P27.6-B, IPAUUTANG SA HOG RAISERS, NCR PORK VENDORS

TINIYAK ni Secretary William Dar na ginagawa ng Department of Agriculture (DA) ang lahat ng paraan upang sumigla at kumita ang mga tinatawag na commercial hog raisers sa bansa at pork vendors sa National Capital Region (NCR). Ang pinakabagong diskarteng naisip ni Dar ay magpautang ang DA ng P27.6 bilyon sa mga nasabing negosyante upang “buhayin” ang industriya ng baboy. Inilabas ni Dar ang ideyang pagpapautang ng pamahalaan ng bilyong halaga upang ‘matapos’ na ang suliraning dulot ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng karneng baboy at manok na…

Read More

PALASYO POSITIBO SA VAX PROGRAM

KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magkakaroon ng magandang resulta ang ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic sa pagtatapos ng taon. “We did our assignment. We are waiting for the vaccines to arrive and to immediately implement the required mandate — and that is to immunize everybody. We will do it as fast as the vaccines come in,” ayon sa pangulo. Sa kalaunan aniya ay malulutas din ang lahat ng problema na may kaugnayan sa usaping ito. “We will survive. And by the end of the year, it…

Read More

DELAY SA ALLOWANCE NG HEALTH WORKERS AAKSYUNAN

MAGSASAGAWA ng validation si Presidential spokesperson Harry Roque hinggil sa ulat na may umaalmang health workers bunsod ng pagkakaantala ng kanilang allowance. Batay sa impormasyon, mula umano ito sa tatlong government hospitals. Ani Sec. Roque, makikipag-ugnayan siya sa DOH finance upang malaman ang katotohanan sa napaulat na delay. Aniya pa, dati nang nagalit si Pangulong Duterte nang malaman na hindi nari-release ang bayad sa mga medical frontliner. Kumbinsido si Sec. Roque na kung totoo man ang napabalitang muling delay sa allowance ng health workers ay may balidong dahilan at hindi…

Read More

‘PLATEAU’ SA COVID-19 CASES NASISILIP NA

BUMABA at nasa plateau na ang estado ng kaso ng COVID-19 na naitatala sa mga nakalipas na araw. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang ibig sabihin lamang nito ay napananatili nang muli sa lebel na hindi na tumataas ang kaso nito sa mga nagdaang araw. Aniya, nagkaroon man ng pagtaas sa kaso partikular noong isang buwan, ito naman ay napababa rin at namamantine ng muli sa range na hindi na sumisipa. Nai-record ang pagtaas sa kaso ng covid noong nagdaang buwan kasunod ng pagdiriwang ng 2020 holiday season…

Read More

AYAW KONG MANAKOT PERO…

BUKOD sa pandemyang kinakaharap natin dahil sa covid-19 na hindi pinigilan ng gobyerno na makapasok sa ating bansa dahil ayaw nilang saktan ang damdamin ng China, meron pa tayong problema na hindi na napapansin… ang sunod sunod na lindol. Nakakabahala ang mga may kalakasang lindol na malimit na nangyayari ngayon sa ating bansa, hindi lamang sa Davao region kundi sa iba’t ibang parte ng ating kapuluan. Bagama’t regular na raw ang paggalaw ng lupa araw-araw pero hindi natin nararamdaman, ay maraming natatakot, kasama na ako sa mga sunod-sunod na lindol…

Read More

PORK HOLIDAY NANGYARI NA!

NAGKATOTOO na ang banta  ng mga manininda ng karne na hindi sila magtitinda ng manok at baboy pag ipinagpilitan ng gobyerno ang kanilang ceiling price sa nasabing mga pagkain. Noong isang araw ay nagkaroon ng Pork Holiday o walang nagtinda ng mga baboy at manok sa karamihan mga palengke sa Metro Manila maging sa lugar namin ay walang nabiling baboy ang aking maybahay kamakalawa. Kaya ayon imbes na sahugan ng baboy o magluluto sana kami ng sinigang na baboy ay bumili na lang siya ng maliliit na isda at ginawang…

Read More

HUWAG NA HUWAG KALIMUTAN ANG ISYU NG AMMONIA GAS

HABANG bakuna sa COVID-19, napakataas na presyo ng mga bilihin at palpak na implementasyon ng Land Transportation Office (LTO) sa mga batas, huwag na huwag kakalimutan ng mga pamahalaang lokal ang paglutas sa problema ng ammonia. Ang isyu sa ammonia ay tungkol sa planta ng yelo sa Lungsod ng Navotas at sa Bayan ng Lian sa Batangas. Parehong malaki ang perwisyo ng sumingaw na ammonia sa dalawang planta ng yelo. Sa Navotas, dalawang manggagawa ang namatay at mahigit 100 ang itinakbo sa mga ospital. Sa Lian naman, namatay ang mga…

Read More

4 DURA-DURA GANG MEMBERS, TIMBOG

NAHULOG sa kamay ng mga tauhan ng Manila Police District ang apat na miyembro ng tinaguriang “Dura Dura” gang na umano’y perwisyo sa mga pasahero ng bus sa Maynila. Unang nadakip sa Plaza Lawton, Ermita, Manila ang dalawang suspek na sina Jayson Libanin y Aquino, 26, ng #482 Maganda St., Sampaloc, at Mark Bactol y Aquino, 30, binata ng #121 V. Mapa St., sakop ng Sampaloc. Ayon kay P/Major Virgilio Platon, block commander ng MPD-Lawton Police Community Precinct, sakop ng Station 5, isang tawag ang kanilang natanggap hinggil sa pananalisi…

Read More

MAKATI HANDA NA SA COVID-19 VACCINES

TINIYAK ni Makati City Mayor Abby Binay na handa nang magpaturok ng anti-covid vaccines ang mga naninirahan sa Lungsod ng Makati sapagkat ang mga ito ay sayantipikong garantisado na makapupuksa ng nasabing sakit. Ayon kay Binay, naglabas ng isang bilyong piso para sa vaccination program ang administrasyon ng nasabing lungsod para sa itinakdang bilang na mga residente ng Makati, mga hindi naninirahan sa lungsod at mga nagnenegosyo. Ang Lungsod ng Makati ay bumili ng 42 refrigerators at freezers na pangmedikal upang masiguro ang efficiency at epekto ng mga bakuna. “As…

Read More