PDEA AGENT TINAGA SA AWAY SA BASURA

LAGUNA – Arestado ang isang 74-anyos na lola matapos tagain nito ang kapitbahay na babaeng PDEA agent sa Calamba City noong Linggo ng umaga. Batay sa report ng Calamba City Police, nagdidilig ng halaman sa harap ng kanyang bahay sa Casa Laguerta, Barangay Laguerta, ang biktimang si Ma. Glovie Allado Angelias, 40, PDEA agent, nakatalaga sa PDEA PRO4A, nang bigla itong tagain ng kanyang kapitbahay na si Thelma Salazar Matibag na armado ng itak at kutsilyo. Agad namang naawat ng mister ng biktima na isa ring PDEA agent, ang lola.…

Read More

4-anyos na anak nadamay LABOR UNION LEADER PATAY SA TANDEM

PATAY ang isang 50-anyos na lider ng unyon makaraang pagbabarilin ng riding in tandem habang tinamaan ng stray bullet ang anak nito sa Tondo, Manila, noong Linggo ng gabi. Kinilala ang biktimang si Leonardo Escala y Sebastian, may asawa, ng Mel Lopez Boulevard (dating Road 10) sa panulukan ng Mabuhay St., sakop ng Brgy. 39 sa Tondo. Samantala, tinamaan ng ligaw na bala sa pigi ang 4-anyos nitong anak na isinugod sa Philippine General Hospital. Kasalukuyan namang inaalam ni Det. Niño Baladjay ng Manila Police District – Homicide Section, ang…

Read More

PORK HOLIDAY DINEDMA NG PASAY VENDORS

TUMANGGI ang mga manininda sa Pasay City Public Market na makilahok sa ikinasang pork holiday sa mga pampublikong pamilihan sa Metro Manila nitong Lunes. Ayon sa mga tindero at tindera ng karne ng baboy, makikipagsapalaran silang magtinda kahit halos walang tubo makaraang itakda ng gobyerno ang price ceiling ng karne ng baboy sa P300 kada kilo. Nitong Linggo bago ang implementasyon ng price ceiling ng karne ng baboy, nasa P300 per kilo ang bagsak sa kanila ng traders pero nitong Lunes ng madaling araw ay ipinasa sa kanila sa halagang…

Read More

DEPEKTIBONG LPG, SAWATAIN – POE

KINALAMPAG ni Senador Grace Poe ang Department of Trade and Industry na agad aksyunan ang mga tiwaling negosyante na nagbebenta ng “pekeng” liquefied petroleum gas (LPG) na kalimitan ay maliliit na mamimili ang nabibiktima. Ayon kay Poe, naglipana sa merkado ang mga depektibong tangke ng LPG, at walang pakialam ang ilang negosyante kung anong kapahamakan ang maaaring idulot nito sa consumers o pamilya na gumagamit ng kanilang produkto. “Maraming reklamong nakararating sa aming opisina… kung minsan kalawangin daw at madalas malabo o walang brand ang LPG na kanilang nabibili,” payahag…

Read More

ONLINE STORE DELIVERY PARTNER, NALUNOD SA OUTING

NASAWI ang isang online store delivery partner nang ito ay malunod sa kanilang outing sa isang beach sa Real, Quezon nitong Linggo. Kinilala ang biktima na si Rodrigo Del Rosario Larroco, 29-anyos, residente ng Marikina City at courier ng Shopee online store. Batay sa report ng Real police, nangyari ang insidente sa isang resort sa Barangay Capalong, Real kung saan nag-outing ang grupo ng biktima. Naliligo na ang biktima at ilang kaibigan dakong tanghali nang tangayin ito ng malalaking alon patungo sa malalim na bahagi ng dagat. Agad nagsagawa ng…

Read More

DARK SECRETS SA DARK AREAS

Ni Ann Esternon Nakahihiyang makita na makulimlim ang natatagong bahagi ng ating katawan. Parang ironic, dahil kung ano pa ang natatagong skin part ay ‘yon pa talaga ang nangingitim. Nakahihiya kahit ikaw lamang ang nakakaalam nito – lalo na kapag nakita ng iba, hindi ba? Kaya ang siste na may ganitong problema ay isinisikreto na lamang ito pero ang resulta nakababa ng kumpiyansa sa sarili.   BAKIT NANGINGITIM ANG BALAT? Kapag ang katawan natin or certain areas nito ay nakagagawa ng sobrang melanin, nagreresulta ito sa pangingitim ng balat. Tinatawag…

Read More

DOBLE BILIS BOOSTER NG “GLOBE AT HOME” MODEM SAKTO SA ONLINE LEARNING

NAPAKAHALAGANG konektado ang mga Pinoy ngayong ‘new normal’ kaya malaki ang maitutulong dito ng Globe At Home (GAH) Prepaid WiFi. Ang GAH Prepaid WiFi ay tamang-tama sa online learning na isa sa mga paraan ng pagtuturo at pag-aaral ng mga estudyante sa gitna ng COVID-19 pandemic. Mainam din ang GAH Prepaid WiFi sa mga nagtatrabaho sa pamamagitan ng work from home set-up at sa mga may online negosyo. Bukod sa regular na GAH Prepaid WiFi modem, mayroon na ring GAH Prepaid WiFi LTE-Advanced modem — ang pinakamabilis na prepaid modem…

Read More

BAKUNA LABAN SA COVID-19, NALALAPIT NA ANG PAGDATING

UMABOT na sa higit kalahating milyon ang kabuuang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa kabila ng pagsusumikap ng pamahalaan na maging agresibo sa laban sa pandemyang ito, umaabot pa rin sa higit sa isang libo ang nadadagdag sa bilang na ito kada araw. Masyado nang mahaba ang ating pakikipaglaban sa COVID-19 at tila ang bakuna lamang ang talagang tunay na makasusugpo rito. Mula pa noong nagsimula ang pandemya, paulit-ulit na binabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanging bakuna lamang ang paraan upang tuluyan nating mapagtagumpayan ang pandemyang…

Read More

MAGPAREHISTRO PARA MAKABOTO SA 2022

HINIHIMOK natin ang mga mamamayan na karapat-dapat nang bumoto na kayo at magparehistro para sa nalalapit na halalan ngayong 2022 bunsod ng mababang turnout ng mga botante ang nagpaparehistro, at nananawagan din tayo sa mga botanteng deactivated na ang rehistro na mag-apply para sa reactivation kung hindi sila nakaboto noong 2018 barangay elections at 2019 national and local elections. Ayon sa Commission on Elections, sa ngayon ay 1.17 milyon pa lamang na mga bagong botante ang nakapagpatala sa tinatayang 4 milyong mga hindi rehistradong Pilipino. Inihayag din nito na kanilang…

Read More