PINANINIWALAANG nag-overdose ang isang 28-anyos na negosyanteng Tsinoy makaraang matagpuang walang buhay sa tabi ng mga gamot sa kanyang silid sa kanilang bahay sa Sampaloc, Manila noong Martes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Joseph Patrick Co y Tolentino ng Tacio St., Sampaloc. Base sa ulat ni Det. Arvin Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-11:00 ng gabi nang madiskubre ng isang kasambahay ang biktima sa kanyang silid na walang malay at nasa tabi nito ang nagkalat na mga gamot. Mabilis na isinugod sa St. Luke’s Medical Center ang…
Read MoreMonth: February 2021
Militar vs NPA 25-MINUTONG BAKBAKAN SA QUEZON
SINUSUYOD ng pinagsanib na puwersa ng AFP at PNP ang mga liblib na lugar sa lalawigan ng Quezon at karatig probinsiya matapos na makasagupa ng kanilang mga tauhan ang isang grupo ng New People’s Army sa Brgy. Bulo, Mulanay, Quezon noong Martes ng hapon. Hinihinalang, tangkang maghasik ng kaguluhan ang tinatayang nasa sampung NPA kadre na naka-enkuwentro ng mga operatiba ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army na nakasasakop sa Calabarzon region at MIMAROPA o Region 4-B, ayon kay Army Captain Jayrald Ternio, 2ID Public Affair Office chief. Ayon kay…
Read MoreDRUG PERSONALITY TINODAS SA VAN
QUEZON – Isang lalaking nasa drug watchlist ng PNP, ang natagpuang patay at may tama ng bala sa ulo sa loob ng isang nakahintong van sa gilid ng highway sa bayan ng Real sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Darwin Gucilatar, 37, residente ng Barangay Poblacion 61, sa bayan ng Real. Batay sa report ng Real Police, natagpuan ang bangkay ng biktima na may dalawang tama ng bala sa ulo, sa loob ng Toyota Hi Ace van na nakatigil sa gilid ng national road sa…
Read More40 PASAWAY SA QUARANTINE SA CAVITE, DINAMPOT
CAVITE – ‘Feeling’ normal na ang sitwasyon, ngunit ipinakita ng mga alagad ng batas na nasa ilalim pa rin ng community quarantine ang probinsiya matapos pagdadamputin ang tinatayang 40 kataong mga pasaway. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), 30 katao ang dinampot sa pagitan ng alas-3:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi noong Martes dahil sa hindi pagsusuot ng face mask sa Rosario, Cavite Sa Bacoor City, apat katao ang hinuli dakong alas-4:00 ng madaling araw nitong Miyerkoles dahil sa paglabag sa curfew bukod pa sa hindi…
Read MoreFEEDS DELIVERY BINAWASAN, 7 HULI
LAGUNA – Arestado ang pito katao, kabilang ang isang menor de edad, makaraang magnakaw umano ng 82 sako ng feeds na idiniliber sa isang farm sa bayan ng Pagsanjan sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles. Kinilala ni Laguna Police Provincial Director Col. Serafin Petalio II ang mga suspek na sina Paolo Dacuya, 26, driver; residente ng #310 Sampaguita Lipa City, Batangas; Edmundo Manalo, 38, driver, residente ng Marasigan St., San Juan, Batangas; Felomeno Almerañez Jr., 31, residente ng Brgy. San Felipe, Padre Garcia, Batangas; Renan de Castro, 31, residente ng Brgy.…
Read MoreBAGONG COVID-19 FACILITY SA MALABON, PINAILAWAN NG MERALCO
Bilang suporta sa gobyerno at sa pribadong sektor sa laban kontra COVID-19, pinailawan ng Meralco ang bagong treatment center na ipinatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ito ay matatagpuan sa C4 Road, Barangay Tanong, Malabon City. Bahagi ng proyektong ito ay ang paglalagay ng bagong pasilidad na paglalagyan ng metro, pagtatayo ng apat na konkretong poste, at paglalagay ng dalawang 75-kVa na distribution transformer. Ang ginamit na materyales sa tatlong (3) haba ng wire na ikinabit sa pagitan ng apat na poste ay overhead conductor na may…
Read MoreDATING SENADOR SONNY OSMENA PUMANAW NA
PUMANAW na si dating Sen. John Henry “Sonny” Osmeña kahapon sa edad na 86 sa kanyang tirahan sa Cebu City. Ang balita ay kinumpirma ng kapatid ng dating senador na si Annie Osmena-Aboitiz. Hulyo ng nakaraang taon nang tamaan ng COVID-19 ang dating senador ngunit nakarekober din umano ito. Si Osmeña, kinilala bilang Ten Outstanding Young Men noong 1970 at isa sa mga malubhang nasugatan sa Plaza Miranda bombing noong 1971 ay nagsilbi ring alkalde ng Toledo City, Cebu mula 2013 hanggang 2019. Wala pang pahayag ang pamilya Osmeña kung…
Read MoreSirang karne, sirang bakuna babala ni Imee IMPORTED PORK HADLANG SA PAG-IIMBAK NG COVID VACCINES
NAGBABALA si Senador Imee Marcos na maaaring hindi makayanan ang maayos na pag-iimbak sa mga parating na COVID-19 vaccine sa mga susunod na buwan kapag triniple ang importasyon ng karneng baboy na bibigyan ng diskwento sa buwis. Sa pahayag, sinabi ni Marcos na maaaring mauwi tayo sa sirang karne at sirang bakuna. “Hindi pa nga alam ng National Task Force ang paglalagyan o ang tinatawag na cold chain facilities para sa paparating na mga bakuna, ngunit heto tayo ginagawa nating kumplikado ang problema dahil sa planong triplehin ang minimum access…
Read MorePINAS NAWAWALAN NG P2 BILYON KADA ARAW
NANGHIHINAYANG si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa P2 billion nawawala sa Pilipinas kada araw dahil sa ipinatutupad na restrictions para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). “According to the Secretary of Finance, araw-araw ngayon hanggang matapos ‘tong covid, araw-araw we are losing P2 billion na pera para sana ‘yun sa mga tao,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi. “The workers, the Filipino workers would have earned that money kung ang ekonomiya natin gumagalaw,” dagdag na pahayag nito. Nauna rito, sinabi ng National Economic…
Read More