Sa pagkakaaresto ng law office employee BAGONG SINDIKATO SA BI NABISTO?

WALA na umano ang sindikatong “pastilyas” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang makasuhan ng korapsyon ang mga opisyal at kawani ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pangingikil sa mga Chinese na dumaraan sa nasabing pambansang paliparan. Ngunit, mukhang mayroong bagong pangkat na pumasok sa NAIA kung saan pinagkakaperahan din ang mga Chinese. Ito ay matapos maaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang “Vivan Lara” noong Huwebes. Si Lara ay dinakip ng mga tauhan ng NBI dahil sa impormasyong pangingikil ng umaabot sa P900,000…

Read More

PAGKUBRA NG PENSYON NG SENIORS, PINADALI

HINDI na kinakailangan magkaroon ng personal appearance ng mga senior citizen sa mga bangko at iba pang institusyon para makuha lamang ang kanilang pensyon. Ito ay matapos atasan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga pension-issuing agency at ang kanilang servicing banks at iba pang financial institutions na magkaroon ng alternative modes of validation para sa senior citizen pensioners. “Syempre po dahil sa covid at kaligtasan ng mga seniors, inatasan ang mga relevant gov’t agencies na mag-issue ng memorandum circulars sa pagpapatupad nito sa Marso 1,” ayon kay Sec. Roque.…

Read More

FOREIGN TOURISTS BAWAL PA RIN

PINAPAYAGAN na ng Pilipinas ang pagpasok ng mga dayuhan na may valid visas maliban sa mga turista. Ito’y matapos baguhin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang kanilang naunang resolutuon o IATF Resolution 98, kung saan tinanggal na ang reckoning period na March 16, 2020 sa visas para sa foreign nationals. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, dati-rati, tanging dayuhan na may visas na may petsang “March 20, 2020 onwards” ang pinapayagan na makapasok ng Pilipinas bilang bahagi ng restriksyon sa gitna ng COVID-19 pandemic. “Ito po iyon mga namumuhunan [sa…

Read More

FACE-TO-FACE CLASSES 1-3 HOURS LANG

PINAKALMA ng Palasyo ang publiko sa napipintong pagkakaroon ng face-to-face classes sa gitna ng itinutulak na pagsasailalim sa bansa sa moderate general community quarantine. Maaaring limitahan lamang umano sa ilang oras ang face-to-face classes sakali at aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pilot testing ng “in-person classes” sa mga lugar na may low risk ng COVID-19 transmission. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na nakatakdang magpulong sina Pangulong Duterte at ang gabinete nito ngayong Lunes at kabilang sa pag-uusapan ay kung papayagan na ang in-person classes. “Hindi naman sinabi…

Read More

RESOLUSYON SA DACERA CASE, INAABANGAN

ANIMNAPUNG araw na lamang ang hihintayin at lalabas na ang resolusyon ng piskalya hinggil sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera. Inihayag ito ni Atty. Mike Santiago, abogado ng isa sa 11 sangkot sa kasong rape with homicide Si Dacera ay natagpuang patay sa City Gardens Grand Hotel sa Makati City noong Enero 1. Sinabi ni Satiago na kung walang matibay na batayan ang kaso laban sa mga akusado ay ibabasura ito ng piskalya. Tinapos nitong nakaraang linggo ng Makati Prosecutor’s Office ang imbestigasyon sa isinampang…

Read More

5 PATAY SA SUNOG SA PAROLA

LIMANG magkakamag-anak ang namatay habang lima naman ang sugatan makaraang sumiklab ang sunog sa Parola Compound, Tondo, Manila noong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga namatay na sina Jake Loyola, 37, may-ari ng bahay; at kanyang mga anak na sina Noah Loyola, 3, at Kiefer Loyola, 8; at sina Richard Tigas, 10, at Jeric Tigas, 12. Sugatan naman sa insidente sina Cyrus Frank, 9; Sonny Boy Jovita, 23; Rea Adriatico, 37; Rodulfo Cadigal Jr., 44, at Marbin V. Alperes, 45, pawang dumanas ng 2nd degree burns. Base sa ulat ng…

Read More

9 KORPORASYON,15 NEGOSYANTE KINASUHAN NG TAX EVASION

SIYAM na korporasyon ang sinampahan ng mga kasong kriminal ng Bureau of Internal Revenue-Makati (BIR-Makati) sa Department of Justice (DOJ) dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na umabot sa P543,647,808.96 ang halaga. Dahil sa sobrang tagal ng mga atraso sa BIR, bukod sa prinsipal na hindi nabayaran, o kulang sa ibinayad na buwis, kasama rin ang increments sa P543,647,808.96. Sa paghahablang ito ng BIR, umabot sa kabuuang 806 ang naisampa ng ahensya na mga kasong may kinalaman sa hindi pagbabayad ng tamang buwis, o hindi pagbabayad ng buwis, ng mga…

Read More

COVID-19 VACCINATION SIMULATION EXERCISE ISINAGAWA SA BULACAN

ISINAGAWA ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang simulation exercise sa COVID-19 vaccination plan sa The Pavillion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito nitong Biyernes. Ayon sa Bulacan Medical Center (BMC) at Provincial Health Office – Public Health, higit 20 kalahok na hired contact tracers ng DILG ang sumabak sa exercise kung saan sumailalim ang ilan sa mga ito sa anim na hakbang. Matapos ipakita ang ID para sa pagbabakuna ay binigyan sila ng vaccination card at consent form habang ang pagbabakuna ay ginawa lamang sa loob ng…

Read More

LADY COP PATAY SA SUMIRKONG POLICE CAR

DEAD on the spot ang isang lady cop habang limang kasamahan nito ang malubhang nasugatan nang maaksidente ang sinasakyan nilang police car ng City Mobile Force Company (CMFC) habang binabagtas ang national highway sa Sinsayon, Santiago City patungong Cordon, Isabela. Ang CMFC na nakabase sa Santiago City, ang kauna-unahang All-women Mobile Force Company sa Region 2. Ayon sa ulat ng Santiago City Police Office, pumutok ang kaliwang gulong sa harap ng police mobile habang binabaybay nito ang national highway ng Barangay Sinsayon bandang alas-4:00 ng hapon. Sa lakas ng impact, pumakabilang…

Read More