2 MOST WANTED SA RAPE, NABITAG NG PNP-AKG

NADAKIP ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group ang isang most wanted personality ng Bohol na may kasong 5 counts ng rape, sa isinagawang law enforcement operation ng mga tauhan ni PNP-AKG director, P/BGen. Jonnel C. Estomo noong nakaraang Linggo sa Purok 3, Sitio Lantay, Brgy. Lombog, sa bayan ng Guindulman, sa nasabing lalawigan. Ayon kay P/Lt. Col. Rannie Lumactod, nagwakas ang tatlong taong pagtatago ng suspek na kinilalang si Junmhar Salamanca Grengia, nang matunton ito ng mga awtoridad. Si Grengia ay nahaharap sa 5 counts ng rape makaraang ipagharap…

Read More

BABAE IGINAPOS, BINARIL SA ULO

QUEZON – Isang bangkay ng babaeng nakagapos ang mga kamay ang natagpuan sa isang makitid na barangay road sa bayan ng Tagkawayan, Biyernes ng umaga. Batay sa report ng Tagkawayan Police, nadiskubre ng isang residenteng bibili ng pandesal ang bangkay na nakabulagta sa barangay road ng Bagong Silang dakong alas-5:30 ng umaga. Sa pagsisiyasat ng pulisya, natuklasan na may dalawang tama ito ng bala ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril sa ulo. Ayon pa sa mga imbestigador, posibleng iniwan lamang doon ang bangkay ng biktima matapos patayin sa…

Read More

MANILA LGU NAGBAYAD NG P38.4-M SA COVID VACCINES

IBINIDA ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nagpauna na itong magbayad ng P38.4 milyon para sa 800,000 doses ng AstraZeneca anti-COVID vaccines para sa 400,000 indibidwal na tuturukan ng tig-2 doses. “Tiyak na na nakasisiguro na tayo, kasi sa kontrata, maaaring me katiyakan pero ang initial payment ay nakapagbibigay ng kapanatagan ng kalooban para sa mamayang taga-lungsod na me darating nang mga bakuna sa Maynila,” ayon sa alkalde. Sinabi pa nito na inaasahan ang pagdating ng AstraZeneca vaccines sa pagitan ng Abril hanggang Setyembre ngayon taon. “Ibinigay ko…

Read More

3 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA NATOVAS

TATLONG COVID-19 patients ang namatay sa Navotas City noong Pebrero 19 habang lumobo sa 174 ang active cases matapos na 17 ang magpositibo sa swab test at apat lamang ang gumaling. Umabot na sa 5,821 ang nasapol ng pandemya sa lungsod. Sa bilang na ito ay 5,461 na ang gumaling at 186 ang namatay. Isa namang COVID-19 patient ang namatay sa Valenzuela City at umakyat muli sa 190 ang active cases lungsod matapos na 12 ang magpositibo sa nasabi ring petsa. Walang naitalang nakarekober sa naturang araw, ayon sa City…

Read More

RIDER ARESTADO SA TOY GUN, SHABU

ARESTADO ang isang 44-anyos na motorcycle rider nang makumpiskahan ng baril-barilan at shabu matapos tangkaing takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita sa Valenzuela City. Patong-patong na kaso ang kahaharapin ni Ramil Turba, ng Brgy. Gen. T. de Leon sa nabanggit na lungsod. Ayon sa ulat, alas-11:30 noong Huwebes ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita sa kahabaan ng T. Conception St., Brgy. Marulas ang mga parak nang maispatan si Turba na nagmamaneho ng motorsiklo at may nakabukol sa baywang. Nang parahin ay tinangkang umiskyerda ng suspek ngunit naharang…

Read More

DOJ tiniyak ang imbestigasyon CARJACK RING LEADER PATAY SA BILIBID

NELSON S. BADILLA BINULAGA ang New Bilibid Prison (NBP) ng balitang namatay ang isang high-profile inmate na si Raymond Dominguez. Si Dominguez ay nakulong sa NBP makaraang hatulan ng korte na guilty sa kasong carnapping noong 2012. Kinumpirma ng tagapagsalita ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Gabriel Chaclag na namatay si Dominguez. Sabi ni Chaclag, “[Dominguez] was asked to wake up so he could be accounted for, but he wouldn’t answer. So, they opened his small room and they saw him unresponsive and lifeless”. Opisyal ding inamin ni Justice…

Read More

P2.5-M AYUDA SA MGA NAG-AALAGA NG MGA BABOY NA MAYROONG ASF SA MINDANAO

AABOT sa P2.5 milyon ibabayad ng Department of Agriculture (DA) at mga pamahalaang lokal sa mga backyard hog raiser sa dalawang lalawigan sa Mindanao makaraang mamatay ang 1,000 baboy dahil sa African Swine Fever (ASF) nitong nakalipas na linggo. Ayon sa DA, tig-P5,000 ang ibibigay ng kagawaran sa bawat isa sa kanila at karagdagang tig-P2,000 ang itutulong kada isa sa kanila ng pamahalaang lokal ng Misamis Oriental at Cagayan de Oro City. Sa kabuuan, P2.5 milyon ang matatanggap ng mga naapektuhan ng mga namatay na baboy dulot ng ASF. Sinunog…

Read More

PAGBUBUKAS NG EKONOMIYA BALANSEHIN -SOLON

INIHAYAG ni Senador Grace Poe na kung magliligtas ng buhay at unti-unting bubuksan ang ekonomiya, kailangan ang balancing act sa gitna ng pananalasa ng pandemya ng COVID-19. Sa pahayag, iginiit ni Poe na dapat maglatag na ang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa maayos na implementasyon ng inoculation program. “A strong vaccination program should accompany the reopening of businesses,” ayon kay Poe. Kabilang dito, ayon pa kay Poe, ang preparasyon ng mga pagamutan at iba pang itinalagang vaccination sites, pagsasanay ng tauhan at pagsusuri sa master list ng mga sektor at…

Read More

Bagong deliber na C-130 plane ng US ISASABAK SA COVID-19 VACCINE DELIVERIES

PORMAL nang ipinagkaloob ng United States sa Pilipinas ang isang C-130 Hercules cargo plane bilang bahagi ng pagsisikap na i-modernize ang hukbong sandatahan ng mga kaalyado nitong bansa sa Southeast Asia. Pinangunahan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, U.S. Embassy Chargé d’Affaires John Law, Armed Forces chief-of-staff Gen. Cirilito Sobejana, Philippine Air Force, LTGen. Allen T. Paredes PAF at iba pang opisyal ang turnover ceremony sa 250th Presidential Airlift Wing Hanger sa Villamor Airbase, Pasay City. Agad namang isasabak ang eroplano sa paghahatid ng bakuna laban sa coronavirus. Ito ang una…

Read More