MULING nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa publiko na mag-ingat sa mga taong nagpapanggap na mga ahente ng PDEA. Naglabas ng kanyang babala si PDEA Director General Wilkins M. Villanueva kasunod ng pagkakapaslang ng mga tauhan ni PNP-Anti Kidnapping Group director, P/BGen. Jonnel C. Estomo, sa dalawang kasapi ng Mokong criminal roup sa Botolan, Zambales. “The slain suspects reportedly belonged to the same group of men and women who wore PDEA uniforms rushing to arrest a man in Ususan, Taguig last February 4, 2018. The incident was caught…
Read MoreMonth: February 2021
DITO TELECOM INISYUHAN NG NOTICE OF VIOLATION
NAGPALABAS ang Office of Building Official ng Bacolod City ng 1st Notice of Violation laban sa DITO Telecommunity Corporation dahil sa umano’y illegal construction ng cellsite sa Purok Himaya, Barangay Alijis sa naturang lungsod. Sa nasabing notice na inisyu noong Pebero 16, 2021, sinabi ni Engr. Nestor Velez, acting department head ng Office of Building Official, na lumabag ang DITO, ang third telco player ng bansa, sa Section 301 ng Presidential Decree 1096 o ang National Building Code of the Philippines. Nakasaad sa Section 301 ng National Building Code na,…
Read MoreEX-CONVICT NILIKIDA NG TANDEM
NORTH COTABATO – Patay ang isang ex-convict m/atapos pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa Purok Magsaysay, Brgy. Rotonda, Koronadal City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang nasawi na si Renato Lavapiez, 35-anyos, single at residente ng Purok Pantalan, Bo. 5, Koronadal City. Ayon sa ilang residente sa lugar, bumisita lamang sa kanyang mga kamag-anak ang biktima. Sakay ng hindi pa natukoy na motorsiklo ang mga suspek na nakasuot ng bonnet nang isagawa ang krimen, alas-2:00 ng hapon nitong Biyernes. Napag-alaman na nakulong na noong 1992 hanggang 1997 ang biktima sa kasong murder.…
Read MoreGARMENTS INDUSTRY, MAKABABAWI NA
TAYTAY, Rizal – Kumpiyansa ang lokal na pamahalaan na sisipang muli ang kanilang pangunahing kabuhayan sa pag-arangkada ng P400-bilyong Circumferential Road-6 na magdurugtong sa mga lalawigan sa hilaga at timog ng kalakhang Maynila. Sa isang pahayag, buo ang paniwala ni Taytay Mayor Joric Gacula na kabilang ang kanilang bayan – partikular ang garments industry ng Taytay, sa lubos na makikinabang sa muling pagsisimula ng construction works ng 34-kilometrong elevated expressway na magiging alternatibong daang magbibigay luwag sa mga motoristang mula at patungo sa mga lalawigan ng Cavite, Bulacan, Metro Manila…
Read MoreBINATILYO PATAY SA SALPUKAN NG JEEP AT MOTOR
CAVITE – Namatay noon din ang isang 17-anyos na binatilyo nang magsalpukan ang isang pampasaherong jeepney at motorsiklo kung saan naka-angkas ang biktima sa Bacoor City, sa lalawigang ito. Kinilala ang namatay na si Toto Miranda, habang isinugod sa Philippine General Hospital ang driver ng motorsiklong Honda TMX na si Kiko Malabega, kapwa residente ng Progressive 15, Brgy, Molino 2, Bacoor City. Kinilala naman ang driver ng pampasaherong jeepney na may plakang DBY 572, na si Antonio Diacamus, 31-anyos. Ayon sa ulat ni Pat. Jerome Asis ng Bacoor City Police,…
Read MoreTRUCK SUMALPOK SA POSTE, 2 PATAY
DAVAO City – Binalot ng kadiliman ang distrito ng Marilog sa lungsod na ito nang salpukin ng isang delivery truck ang poste ng koryente na ikinamatay ng dalawa katao, ayon sa ulat ng pulisya nitong Sabado. Ayon sa inisyal na ulat na natanggap ng Davao City Police Office, agad binawian ng buhay ang dalawang biktima makaraang sumalpok ang kanilang sinasakyang 10-wheeler truck sa isang poste sa Barangay Suawan, Marilog District sa naturang lungsod. Mabilis na nagresponde ang Central 911 Urban Search and Rescue Team para sikaping iligtas ang driver at…
Read MoreBIKER NABUNDOL NG MOTOR, NAGULUNGAN PA NG BUS
CAVITE – Patay ang isang 52-anyos na biker nang banggain ng isang motorcycle rider at nagulungan pa ng isang bus sa bayan ng Carmona sa lalawigang ito. Isinugod sa Pagamutan Bayan ng Carmona si Rodolfo Olivar ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas. Habang ang motorcycle rider na si Eugenio de Jesus na nakabangga sa biktima, ay nilalapatan ng lunas makaraang mabalian ng buto sa kamay. Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng isang Volvo City Bus na may plakang CAH 4033, na minamaneho ni Jolie Acutim. Ayon…
Read More7 MALOLOS COUNCILORS KINASUHAN NG VICE MAYOR
SINAMPAHAN ng pangalawang punong lungsod ng kasong administratibo sa Office of the Ombudsman, ang pitong city councilors sa Lungsod ng Malolos, ng kasong gross neglect of duty kaugnay ng umano’y sunod-sunod na pagliban sa sesyon ng Sangguniang Panglungsod sa nakalipas na mga pagdaraos ng karaniwang pagpupulong. Ang kasong administratibo ay pormal na isinampa noong Huwebes ni Vice Mayor Noel Pineda laban sa pitong city councilors na sina Nino Carlo Bautista, Francisco Castro, Kirk Louis Nicolas, Enrico Capule, Edgardo Domingo, Miguel Carlos Soto at Dionisio Mendoza. Ayon kay Pineda, ang pagsasampa…
Read More150 KASAPI NG MILITIANG BAYAN, SUMUKO SA MILITAR
HUDYAT nang tululuyang pagkawasak ng Communist party of the Philippines at ng armadong galamay nitong New People’s Army, ang pagsuko ng 150 rebelde sa Cagayan, ayon kay Northern Luzon Command chief, Lt. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos. Ayon kay NOLCOM commander, Lt. Gen. Burgos, ang mass surrender ng mga NPA at mga tagasuporta nito sa Cagayan, ay nangangahulugan ng nalalapit na pagkalupig ng CPP-NPA sa Hilagang Luzon. Pinangunahan ng pinagsanib na puwersa ng 17th Infantry Battalion, Marine Battalion Landing Team (MBLT) 10, 77th Infantry Battalion at PNP ang pagsasagawa ng localized…
Read More