LABING-ANIM na kagawaran ang nagkasundong magtutulungan upang matiyak na mabigyan ng trabaho ang mga manggagawang nawalan ng trabaho dulot ng COVID-19. Ayon kay Secretary Karlo Nograles, lumagda sa memorandum ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), Technological Education and Skills Development Administration (TESDA), Commission on Higher Education (CHEd), Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Agriculture (DA), Department of Education (DepEd), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department…
Read MoreMonth: February 2021
Base sa US study – solon FACE-TO-FACE CLASSES PWEDENG IBALIK
HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) at ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na pag-aralan ang mga rekomendasyon ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng United States sa pagbabalik ng face-to-face classes. Sa pahayag, tinukoy ni Gatchalian ang isang artikulo mula sa mga eksperto ng CDC nitong Enero 2021. Base sa kanilang rekomendasyon, ang muling pagkakaroon ng face-to-face classes ay posible kung mapipigilan ang pagkalat ng virus sa mga komunidad at patuloy na ipatupad ang mga health protocol.…
Read MoreMAGBEBENTA NG PEKENG COVID VACCINE TUGISIN
HINIMOK ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ang lahat ng law enforcement agencies na tugisin ang mga nasa likod ng online selling ng mga peke at hindi rehistradong bakuna. Ito ay kaugnay na rin ng inaasahang pagdating sa bansa ng unang batch ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines. Ayon kay Deputy Speaker at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian, hindi malayong samantalahin ng ilang tiwaling grupo o indibidwal ang pagkakataong isagawa ang kanilang ilegal na gawain kapag ganap nang magkaroon sa bansa ng COVID-19 vaccines partikular ang inorder ng gobyerno, ilang…
Read MoreHURISDIKSYON NG RTCs, MTCs PINALAWAK
APRUBADO sa Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang isang panukala na magpapalawak sa hurisdiksiyon ng first at second level courts na aamyendahan ang Judiciary Reorganization Act of 1980, o ang Batas Pambansa Blg. 129. Sa botong 22 pabor, 2 tutol at walang abstension, aprubado ang Senate Bill No. 1886, o tatawagin bilang Act Further Expanding the Jurisdiction of the Metropolitan Trial Courts (MeTCs)/ Municipal Trial Courts In Cities, Municipal Trial Courts (MTCs), And Municipal Circuit Trial Courts (MCTCs). Dalawang hakbang na lamang, maaari na itong maging ganap na batas.…
Read MoreDOE, DTI KINALAMPAG SA PEKENG LPG
KINALAMPAG ni Senador Grace Poe ang Department of Energy (DOE), Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang kinauukulang ahensya na kaagad imbestigahan ang ginagawang panloloko ng mga tiwaling negosyante sa kanilang mamimili. Partikular na panawagan ng senador ang mabilis na aksyon laban sa mga negosyante na nagbebenta ng “pekeng” liquefied petroleum gas (LPG) na kalimitan ay maliliit na mamimili ang nabibiktima. Ayon kay Poe, naglipana sa merkado ang mga depektibong tangke ng LPG at walang pakialam ang ilang negosyante kung anong kapahamakan ang maaaring idulot nito sa mga…
Read MoreAlamat ni Manny Pacquiao (Ika-5 Bahagi) 487 TAON PAGKAKATUKLAS SA PILIPINAS IPINAGDIWANG
IKA-15 ng Marso 2008 ay ipinagdiwang ng bansa ang ika-487 taong pagkakatuklas sa Pilipinas. Nasabing petsa noong 1521 nang nadiskubre ng Portuguese na manlalayag na si Fernando Magallanes ang bansang tinawag na “Perlas ng Silangan.” Lingid sa kaalaman ng marami, noong tatlong dibisyong kampeon pa lamang si Manny Pacquiao ay sinimulan na niyang gunitain ang napakahalagang petsa sa kasaysayan ng bansa, noong siya ay nasa Las Vegas, ang itinuturing noon pa na boxing capital sa mundo. Dito rin niya nakamit ang kanyang ika-apat na korona, ang WBC super- featherweight. Ang…
Read MoreRIDER PATAY, 3 SUGATAN SA KURBADA
QUEZON – Patay ang isang 22-anyos na binatang rider nang ang sinasakyan nito at ng kanyang nobya ay masalpok ng kasalubong na motorsiklong nawalan ng kontrol sa matalim na kurbada sa bayan ng Real sa lalawigang ito, alas-2:00 ng hapon noong Linggo. Idineklarang dead on arrival sa Claro M. Recto Hospital sa bayan ng Infanta, ang biktimang si Darrel Dave Castillo, habang sugatan ang angkas nitong girlfriend na si Mary Joy Villaflor Rañosa. Nag-joyride lamang ang magkasintahan at pauwi na sa Laguna mula sa pamamasyal sa Real-Mauban road. Batay sa…
Read MoreEX-PULIS, 4 PA ARESTADO SA ANTI-NARCOTICS OPS
ANGELES CITY – Arestado ang isang dating pulis at apat na iba pa sa ikinasang anti-narcotics operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency sa lungsod na ito. Ayon sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva ni PDEA Central Luzon Dir. Christian Frivaldo, nakumpiska sa operasyon ang P240,000 halaga ng liquid shabu at 60 gramo ng kush o high-grade marijuana, na tinatayang nasa mahigit P220,000 ang halaga. Nakumpiska ang droga sa mga suspek na sina kina Frederick Torres, isang dating pulis; Jay Angeles Nugid, 43; Jennifer…
Read MoreDavao Oriental niyanig din 5 SUGATAN SA DAVAO DEL SUR QUAKE
NIYANIG naman ng magnitude 5.7 earthquake nitong Lunes ng umaga ang Davao Oriental, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Ito ay matapos ang 6.1 magnitude earthquake na tumama sa Davao del Sur na ikinasugat ng lima katao at ikinasira ng limang imprastraktura, kabilang ang dalawang simbahan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. Bunsod ng naunang paglindol, may limang imprastraktura ang partially damage, kabilang ang dalawang simbahan sa M’lang, Cotabato; isang ospital sa Isulan, Sultan Kudarat; at dalawang pribadong gusali sa Kabacan, Cotabato ang…
Read More