PATAY SA NAVOTAS AMMONIA LEAK, 2 NA

KINUMPIRMA ni Mayor Toby Tiangco na dalawa na ang namatay sa ammonia leak sa planta ng yelo na pag-aari ng kanilang pamilya sa Navotas City. “Ngayong umaga, nakumpirma po nating may isa pang namatay sa ammonia leak sa TP Marcelo Ice Plant and Cold Storage. Siya po ay si Joselito Jazareno, 54, residente ng Malabon at electrician ng kompanya. Sa inisyal na imbestigasyon, nakita po siya malapit sa lugar ng sumabog na surge tank,” pahayag ni Tiangco. Ayon pa sa alkalde, hanggang 5am Pebrero 4, umabot sa 96 ang dinala…

Read More

1 PATAY SA AMMONIA LEAK SA NAVOTAS

ISA ang kumpirmadong patay nang magkaroon ng ammonia leak sa isang ice plant sa Navotas, Miyerkoles ng hapon. Sa pahayag ni Mayor Toby Tiangco, iniulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, humupa na ang amoy ng ammonia na dulot ng leak sa TP Marcelo Ice Plant and Cold Storage. “Umabot sa 61 po ang mga pasyenteng dinala natin sa ospital at isa sa kanila ang binawian ng buhay. Meron din pong mga residente na dumiretso na sa ospital. Kasalukuyan pa po nating biniberipika ang datos nito,” anang alkalde.…

Read More

NIGHT OF IDEAS NG CCP AT EMBAHADA NG PRANSYA

Sinusuportahan ng Cultural Center of the Philippines ang global exchange of ideas and knowledge na “La Nuit des idees (The Night of Ideas),” inorganisa ng Embahada ng Pransya sa Maynila. Ang proyekto ay nagkaroon ng pocket event noong gabi ng Enero 27 na tinawag na “Proches a velo: Closer by Biking – put the spotlight on the development of the culture of cycling in the Philippines”. Matagal nang destinasyon ang CCP para sa karamihang mahihilig sa bisikleta sa bansa. Sa gitna ng pandemya, patuloy ang pagsikad ng biking community. Sa…

Read More

SAAN NAKUKUHA ANG KULITI?

Ni Ann Esternon Kapag nanilip ka raw, tiyak na magkakakuliti ka. Hindi totoo iyan at pang-asar lamang iyan na kasabihan o lumang paniniwala. Ang kuliti, stye sa Inggles at may medical term na hordeolum, ay bukol sa labas o gilid na bahagi ng talukap ng mata. Ang bukol na ito ay unti-unting tumutubo o lumalaki, nagiging mapula, masakit at naluluha ang mata. Habang tumutubo ang kuliti ay nangungulekta ito ng nana kaya’t lalong namamaga at sumasakit habang tumatagal. Ito ay parang tigyawat o pigsa sa mata. Maaari ring tumubo ang…

Read More

AGARANG BAKUNA KONTRA COVID-19, SUSI SA ‘LEARNING RECOVERY’ – GATCHALIAN

BUKOD sa muling pagbangon ng ekonomiya ng bansa, nakasalalay rin sa mabilis na pagpapatupad ng COVID-19 vaccination program ng pamahalaan ang “learning recovery” para sa mahigit dalawampu’t limang milyong mag-aaral ng K to 12. Ito ang pahayag ni Senador Win Gatchalian na hinimok ang pamahalaang bigyan ng prayoridad ang ligtas na pagbabalik sa eskwelahan ng mga mag-aaral upang maiwasan ang paglala ng “krisis sa edukasyon” pati na ang posibleng pang-matagalang pinsala at panganib na dulot ng COVID-19 pandemic sa mga mag-aaral habang tumatagal din ang kanilang pananatili sa bahay. Kabilang…

Read More

IMBESTIGASYON SA RED TAGGING NG AFP SA UP ALUMNI, IGINIIT

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Leila de Lima ang red tagging ng Armed Forces of the Philippines sa ilang graduates ng University of the Philippines matapos ang unilateral termination ng 1989 UP-Department of National Defense accord. Sa kanyang Senate Resolution 628, binatikos ni de Lima ang patuloy na akusasyon ng AFP sa mga itinuturing nilang kalaban ng estado bagama’t ang mga ito ay law-abiding citizens. “These instances of red-tagging and spreading of misinformation are no longer uncommon as it forms part of the Duterte administration’s strategy to end the decades-old communist insurgency…

Read More

UNANG BATCH NG BAKUNA PARATING NA

INIHAYAG ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go nitong Miyerkoles, Pebrero 3, na nakatakda nang dumating ang unang batch ng 117, 000 doses ng bakuna mula sa Pfizer na idedeliber sa Pilipinas sa buwang ito kabilang ang mahigit 5.5 milyon hanggang 9 milyong doses ng bakuna mula naman sa AstraZeneca na darating sa una at ikalawang yugto ng taon. Sa pahayag, sinabi ni Go na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang pangunahan ang bansa patungo sa kabuuang pagbabangon dahil paparating na ang mga bakuna na inorder ng gobyerno. “Sa ngayon po,…

Read More

Online campaigning unfair – solon PANALO ANG ‘RICH AND FAMOUS’

WALANG ibang makikinabang sa plano ng Commission on Elections (Comelec) na ipagbawal ang face-to-face campaign sa susunod na eleksyon kundi ang mayayamang kandidato. Ito ang pahayag ng militanteng grupo sa Kamara kaya hiniling ng mga ito sa Comelec na ikonsidera ang kanilang plano dahil kung hindi ay mas lalong mawawalan ng pag-asa ang mga kandidatong walang sapat na pondo. “If this happens then the next elections will just become a contest for the rich and famous while more Filipinos are disenfranchised,” ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate. Ayon…

Read More

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN ACT, PINAAAMYENDAHAN

NAIS ni Senador Lito Lapid na amyendahan ang RA 9262 or Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 upang palawakin ang sakop ng edad ng kabataan bilang proteksyon sa mga 18 anyos pataas na may disability, illness, condition o incapacity. Ipinaliwanag ni Lapid na layon ng kanyang pag-amyenda na matiyak na makakamit ang tunay na layunin ng batas na bigyang proteksyon ang mga babae at kabataan. Isa sa nais baguhin ng senador ay ang probisyon na sumasaklaw sa ‘Children’ o mga bata. Sa kasalukuyang batas, idineklara bilang ‘children’…

Read More