SIYAM na kababaihang hinihinalang hinahasa para maging suicide bombers, ang nadakip sa inilunsad na law enforcement operation ng Joint Task Force Sulu, katuwang ang Philippine National Police, sa nabanggit na lalawigan. Ayon kay Western Mindanao Command chief, Lt. Gen. Corleto Vinluan, nagsagawa ng sabay-sabay na law enforcement operations ang Joint Task Force-Sulu, sa pamumuno ni Sulu commander, M/Gen. William N. Gonzales, at mga operatiba ng PNP, laban sa hinihinalang potential suicide bombers at mga personalidad na may kaugnayan sa Abu Sayyaf Group (ASG). Ayon kay M/Gen. Gonzales, kabilang sa siyam…
Read MoreMonth: February 2021
P10-M SHABU NASABAT SA CALOOCAN
ISANG hinihinalang drug courier ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa #185 Malaria North, Caloocan City noong Lunes. Ayon sa isinumiteng ulat kay PDEA Director GEneral Wilkins Villanueva, kinilala ni PDEA IV-A Team R-SET leader Christopher S. Basilo ang suspek na si Jovit M. Dela Cruz, 27, residente sa Brgy. 185, Malaria North ng nasabing siyudad. Si Dela Cruz ay nadakip sa entrapment operation bandang alas-2:00 ng hapon noong Lunes habang kasagsagan ng buhos ng ulan, sa isang mall sa Quirino Ave. sakop ng Malaria Sanitarium, sa nasabing…
Read MoreP13-M CHINESE MEDICINES, YOSI NASABAT SA P’QUE
NAKUMPISKA ng Bureau of Customs (BOC) ang P13 milyong halaga ng mga sigarilyo at gamot na umano’y panlaban sa COVID-19, na pawang mga produktong galing China. Ang nasabing halaga ng mga produktong galing China ay nakumpiska sa inilunsad na dalawang operasyon ng BOC, sa tulong ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG) noong Pebrero 16 at 19. Ang mga ito ay natagpuan sa isang bodega sa Barangay Tambo, Lungsod ng Parañaque. Ayon kay BOC Commissioner Rey Guerrero, ilegal ang nasabing mga sigarilyo at…
Read MoreShabu ginawang family business MAGKAKAPATID ARESTADO
ARESTADO sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10, ang tatlo katao na magkakapatid at dalawa pa, sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Kristong Hari, Quezon City noong Lunes ng gabi. Kinilala ni QCPD director, P/Brigadier General Danilo P. Macerin ang mga suspek na ang magkakapatid na sina Marvin Reyes, 29; Rosalyn Reyes, 31, Maricris Reyes, 28, gayundin sina Oliver Cordora, 31, at Japeth Piedad, 32, pawang mga residente ng Brgy. Tatalon ng nabanggit na lungsod. Ang mga suspek ay nadakip sa buy-bust operation dakong alas-9:30 ng gabi noong…
Read More1 pang murder suspect nabitag 3 PULIS MAYNILA INARESTO SA PAGPATAY SA KOREANO
ARESTADO ang tatlong kasapi ng Manila Police District (MPD) kaugnay sa umano’y pagpatay sa isang Koreano sa Valenzuela City. Ayon kay MPD P/Brigadier General Leo Francisco, ang tatlong pulis na kinilalang sina P/Cpl. Darwin Castillo, P/SSgt. Carl Legazpi at P/Cpl. Samruss Inoc, mga miyembro ng Roxas Blvd. PCP ng Malate Police Station 9, ay isinangkot sa umano’y pagpatay sa isang Koreano noong Pebrero 15 sa Maysan, Valenzuela City. Ang nasabing tatlong pulis ay inaresto ng kanilang mga kabaro sa ikinasang hot pursuit operation dakong alas-3:00 ng hapon, anim na araw makaraan…
Read MoreP10K TULONG SA BAWAT PAMILYA SA PAROLA FIRE
HALAGANG P10,000 bawat pamilya ang ipinagkaloob ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso makaraang aprubahan ng lokal na pamahalaan ang tulong-pinansyal para sa 600 pamilyang nawalan ng tirahan sa sunog sa Parola Compound sa Tondo, Manila. Magugunitang limang magkakamag-anak ang namatay sa nasabing sunog, kabilang ang ama ng tahanan, na pawang natagpuang patay sa loob ng banyo, habang lima pang biktima ang dumanas ng 2nd degree burns sa nasabing insidenteng nangyari sa nasabing lugar dakong alas-6:00 ng umaga at umabot sa ika-apat na alarma. Bukod sa pinansiyal na tulong sa mga…
Read MoreMed certificate, ‘di na rin kailangan ng local travelers TRAVEL AUTHORITY WALA NANG SILBI
INGINUSO ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang plano nitong tanggalin na ang travel authority at medical certificate sa pagtungo ng mga Filipino sa kani-kanilang mga lalawigan mula sa Metro Manila (MM) dahil hindi na ito kailangan sa kasalukuyan. Sinabi ni Undersecretary Epimaco Densing III, nakarating sa DILG na mayroong mga pulis na ang ‘clearance’ sa pagbiyahe ang inaatupag sa mga presinto. Bago magbigay ng travel authority ang mga pulis, kailangang magpakita sa kanila ng mga biyahero ng medical certificate galing sa doktor ng barangay center. Ayon…
Read More18 PNP OFFICERS POSITIBO SA DROGA
UMABOT sa 18 police officials ang kumpirmadong positibo sa paggamit ng ilegal na droga, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP). Ang bilang na ito ay mula noong Enero hanggang ngayong buwan, saad ng PNP-Crime Laboratory na nakabase sa Camp Crame, Quezon City. Batay sa rekord ng PNP, 463 na ang mga opisyal at kasapi ng pambansang pulisya na nagpositibo sa ilegal na droga. Ang 18 opisyal ay kinabibilangan ng apat sa Rehiyong Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), apat sa Rehiyong Bangsamoro, tig-dalawa sa Gitnang Luzon at…
Read MoreCOVID-FREE CERTIFICATE PAIIRALIN SA PASAY
NAGLABAS ng resolusyon at mas naghigpit ang mga barangay sa lungsod ng Pasay bilang pag-iingat laban sa COVID-19. Nakasaad sa resolusyon na kinakailangan ng barangay ID o quarantine pass ang mga hindi residente ng lungsod. Kailangan din ng covid-free certificate sa bawat barangay. Naglagay rin ng checkpoint sa mga barangay na may pinaka-aktibong kaso ng COVID-19. Duda ni Punong Barangay Ruth Cortez, nagmumula sa labas ng kanilang komunidad ang virus ng COVID-19 kung kaya’t mas mahigpit ang paiiraling “preventive measures” ng lungsod. (MARINHEL T. BADILLA) 209
Read More