CA APPLICANT HINARANG NI GADON

(NELSON S. BADILLA) IPNARATING ni Atty. Lorenzo “Larry” Gadon sa Korte Suprema ang kanyang pagtutol sa aplikasyon ng isang abogado na maging “associate justice” (AJ) ng Court of Appeals (CA). Ang CA ay napakahalagang yunit sa sistema ng hudikatura sa Pilipinas. Ang mga mahistrado ng bawat dibisyon dito ay nagpapasya sa mga kasong napupunta sa kanila upang hatulan kung tama at naaayon sa mga batas at mga umiiral na jurisprudence ng hudikatura, o hindi. Ang mga mahistrado rito ay mga beteranong hukom at abogado na posibleng maging mga mahistrado ng…

Read More

Face-to-face campaign ban DEPENDE SA RESULTA NG VAX PROGRAM

MAGSISILBING barometro ang resulta ng inilatag na vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19 upang malaman kung tuluyang ipagbabawal o hindi ang face-to-face campaigning ng mga kandidato sa 2022 elections. Sa kasalukuyan ani Presidential spokesperson Harry Roque ay dapat munang hintayin ang kalalabasan ng pagbabakuna na posibleng pasimulan na sa loob ng buwang ito, lalo na’t mayroon pa naman aniyang sapat na panahon para mapagpasyahan ang nasabing usapin. Sinabi ni Sec. Roque na nais ng pamahalaan na mabakunahan ang 100% population ng mga adult sa bansa ngayong 2021 kung saan…

Read More

DOH TAHIMIK PA RIN SA FAKE LABORATORIES

HAYAGANG tumanggi ang Department of Health (DoH) na isapubliko ang impormasyon ukol sa mga pekeng laboratoryo na nagsasagawa ng COVID-19 test dahil on-going pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad. Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeirre na mayroon na silang inimbestigahan na mga laboratoryo na ilegal na nagsasagawa ng mga pekeng COVID-19 test. Sa katunayan, kamakailan lamang aniya ay nagpalabas na sila ng advisory upang ipaalam sa mamamayang Pilipino kung paano maiiwasan ang non-licensed laboratories na nagbibigay ng mga pekeng test result. Nakasaad din…

Read More

Dating senador Marcos sinisilip i-tandem ALYANSA NI INDAY UMANDAR

PATULOY ang paghimok ng ilang grupo na sumabak sa pampanguluhan si Presidential daughter Inday Sara Duterte sa kabila ng pagtanggi nito at pagtutol ng amang si Pangulong Rodrigo Duterte. ” My daughter, inuudyok naman nila. Sabi ko my daughter is not running. I have told Inday not to run,” matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte kamakailan. Subalit sa pinakahuling survey, si Mayor Sara ang nangunguna at malapit na pumapangalawa si dating Senador Bongbong Marcos. Kabilang sa mga nagsusulong na ikonsidera ni Sara ang pagkandidato ang ilang dating PBA greats na sina…

Read More

Resignation ‘di irrevocable – Spox Roque PAAWA EPEK NI MAGALONG BUKING

MISTULANG inilaglag ni Presidential spokesperson Harry Roque si Baguio City Mayor Benjamin Magalong nang ibuking nito na hindi binanggit ang salitang ‘irrevocable’ sa liham-pagbibitiw ng contact tracing czar. “Unang-una po nung nagsumite ng letter si Mayor Magalong wala pong nakasulat doon na it is irrevocable so kaya nga po ang sinabi namin it is subject to acceptance at hindi naman po tinanggap ng NTF at dun na po tayo tumigil doon,” ani Sec. Roque. “Sa tingin ko naman mahimasmasan lang si Mayor Magalong ay ipagpapatuloy niya dahil wala po talaga…

Read More

MARCOS UMALMA SA ‘DOUBLE STANDARD’ GUIDELINES LABAN SA COVID-19

INALMAHAN ni Senador Imee Marcos ang umano’y “double standard” o magkasalungat na pamantayan ng pamahalaan sa pagsugpo sa COVID-19 . Ang pahayag ng senador ay makaraang payagan nito ang mga empleyado ng gobyerno na huwag nang dumaan pa sa testing at quarantine sa local government units (LGUs) kung saan sila dumating para sa opisyal na gawain. Binigyang-diin ni Marcos na ang nasabing special treatment ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa mga empleyado ng gobyerno ang mas magpapahirap sa mga LGU na kontrolin ang…

Read More

Solon sa sunod-sunod na lindol GOBYERNO DAPAT HANDA SA “BIG ONE”

“SIGNS of Big One?” Ito ang tanong ni House deputy minority leader Carlos Zarate na may halong pagkabahala sa sunod-sunod na lindol, hindi lamang sa Mindanao kundi sa ibang lugar sa bansa. Kasabay nito, umapela ang mambabatas sa gobyerno na paghandaan ang bagay na ito at kailangang maging alerto umano ang bawat isa at mahalaga ang maging handa anomang oras. “I read from the data shared by The Watchmen’s Earth and Space Connection that these earthquakes, many not readily noticeable, are now becoming frequent these past weeks, not only in…

Read More

‘Di raw tatakbong pangulo BONG GO, GAYA-GAYA SA ‘PALUSOT’ NI ROBREDO

GINAYA ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang ‘palusot’ ni Bise Presidente Ma. Leonor “Leni” Robredo hinggil sa pahayag na huwag muna siyang isama sa mga posibleng tatakbo sa pagkapangulo sa halalang 2022. Idiniin ni Go sa online press briefing nitong Sabado na huwag siyang isama sa mga politikong naghahangad tumakbong pangulo sa halalang 2022. “Please count me out po,” pahayag ng bagitong senador. “Huwag niyo po ako isama d’yan sa usapang eleksyon,” patuloy niya dahil higit siyang nakatuon sa paglutas sa COVID-19. Si Go na kilalang mahigit 22 taong…

Read More

11 BIFF, 36 NPA NAGBALIK-LOOB SA PAMAHALAAN

UMABOT sa 11 mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)-Karialan faction ang nagpasyang sumuko sa pamahalaan sa bayan ng Datu Piang sa Maguindanao, nitong nakalipas na linggo, ayon sa Western Mindanao Command. “The 11 BIFF members surrendered to the troops of the 6th Infantry Battalion at Sitio Landing Fish, Barangay Buayan, Datu Piang,” pahayag ni Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., pinuno ng Western Mindanao Command. Kasabay ng kanilang pagsuko ang pagsasalong ng kanilang mga sandata. Ayon sa mga sumuko, pagod na sila sa pakikipaglaban at nais nilang maranasan na…

Read More