Barangay Calzada-Tipas. Ang 24-hour vaccination hubs ay siguradong magiging mas convenient sa mamamayan ng lungsod at higit na magiging accessible sa mga residente, paliwanag ni Cayetano. Binanggit ni Cayetano na “our target here is not only speed but safety and efficiency and accessibility. Our 24-hr hubs and our…
Read MoreMonth: February 2021
METRO MAYORS PUMABOR SA ‘NO VACCINE, NO MGCQ’
NIRERESPETO ng mga mayor sa Metro Manila ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi muna ilagay sa ilalim ng MGCQ ang kabuuan ng Kalakhang Maynila hanggang walang bakuna kontra COVID-19 na available sa bansa. Ito ang tiniyak kahapon ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos makaraang ianunsyo ng pangulo sa kanyang lingguhang pulong na ‘No Vaccine No MGCQ’. Tiniyak ni Chairman Abalos na ang mga Metro Manila mayor ay laging nakabase sa anomang desisyon ng pangulo at tutugon nang mabilis at maayos sa kautusan ng Punong Ehekutibo.…
Read MoreGLOBE MAS PINALAWIG ANG 5G NETWORK SA BANSA
NANGUNGUNA pa rin ang Globe sa pagkakaroon ng 5G sa Filipinas kung saan 1,069 na lugar na ang may access sa pinakabagong henerasyon ng wireless technology. Sa kasalukuyan, ang Globe ang may pinakamalawak na 5G footprint sa bansa dahil sa agresibong pagtatayo nito ng mga network at cell tower. Ang 5G coverage ng Globe ay available na sa 848 na lugar sa Metro Manila at Rizal; at sa 221 na lugar naman sa Visayas at Mindanao. Ang 5G ang pinakabagong wireless technology na mas mabilis, mas malaki ang bandwidth at…
Read MoreGLOBE NAGBIGAY NG LIBRENG TAWAG, CHARGING AT WIFI SA MGA RESIDENTENG TINAMAAN NI ‘AURING’ SA TANDAG CITY
NAGSIMULA na ang Globe na magbigay ng libreng tawag, charging at wifi sa mga residente ng Tandag City, Surigao del Sur na naapektuhan ng matinding pagbaha dulot ng bagyong Auring. Ang mga libreng serbisyo ay maaaring matanggap sa Telaje Covered Court, Capitol Road (sa harap ng Capitol Building), Tandag City. Ito ay bukas hanggang Pebrero 23 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Nagsimula ang Globe na ialok ito Pebrero 22, mula ala-1 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon. Handa rin ang Globe na magbigay ng mas maraming mga…
Read MoreMAHIGPIT NA HEALTH PROTOCOLS PANATILIHIN
NANINIWALA si Senador Win Gatchalian na dapat manatili ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa na nasa ilalim ng general community quarantine (GQC) sakaling ipatupad ang mas mababang antas ng quarantine o modified general community quarantine (MGCQ) pagdating ng Marso. “Kung ako ang tatanungin, sang-ayon ako na mag-MGCQ na tayo. Mayroon na tayong kakayahan at alam na natin ang gagawin kung mayroong nagkasakit o may nag-positive sa COVID-19. Mayroon na tayong kakayanan. Sanay na tayo,” ani Gatchalian. Ipinunto ni Gatchalian ang…
Read MoreAksyon ni Marcos sa poll protest tama lang LENI SINOPLA NI TEDDYBOY
BINATIKOS ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddyboy” Locsin Jr. ang napansin niyang kapulpulan ni Bise – Presidente Maria Leonor Robredo hinggil sa pag-uugnay nito sa desisyon ng Korte Suprema sa protestang elektoral ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban sa kanya at ng mga demokratikong institusyon sa bansa. Sa kanyang tweet, tumutol si Locsin sa ideya ni Robredo na sinisira ni Marcos ang mga demokratikong institusyon ng bansa nang tumanggi itong tanggapin ang pagkatalo sa halalan. Sinabi ni Robredo ang kanyang pananaw sa kanyang programa sa DZXL nitong Linggo.…
Read MoreDIGONG PABOR MAGPATUROK NG SINOPHARM VACCINE
MAS pipiliin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maturukan ng China-based drugmaker Sinopharm’s COVID-19 vaccine. “He (President Duterte) has said that his preference is for Sinopharm,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na mas pipiliin niya na maturukan ng bakuna mula sa Chinese vaccine manufacturers. Gayunpaman, hindi siya matuturukan ng Sinovac’s COVID-19 vaccine dahil hindi ito inirerekomenda sa mga senior citizen. Ang Food and Drug Administration (FDA), na nagbigay ng emergency use authorization sa Sinovac vaccine ay nagpahayag na ang nasabing bakuna ay maaari…
Read MoreCINEMA REOPENING TULOY NA
WALANG nakikitang problema si Presidential spokesperson Harry Roque kung muli nang magbukas ang mga sinehan sa Metro Manila. Pinagbasehan nito ang pagbubukas muli ng sinehan sa mga lalawigan na aniya’y wala namang naiulat na aberya. “Every other seat” naman aniya ang set-up sa mga sinehan na siyang sistemang ginagawa sa mga probinsiya. “As we speak po, bagama’t tayo sa Metro Manila ay parang ang hirap isipin na mayroon nang sinehan at mayroon nang mga Time Zone, eh sa mga probinsiya po na under MGCQ ay mayroon na po sila ‘no…
Read MoreIMPEACHMENT NI LEONEN IPINATUTULOY
(BERNARD TAGUINOD) KINALAMPAG ng isang mambabatas ang mababang kapulungan ng Kongreso sa mistulang usad-pagong na impeachment case laban kay Supreme Court (SC) Associate Justice Mariano Victor “Marvic” Leonen dahil kahit lagpas na ang 10 session days simula nang iendorso ito ni Ilocos Norte Rep. Angelo Marcos Barba ay hindi pa ito iniendorso ng liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco sa House committee on justice. Sa parliamentary inquiry ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa plenaryo ng Kamara, lumalabas na matagal pa bago iendorso sa nasabing komite ang impeachment complaint…
Read More