Digong kahiya-hiya sa int’l community ‘SUPPLIER’ NG FAKE NEWS SA PALASYO KALUSIN

(NOEL ABUEL) PINAGBIBITIW ni Senador Panfilo Lacson ang mga opisyal ng gobyerno na nagbibigay ng maling impormasyon kay Pangulong Rordigo Duterte dahilan upang malagay sa kahihiyan ang pangulo sa international community. Sinabi ito ni Lacson kasunod ng pagkakamali ng pangulo sa impormasyong ibinigay dito na naisantabi na ng European Union ang Pilipinas para makakuha ng bakuna laban sa COVID-19. “Those feeding the President false information are doing him and the country a disservice and should resign to save us all from international embarrassment,” sabi pa ni Lacson sa kanyang Twitter…

Read More

MEDIA PINATUTULONG SA LABAN VS COVID-19

PINULONG ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang lahat ng lokal na mamamahayag sa nasabing probinsiya sa kanyang Official Residence (OR) nitong Miyerkoles kasabay ng panawagan nito na tulungan ang pamahalaang panlalawigan sa laban nito kontra coronavirus disease o COVID-19. Hiling ng gobernador sa mga lehitimong media practitioner na nakabase sa Bulacan ang kooperasyon ng mga ito na mapalawig ang kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa nakamamatay na virus sa pamamagitan ng pagbibigay-alam sa Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 Response ng mga nasasagap nitong impormasyon hinggil sa mga lumalabag…

Read More

SHOE TRADE FAIR SASAGIP SA SAPATERO NG MARIKINA

PORMAL nang nagbukas ngayong Pebrero ang Shoe Trade Fair sa Marikina City na naglalayong matulungan ang mga sapatero sa lungsod. Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, makatutulong ang aktibidad na ginaganap sa Marikina City Sports Complex para makabangon mula sa pagkalugi ang mga shoe maker dahil sa pananalasa ng COVID-19 at sa pagtama ng Bagyong Ulysses noong nakalipas na Nobyembre. Dahil matumal ang benta sa mga pamilihan at pwesto, nag-shift na rin ang maraming manufacturers sa online selling at paggawa ng Personal Protective Equipment ngunit hindi pa rin…

Read More

P19-B AYUDA SA OBRERO ILALABAS NG DOLE

HINDI magdidildil ng asin habang nasa kani-kanilang mga bahay ang mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil nangako ang pinuno ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maglalabas ito ng P19 bilyong ayudang pinansiyal para sa mga ito ngayong 2021. Ayon kay Secretary Silvestre Bello III, ang mga ibibigay ng DOLE ay P5,000 sa bawat isa sa 2 milyong manggagawang tinanggal sa kumpanya at P10,000 kada isa sa 500,000 overseas Filipino workers (OFWs). Kabilang sa mga ito ang mga manggagawa sa industriya ng turismo. Ang pondo ay galing sa P3…

Read More

P216-B IPINAGKALOOB NG USAID SA PINAS

TINATAYANG nasa mahigit Php216 billion o katumbas ng ($4.5 billion) ang naipagkaloob ng United States Agency for International Development o USAID sa Pilipinas para isulong ang mga target na pagbabago sa bansa. Kamakailan ay lumagda rin ang US government, sa pamamagitan ng USAID at National Economic Development Authority (NEDA) ng panibagong five-year bilateral assistance agreement na nagkakahalaga ng $150 million para sa pangangalaga ng kalikasan. Sa nasabing kasunduan ay lalong pinalalim ng United States at Pilipinas ang kanilang commitment na pangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng pagsusulong ng sustainable use…

Read More

DISKRIMINASYON TUTULDUKAN

HINDI na maaaring tanggihan ng mga employer ang mga aplikanteng Moro, Katutubo at maging ang mga taong mula sa ibang relihiyon matapos aprubahan ng Kamara ang panukalang batas na nagbabawal na i-discriminate ang mga ito. Sa botong 208 pabor at walang tumutol, lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 8243, o ang “Equality and Non-Discrimination on Race, Ethnicity, and Religion Act.” Inakda ito ng 88 congressmen sa pangunguna nina Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan, Basilan Rep. Mujiv Hamatan, AnakMindanao party-list Rep. Amihilda Sangcopan at iba pa.…

Read More

SOBEJANA, OPISYAL NANG UMUPO BILANG IKA-55 AFP CHIEF OF STAFF

OPISYAL nang iniluklok ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang ika-55 AFP chief of staff si Philippine Army commanding general Lt. Gen. Cirilito Sobejana, kahalili ni outgoing AFP chief Gen. Gilbert Gapay na nagretiro na sa serbisyo. Sa isinagawang Change of Command at Retirement Ceremony ngayong araw sa Camp Aguinaldo ay ginawaran ng pagbati ng Department of National Defense si LTGen. Sobejana sa kanyang panunungkulan ngayon bilang Chief of Staff at chairman of the Joint Chiefs of the Armed Forces of the Philippines. Sa mensahe ni Defense Secretary Delfin Lorenzana: ”…

Read More

P8-B NATANGAY SA INVESTMENT SCAM

LAGUNA – Arestado sa San Pablo City ang isang lalaking kabilang sa isang big time investment scam syndicate na nambiktima sa mga investors ng halos P8 bilyong halaga sa Mindanao. Nasakote ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek na si Dexter Auditor sa San Pablo City, Laguna nitong Huwebes. Ayon kay NBI Laguna District Office chief, Atty. Danilo Daganzo, nakakulimbat ang suspek ng halos P500 milyon mula sa mga investor na pinangakuan ng 400 porsyentong kita sa Tagum Rigen Marketing and Wellness Products na nambiktima sa…

Read More

STEPDAD HULI SA BARIL, NABUKING SA RAPE

BULACAN – Nagkaroon ng lakas ng loob ang isang 18-anyos na dalaga na ipagtapat sa pulisya ang panggagahasa ng kanyang stepfather na nagbantang papatayin siya at ang kanyang ina, makaraang arestuhin ng Paombong Police ang suspek dahil sa pag-ingat ng baril. Base sa report ni P/Major Almer Eustaquio, chief of police ng Paombong Municipal Police Station, kinilala ang suspek na si Eduardo Coronel, residente sa Barangay Pinalagdan, Paombong, Bulacan. Nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kasong illegal possession of firearms dahil sa nakumpiskang baril, at rape dahil sa panggagahasa…

Read More