2 PATAY SA AKSIDENTE SA CAVITE

CAVITE – Patay ang isang lalaki nang masagasaan habang tumatawid sa kalsada, samantalang patay rin ang isang rider nang sumemplang ang minamanehong motorsiklo sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Isinugod sa Silang Specialist Medical Center ang biktimang si Mark Anthony Homo ngunit idineklarang dead on arrival. Dinala naman sa Dr. Poblete Hospital si Rey Mark Gimeno, 28, ng Brgy. Palumlum, Alfonso, Cavite ngunit hindi rin umabot nang buhay. Ayon sa ulat, tumatawid sa kalsada si Homo sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Brgy. Lalaan 2nd, Silang, Cavite dakong alas-10:00…

Read More

‘TSISMOSO’ PATAY SA NAVY

CAVITE – Naging mitsa ng buhay ng isang 49-anyos na lalaki ang umano’y pagkakalat nito ng tsismis nang pagbabarilin ng isang retiradong miyembro ng Philippine Navy, sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito. Dead on the spot ang biktimang si Ireneo Alumno, may asawa, ng Brgy. Marahan 1, Alfonso, Cavite dahil sa dalawang tama ng bala ng .45 kalibreng baril mula sa kapitbahay nitong Florante Flores, 45, retiradong miyembro ng PN, ng nasabi ring barangay. Ayon sa ulat ni Corporal Deverson Salinas ng Alfonso Municipal Police, dakong alas-7:30 noong Sabado…

Read More

2 TIKLO SA ILLEGAL BOOKIES

BINITBIT ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Manila Police District, kasama ang ilang miyembro ng Games and Amusement Board (GAB), ang dalawa katao makaraang salakayin ang illegal bookies sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya nitong Linggo. Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (illegal gambling) na inamiyendahan sa RA 9287 (illegal numbers games) ang mga suspek na sina Wilma Cayabo, 39, may asawa, ng #406 J. Pavia St., at Dennis Manapsal, 50, may asawa, tambay, ng #1675 Int. 3, Francisco Varona St., kapwa ng Tondo. Base…

Read More

ESTUDYANTE, 2 PA TIMBOG SA DROGA

ARESTADO ang tatlong drug suspect, kabilang ang isang 16-anyos na dalagitang estudyante, sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela City police chief, Col. Fernando Ortega ang mga suspek na sina Danilyn Ileto, 31, Marvin Manalotoc, 30, kapwa ng #5226 Demitillo St., Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City, at ang 16-anyos na dalagitang estudyante. Ayon kay PSMS. Fortunato Candido, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Lt. Joel Madregalejo, sa ilalim ng pangangasiwa…

Read More

1 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA NAVOTAS

ISANG COVID-19 patient sa lungsod ng Navotas ang namatay noong Pebrero 6, habang walang bagong nagpositibo at tatlo ang gumaling. Umabot na sa 5,622 ang tinamaan ng COVID sa Navotas, mula sa bilang na ito ay 5,413 na ang gumaling, 176 ang namatay at 33 ang active cases. Samantala, patuloy na lumulobo ang active COVID-19 cases sa Valenzuela City na umakyat na sa 272 matapos na 64 ang magpositibo noong Pebrero 6. Umabot na sa 9,456 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit. Sa…

Read More

181 COA PAINTINGS, NINAKAW?

SINO, o sinu-sino ang magnanakaw sa Commission on Audit (COA)? Ito ang aalamin ng pamunuan ng COA makaraang mawala ang 181 “paintings” na nasa pangangalaga nito. Ang COA ay ahensiyang “hiwalay” at nalaya” mula sa lahat ng kagawaran at tanggapan ng buong pamahalaan. Nabuo ito upang siyasatin, imbestigahan at tukuyin ang mga proyekto, programa, ari-arian, subastang pinasok ng mga ahensiya ng pamahalaan at marami pang iba. Ang COA ay isa rin sa mga ‘armas’ ng pamahalaan laban sa katiwalian, korapsyon at pandaramdong ng iba’t ibang mga opisyal at kawani ng…

Read More

Mass gathering sa Chinese New Year PULIS, BARANGAY OFFICIALS INALERTO

IPINAGBAWAL ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang anumang uri ng mass gathering sa lungsod sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Pebrero 12, 2021. Sa inilabas na Executive Order 006-21, nakasaad na bawal ang mga street party, stage shows, parada, palaro, dragon dance at iba pang aktibidad na maaaring pagmulan ng mass gathering. Ani Malapitan, pinirmahan niya ang kautusan bilang pagsunod ng lungsod sa umiiral na community quarantine protocols ng Inter-Agency Task Force upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 virus. Ipinag-utos din ng Punong-lungsod ang mahigpit na pagpapatupad ng…

Read More

PORK HOLIDAY IKINASA SA MAYNILA

NAKIISA ang mga tindero at tindera ng baboy sa lungsod ng Maynila sa inilunsad na “pork holiday” kaugnay sa ipatutupad na price ceiling ng Department of Trade and Industry sa presyo ng karne ng baboy at manok. Nabatid sa mga vendor ng baboy na maaring hindi muna sila magtitinda dahil wala rin naman silang tutubuin at wala silang makukuhang supply dahil makikiisa ang kanilang supplier sa “pork holiday”. Ayon pa sa mga ito, hindi lang tindero’t tindera ng baboy ang makikiisa sa “pork holiday ” kundi maging ang ilang manininda…

Read More

KFR MEMBER NASUKOL NG PNP-AKG SA MUNTI

ISANG miyembro ng itinuturing na notoryus na kidnap for ransom group, ang nadakip ng mga tauhan ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo sa isinagawang law enforcement operation noong Sabado ng hapon sa Alabang, Muntinlupa City. Ayon sa ulat na isinumite ni PNP-AKG Intelligence Research and Analysis (IRAD) chief, P/Col Edward Cutiyog kay Gen. Estomo, bandang alas-1:30 ng ng hapon nang madakip sa operasyon ang suspek na si Arnold Gastador Vargas sa #314 San Juanico St., Ayala Alabang, Multinlupa City. Ayon kay PNP-AKG Public Information…

Read More