CHILD SAFETY IN MOTOR VEHICLES ACT, DI MUNA IPATUTUPAD

KINUMPIRMA ni Senador Bong Go na ipagpapaliban muna ng Department of Transportation at Land Transportation Office ang implementasyon ng Republic Act 11229 o ang Child Safety in Motor Vehicles Act. Sinabi ni Go na nakausap na niya sina DOTr Secretary Art Tugade at LTO chief Edgar Galvante at napagkasunduan na wala munang gagawing panghuhuli. “For now – no fines, no arrests, no confiscation of licenses, no penalties,” saad ni Go. “Dahil sa kasalukuyang krisis na dulot ng COVID-19, huwag muna nating dagdagan ang iniisip ng mga kababayan natin. Hirap na…

Read More

LUNAS SA PAGKAKAROON NG KULUGO

Ni Ann Esternon Ang warts o kulugo ay isang impeksyon sa balat na sanhi ng virus at ito ay nakahahawa. Ang kulugo ay nakaumbok o nakaangat sa balat, ito ay magaspang, bilugan o iregular ang sukat, medyo matigas, at ang kulay ay maaaring brown, gray o gray-black, o dilaw. May warts din na animo’y maliit na cauliflower sa balat. Tumutubo lamang ang kulugo sa epidermis, ang itaas na layer ng balat. Ang impeksyon na ito ay maaaring makuha rin ng bata kung kaya’t kahit sila ay nagkakaroon ng kulugo. Ang…

Read More

BOC TUMANGGAP NG RADIO DETECTION EQUIPMENT MULA US

Nakatanggap ang Bureau of Customs (BOC) ng ‘radiation detection equipment’ mula sa United States Department of Energy Nuc­lear Smuggling Detection and Deterrence (US DOE NSDD) para makatulong sa pagpapalakas ng border protection at kaka­yanang pang-seguridad. Ang US donation ay kinabibilangan ng 4 na Radioisotope Identification Device Radseeker CS at 2 Radiation Pagers na suporta para sa detection operations ng Megaports Radiation Detection System na ilalagay sa mga piling ports – tulad ng Port of Manila, Manila International Container Port at Port of Cebu. Ang equipment ay akma sa kasalukuyang border…

Read More

Isinampa ng BOC-BATAS SMUGGLING VS 3 IMPORTERS

Ang Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng kanilang Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS), ay nagsampa ng criminal cases noong nakaraang 18-22 ng Ene­ro 2021 sa Department of Justice (DOJ) laban sa tatlong (3) importers para sa umanoy misdeclaration at illegal importation ng ipinagbabawal na kalakal. Ang unang kaso ay laban sa Akiza One Six Eight Eight Eight Trading para sa ‘alleged unlawful importation and misdeclaration’ ng 100 sako ng used clothing (ukay-ukay), 450 sako at 150 karton ng pinaghalong mga damit at mga relo. Ayon sa BATAS, ang…

Read More

Para sa taong 2020 BOC NAKASABAT NG P10.629-B SMUGGLED GOODS

Aabot ng mahigit sa sampung bilyong pisong (P10.629B) halaga ng smuggled goods ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng kanilang kampanya para labanan ang smuggling at iba pang pandaraya sa duties and taxes sa Aduana. Ang BOC ay nakapagtala ng kabuuang 997 na kanilang nasabat mula Enero 2020 hanggang Disyembre 2020 bilang resulta ng maigting na intelligence at enforcement operations pati na rin ang pagpapalakas ng examination at inspection sa mga pwerto sa buong bansa. Kabilang sa mga nangu­nguna ay ang imported cigarettes at tobacco products sa…

Read More

Sa gitna ng Covid-19 pandemic BOC JANUARY 2021 COLLECTION TUMAAS PA NG P3.051-B

Ni JOEL O. AMONGO Sa kabila ng pananalasa ng epekto ng coronavirus disease 2019 sa pangkalahatang trading environment, ang Bureau of Customs (BOC) ay nagawa pang makakolekta ng P47.143 billion laban sa kanilang P44.092 billion January 2021 collection target o lagpas ng P3.051 billion na may katumbas na 6.92% increase sa koleksyon. Base sa preliminary report mula sa BOC-Financial Service, labing isa (11) mula sa labing pitong (17) collection districts ang nakalagpas sa kanilang January 2021 collection target. Ang mga ito ay kinabibilangan ng: Ports of Manila, NAIA, Batangas, Legazpi,…

Read More

ISANG OFW SA MALAYSIA NAGPAPASAKLOLO SA MALUPIT NA AMO

MADALAS tayong makatanggap ng sumbong at reklamo mula sa mga kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs) lalo na yung mga nasa Gitnang Silangan o Middle East. Kadalasan sila ay minamaltrato, sinasaktan, hindi pinapakain, sobra-sobrang trabaho, kinakasuhan at hindi pinapa-sweldo. Pero palibhasa’y ­milyon-milyon ang ating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibat-ibang panig ng mundo, ­masasabi nating kahit saan ay may mga kababayan tayo na hindi nakaiiwas sa ganitong mga karanasan. Gaya nitong pinaka-huling sumbong na nakarating sa amin sa AKOOFW. Ang biktima ay nakilala natin sa pangalang Harjane Nazar Boce na…

Read More

VP ROBREDO KULANG LANG O WALA TALAGANG ALAM?

BIRO ninyo naman, mag-akusa ba naman na propaganda lang daw ng gobyerno ang ginagawa nitong pag responde para sa mas mabilis na pagkakaroon ng covid vaccine sa bansa. Di po ba kayo ­nag-iisip na ang ginagawa ninyo ay hindi nakakatulong sa karamihan ng mga kababayan dahil ­inaakusahan ninyo ang gobyerno natin na inutil pag ­dating sa pagpapatupad sa ­COVID-19 vaccine. Hayan isinampal tuloy sa inyo ng pamahalaan na hindi nila kagustuhan na maging huli tayong mabigyan ng vaccine dahil yan ay ang World Health Organization (WHO) ang nagtakda kung sino-sino…

Read More

Gobyerno kumambyo sa pork price cap, child car back seats PAHIRAP SA PUBLIKO PINARA

(BERNARD TAGUINOD) KUMAMBYO ang pamahalaan sa pagpapatupad sa mga bagong itinakdang polisiya matapos itong umani ng negatibong reaksyon sa publiko. Ang Republic Act Number 11229 o Child Safety in Motor Vehicles Act ay hindi muna ipatutupad ng Land Transportation Office sa susunod na anim na buwan kaya walang munang huhulihin sa mga hindi susunod dito. Ayon kay LTO Law Enforcement Deputy Director Roberto Valera, walang huli at hindi rin bibigyan ng violation ticket ang mga drayber habang inaayos pa ng LTO ang inspection protocols. Pagtutuunan din aniya ng pansin ng…

Read More