P45-M PEKENG LARUAN, KALAKAL NASABAT NG BOC-MICP SA BULACAN

Nasabat ng Bureau of Customs sa pamamagitan ng Manila International ­Container Port o MICP, Customs Intelligence and Investigation Service o CIIS at Enforcement and Security Service o ESS sa tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pekeng mga laruan at iba pang mga kalakal sa Guiginto, Bulacan. Ang operasyong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng BOC para matuldukan ang pagkalat ng mga pekeng kalakal. Ang pagkakasabat ay sa pamamagitan ng implementasyon ng isang Letter of Authority (LOA) na nilagdaan ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero. Nauna…

Read More

BOC-BATAS NAGSAMPA NG MGA KASO VS ILLEGAL IMPORTERS, BROKERS

Bilang mandato ng Bureau of Customs’ (BOC) na protektahan ang hangganan ng bansa mula sa pagpasok ng illegal at smuggled goods, ang Bureau’s Action Team Against Smugglers o BATAS ay nag-sampa ng kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) laban sa dalawang (2) importers dahil sa umano’y hindi tamang deklarasyon at ilegal na importasyon ng mga peke at ipinagbabawal na kalakal. Ang unang kaso ay laban sa YJC International Corporation para sa ‘alleged unlawful importation and misdeclaration’ ng 1,599 cartons (79,950 reams) ng pekeng sigarilyo na may kabuuang halagang PHP…

Read More

P50-M YOSI HULI SA BOC-CDO

CAGAYAN DE ORO – Nasabat ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Bureau of Customs Port of Cagayan de Oro ang dalawang ­container vans na naglalaman ng ilegal na sigarilyo na may halagang 50 milyong piso mula sa China. Ang shipment na naka-consigned sa LMRC 418 Direct Import Export Corporation ay dumating noong Pebrero 14, 2021 sa Mindanao Container Terminal (MCT) sa Tagoloan, Misamis Oriental. Sa pamamagitan ng natanggap na derogatory information kaugnay sa shipment, isang Pre-Lodgement Control Order ang inisyu ni District Collector John Simon ng BOC-CDO mula…

Read More

25 IBA’T IBANG LIVE REPTILES NA NASABAT NG BOC-NAIA PORMAL NANG ITINURNOVER SA DENR

Ipinagkatiwala na ng Bureau of Customs Port of NAIA ang kanilang nasabat na 2 makamandag na cobra, 8 pit vipers at 15 sailfin lizards sa Department of Environment and Natural Resources o DENR. Ang nasabing mga buhay na mga reptiles na may halagang P300,000.00 na nakalagay sa loob ng bamboo chimes at lantern ay nakatakda sanang i-export sa Taiwan noong Pebrero 18, 2021 sa pamamagitan ng DHL warehouse. Naunang idineklara ang bagahe bilang “souvenir items” ng isang nagngangalang “Adrian Lim” mula sa Pasig City at naka-consigned naman sa isang “Ryan…

Read More

HUMAN TRAFFICKING SA MACTAN AIRPORT, PATULOY?

MULING nabulabog ang Bureau of Immigration main office sa Intramuros, Manila noong nakaraang linggo makaraang isang liaison officer ng law firm ang inaresto ng mga ahente ng NBI. Nakuha sa kanya ang marked money na nagkakahalaga ng P900K at ilang bulto ng passports ng Chinese nationals sa loob ng tanggapan ng isang Atty. Maminta. Ngunit iginiit ng opisyal na hindi niya kilala ito at wala siya noon sa kanyang tanggapan nang mangyari ang entrapment operation. Agad naman itong pinaimbestigahan ng magaling na BI Admin Chief na si Mary Ann Caranto…

Read More

INYONG KINATAWAN, INYONG BOSES AT UTUSAN

BILANG kinatawan ng mga OFW landbased sector sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, tungkulin ko na alamin mula sa mga OFW ang kanilang mga mungkahi, hinaing at iba pa na gusto nilang iparating sa pamunuan ng OWWA Board. Sa madaling salita, ako ang inyong boses at utusan. Simula nang ako ay maitalaga ng ating mahal na ­Pangulong ­Rodrigo Roa Duterte ay ­nakagawian ko na ang laging ­makipagkita o makipagpulong sa iba’t ibang grupo ng mga OFW at kanilang pamilya upang ­magsangguni o hingin mula sa kanila ang kanilang mungkahi…

Read More

PAGPAPADALI NG PROSESO PARA SA MGA NEGOSYO, PINAIGTING NG PAMAHALAAN

KAMAKAILAN ay naisabatas ang Republic Act 11571. Layunin ng nasabing batas ang pagpapabilis sa pagbibigay ng mga permit, lisensya, at sertipikasyon sa panahon ng emerhensiya gaya ng pandemyang COVID-19. Sa ilalim nito ay binibigyan si Pangulong Duterte ng ­kapangyarihang pabilisin ang proseso sa pamamagitan ng pagtanggal o pansamantalang pagsuspinde ng mga nabanggit na dokumento. Ang kinaganda ng nasabing batas ay nasasaklaw nito ang lahat ng industriya. Wala itong pinapaboran. Ito ay may kaugnayan sa Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act,…

Read More

Inutang kailan mararamdaman? PINAS BAON NA WALA PANG BAKUNA

(BERNARD TAGUINOD) NABAON na sa utang ang gobyerno dahil sa COVID-19 response subalit hanggang ngayon ay hindi pa nararamdaman ng publiko ang mga inutang na ito ng pamahalaang Duterte. Ito ang pahayag ni House deputy minority leader Carlos Zarate dahil hanggang ngayon ay wala pang aktuwal na bakunang dumating sa bansa kahit napakarami na aniyang inutang ng pamahalaan. “Muli ang ating panawagan sa pamahalaan Duterte. Napakarami na ang inutang ninyo. Dapat mararamdaman na ng mamamayan ang kagyat na tugon para bumalik tayo, makabangon ang ating ekonomiya,” ayon sa mambabatas. Base…

Read More

Mas pinagkakatiwalaan ng Pinoy – Defensor PAGBABAKUNA IDAAN SA HMOs

MAS maraming Pilipino ang magpapabakuna lalo na ang mga nagtatrabaho sa malalaking kumpanya kung idadaan sa kanilang health maintenance organizations (HMOs) ang pagbabakuna. Ito ang paniniwala ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor dahil sa ngayon ay maraming Pilipino ang hindi pa handang magpaturok ng COVID-19 vaccines base sa mga nagdaang survey. “We would like to believe that corporations are trusted by their employees, so they will be more inclined to get vaccinated if it is coursed through the clinics of their HMOs,” ani Defensor. “Many business process outsourcing (BPO) and…

Read More