CAVITE – Namatay ang isang 3-anyos na babaeng paslit makaraang masagasaan ng isang Toyota Hi-Ace van sa mismong kanyang kaarawan sa Trece Martires City, sa lalawigang ito. Ang biktimang si Camille (‘di tunay na pangalan) ay nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital dakong alas-5:05 ng hapon noong Sabado. Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng isang Toyota Hi-Ace van na si Ulysses Villardo, 54, ng Brgy. Aguado, Trece Martires City. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Rene Bibon ng Trece Martires City Police, dakong…
Read MoreMonth: February 2021
COVID-19 VACCINATION BILL IPAPASA NG SENADO NGAYONG LINGGO
KUMPIYANSA si Senate Majority Leader Migz Zubiri na maipapasa na nila ngayong araw (Lunes) ang Senate Bill 2057 o ang COVID-19 Vaccination Program upang magkaroon ng kumpiyansa ang mga lokal na pamahalaan at maging ang mga manufacturer sa pagsupply ng bakuna sa bansa. Sinabi ni Zubiri na dahil certified as urgent ang panukala, maaari nilang tapusin ang approval nito hanggang 3rd reading sa loob ng isang araw. “Actually priority po namin yan, by tommorrow (Lunes), first hour ‘yan ang ita-tackle namin at wala na po ako ibang agenda na ilalagay…
Read MorePAGLULUWAG SA COMMUNITY QUARANTINE PINALAGAN
PINALAGAN ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang planong paluwagin ang community quarantine upang sumigla ang ekonomiya. Sa pahayag, sinabi ni Go na huwag munang luwagan ang community quarantine hanggang hindi nasisimulan ang vaccine rollout. Ayon kay Go, delikado pa rin ang panahon lalo na at wala pang bakuna na nakararating sa bansa. “Para sa akin, personally, bakuna first. Bakuna first. Vaccine rollout first bago ninyo buksan… Vaccine rollout first bago natin luwagan ang ating ekonomiya,” ayon kay Go sa panayam matapos dumalo sa groundbreaking ceremony ng Northeastern Misamis General…
Read MoreMABILIS NA PAGGALING, PANALANGIN NG PCOO KAY ARCHBISHOP PALMA
NAGPAABOT ng panalangin ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) para sa agarang paggaling at pagbuti ng kalusugan ni Cebu Archbishop Jose Palma na nagpositibo sa COVID-19. Ayon kay PCOO Sec. Martin Andanar, nakikiisa rin sila sa mga tapat na Katoliko na nagdarasal para sa pagbuti ni Archbishop Palma. Hangad aniya nila ang mabilis na paggaling ni Archbishop Palma upang maipagpatuloy nito ang kanyang religious obligations at magsilbing inspirasyon sa Catholic community na manatiling nakikipaglaban sa COVID-19 at tumulong sa “healing and recovery” bilang isang bansa. Sa ulat, humihingi ng panalangin…
Read MoreKOORDINASYON SA METRO MAYORS PARA SA PAGDEDEKLARA NG MGCQ, PATULOY
PATULOY ang pakikipag-ugnayan ng national government sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila mayors para sa posibilidad na maibaba na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang quarantine classification sa National Capital Region (NCR). Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DoH Usec. Maria Rosario Vergeire, na mayroon na silang hawak na talaan para mapagbasehan kung dapat na bang mag-shift ang NCR sa MGCQ mula sa GCQ. Iyon nga lamang, ani Usec. Vergeire ay hindi pa kumpleto ang kanilang hawak na datos dahil hindi pa aniya nakapagsusumite ang ilang…
Read MoreINTERES NG BAYAN, KAPAKANAN NG PINOY PRAYORIDAD NI DUTERTE SA VFA AGREEMENT
TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go na rerespetuhin niya ang anomang desisyon ni Pang. Rodrigo Duterte pagdating sa Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at Estados Unidos. Sinabi ni Go na bilang chief architect ng foreign policy ng bansa, ang pangulo ay may prerogative na gumawa ng naturang desisyon para sa Pilipinas, na isa aniyang ‘sovereign’ at ‘independent country.’ “Alam mo, nirerespeto ko po ang…desisyon ng ating pangulo as the Chief Architect of our foreign policy. Sovereign country naman po tayo and independent country ang Pilipinas,” pahayag ni Go, sa…
Read MoreINDEMNIFICATION FUND SA COVID-19 VAX PROGRAM, MAAARING IPA-BID SA MGA INSURANCE COMPANY
IMINUNGKAHI ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na ialok sa mga insurance company ang pagpapasagot sa posibleng pananagutan ng gobyerno sa pagpapabakuna kontra COVID-19. Ipinaliwanag ni Sotto na sa pamamagitan nito ay mababawasan ang gastusin ng gobyerno. Sa panukala sa Senado, maglalaan ang gobyerno ng P500 milyong pondo para sa mga babakunahan na magkakaroon ng adverse effect o malalang side effects. “Ang P500 milyon na nakalagay doon pero pwede tayong magpa-bid sa insurance companies so hindi kailangan ang gobyerno ang sasagot baka mas maliit doon,” diin ni Sotto. “For…
Read MoreANGARA, DI PABOR NA SIMULAN ANG F2F CLASSES SA NCR
PABOR si Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara sa panukala ng Metro Manila Mayors at maging ng Inter Agency Task Force na isailalim na sa Modified General Community Quarantine ang lahat ng lugar sa bansa. Ipinaliwanag ni Angara na matagal nang nasa ilalim ng General Community Quarantine ang Metro Manila at marami nang negosyo ang labis na nasasaktan. “Palagay ko kailangan talaga natin, dahil ang tagal na natin sa GCQ ang establishments hirap na hirap dahil ang tagal nating naka-GCQ parang 3rd quarter pa ng nakaraang taon pinag-uusapan na.…
Read MoreSAFETY NETS SA PAARALAN PINATITIYAK
IGINIIT ni Senador Win Gatchalian na ang pagpapatuloy ng mga safety nets para sa mga mag-aaral na isang dahilan para bigyang prayoridad ang ligtas na pagbubukas ng mga paaralan. Aniya, maliban sa agarang pagkakaroon ng learning recovery sa gitna ng mga pinsalang dulot ng COVID-19 sa sistema ng edukasyon ay marapat lamang na tiyakin ng pamahalaan ang mga kinakailangang safety nets. Sinabi nito na may ilang programa ang mga paaralan upang masuportahan ang mga nangangailangang mag-aaral tulad ng school-based feeding program na tanging pinagkukunan ng masustansyang pagkain sa kada araw.…
Read More