CAVITE – Muntik nang matangayan ng P27,000 cash ang isang pawnshop sa Kawit makaraang may magsangla ng pekeng singsing at hikaw. Bago pa man nakalayo, nahabol ang suspek na si Rosalindo Lojo, nasa hustong edad, ng mga empleyado ng GRJ-Jaro Pawnshop sa Brgy. Tramo, Kawit, Cavite. Ayon sa ulat ni P/MSgt. Erwin Clerigo ng Kawit Municipal Police, dakong alas-4:30 ng hapon noong Martes nang magsanla ang suspek ng isang set ng gintong hikaw at dalawang pirasong singsing sa halagang P27,000. Nang matanggap ang pera ay agad na umalis ang suspek…
Read MoreMonth: February 2021
SUGATANG MIYEMBRO, INIWAN NG NPA
QUEZON – Natagpuan ng mga awtoridad ang isang sugatang miyembro ng NPA makaraang iwanan ito ng kanyang mga kasama matapos ang pakikisagupa sa mga tropa ng gobyerno sa Brgy. San Roque Agro sa bayan ng Catanauan, sa lalawigang ito. Nilapatan ng lunas ng mga tropa ng gobyerno si alyas Marco nang matagpuan ito noong nakaraang Linggo sa nabanggit na lugar. Sinabi ni Captain Jayrald Ternio, tagapagsalita ng 2nd Infantry Division, kabilang si alyas Marco sa grupong nakasagupa ng militar sa Sitio Pung-Uy, Barangay Masaya noong Linggo. “Ganun pala ‘pag wala…
Read MoreMAGKAKAPATID NALUNOD SA ILOG
ANTIQUE – Nalunod ang tatlong menor de edad habang nakaligtas ang isa nilang kapatid habang tumatawid sa ilog sa Brgy. Culyat sa bayan ng Valderrama sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat ng Valderama PNP, kinilala ang mga nalunod na sina Maricel Canja, 17; Maria, 15, at Ruben, 11, habang mapalad namang nakaligtas ang trese anyos nilang kapatid na si Victor. Ayon kay P/Capt. Narciso Sables, hepe ng Valderrama PNP, pauwi na ang apat na magkakapatid sa kanilang bahay ngunit habang tumatawid sa ilog ay biglang rumagasa…
Read MoreAlamat ni Manny Pacquiao (Ika-6 na Bahagi) BALIK TANAW: Pacquiao-Marquez 1 at 2
ISANG istorya ng pagbabago ang dalawang unang laban sa pagitan nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez. Nagbago kapwa ang dalawa sa loob ng halos apat na taong pagitan mula nang sila ay unang nagsagupa bilang featherweight hanggang junior lightweight kung saan pareho silang nagdagdag ng apat na libra. Mula sa isang kilalang halimaw sa ibabaw ng lona gamit ang isang kamay sa kanilang inisyal na pagtatapat kung saan ay pinabagsak niya si Marquez ng tatlong beses sa unang round pa lamang, si Pacquiao ay naging boxer-puncher gamit ang dalawang…
Read MorePAGBABALIK ESKWELA, ISANG MOVING TARGET – GATCHALIAN
ITINUTURING ni Senador Sherwin Gatchalian na moving target ang pagbabalik ng face-to-face classes sa gitna ng patuloy na paglaban sa COVID-19. Bagama’t naniniwala si Gatchalian na ang ang face-to-face classes ang pinakaepektibong paraan ng pag-aaral, hindi rin naman dapat balewalain ang mga ulat ng pagtaas muli ng infection rate. “That is the million dollar question, when can we open classes using face-to-face or back to face-to-face? It’s really a moving target,” pahayag ni Gatchalian. “I saw in the news that infection rate has jumped to two percent again. So nanalo…
Read MoreKaso sa solo driver pinalagan sa Kamara RECKLESS DRIVING SA ‘NO MASK’ PAHIRAP
(BERNARD TAGUINOD) KINONTRA ng mga mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang reckless driving na isinasampang kaso sa mga driver at pasahero nito na hindi nagsusuot ng face mask sa loob ng sariling sasakyan. Sa pagdinig ng House committee on transportation na pinamumunuan ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, kinontra ng mga mambabatas ang nasabing kaso dahil ito ay para lang sa mga paglabag sa pagmamaneho ng sasakyan. “Kung tingnan natin ang definition ng reckless driving under RA 4136 (Land Transportation and Traffic Code), hindi niya contemplated ang pagsusuot ng…
Read MoreGUTOM ‘NEW NORMAL’ SA PINAS?
(BERNARD TAGUINOD) SA gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na ang pagkain, mistulang nagiging “new normal” na rin ang pagkagutom ng sambayanang Pilipino. Ganito ang naging pananaw ni Magsasaka party-list Rep. Argel Cabatbat kaugnay ng kinakaharap na krisis ng mamamayang Pilipino kaya dapat umanong aksyunan ito ng gobyerno. “Hungry should not be the new normal,” ani Cabatbat sa virtual press conference ng Minority bloc sa Kamara kaugnay ng nasabing usapin dahil hindi lamang ang presyo ng karne ng baboy at manok ang tumaas kundi ang…
Read MorePALUSOT NG DA SINOPLA NI MARCOS
MINALIIT ni Senador Imee Marcos ang pahayag ni Department of Agriculture (DA) Sec. William Dar na sisiguruhin nitong babahain ng isda ang Metro Manila habang kulang ang supply ng karneng baboy ang merkado. Sinabi ni Marcos na hindi nakapagtatakang maraming isda sa mga palengke habang walang tindang baboy dahil fish season ngayon. Giit ng senador, hindi dapat ipagmalaki ng DA na maraming supply ng isda gayung malaki naman ang problema sa supply ng karneng baboy. “Talaga namang dadami ang isda ngayon kahit walang kautusan si Sec. Dar dahil ‘yung closed…
Read MoreCOVID VACCINES GUWARDIYADO NG PNP
INATASAN ng Department of Interior and Local Government ang pamunuan ng Philippine National Police na tutukan at pangalagaan ang lahat ng paparating na COVID-19 vaccines. Ito ay bilang pagtalima na rin sa kautusan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte. Kaugnay nito ay inatasan din ng DILG ang PNP na makipag-ugnayan sa mga LGU para matiyak ang kaligtasan ng mga bakuna at makararating ito sa tamang recipients lalo na sa malalayong lugar. Ayon kay DILG Officer-in-Charge (OIC) and Undersecretary Bernardo C. Florece, Jr., halos kasing halaga ng ginto ang mga paparating na…
Read More