P.5-M SHABU NASABAT SA MARIKINA

MAHIGIT kalahating milyong pisong halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa Marikina City. Ayon sa ulat ng pulisya, tinatayang P680,000 ang halaga ng nakumpiskang shabu mula sa dalawang suspek na kinilalang sina Johara Camar, 35, at Anthony Capellan, 36, sa ikinasang buy-bust operation sa nabanggit na lungsod. Batay sa imbestigasyon ng Marikina City Police Station’s Drug Enforcement Unit, nagsagawa ang mga awtoridad ng buy-bust operation sa Jogging Lane sa Barangay Barangka na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek at nakumpiskahan ng 100 gramo ng shabu. Nakumpiska rin…

Read More

Aksidente sa NLEx connector project 4 OBRERO NABAGSAKAN NG STEEL BARS

APAT na construction worker ang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center makaraang mabagsakan ng steel bars sa isinasagawang konstruksyon ng North Luzon Expressway (NLEx) connector project sa Blumentritt St., Sta. Cruz, Manila noong Lunes ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina Dominic Tuscano, Edgardo Goden, Eddie Melgar at Kevin Pacheco. Ayon sa inisyal na ulat ni P/Lt. Ferdinand Cayabyab, block commander ng Manila Police District-Blumentritt Police Community Precinct (PCP) ng Station 3, bandang alas-4:30 ng hapon noong Pebrero 1 nang bumagsak ang mga steel bar, ilang metro ang layo…

Read More

HOLDAPER PATAY, 1 TIMBOG SA QCPD

PATAY ang isang holdaper matapos na makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) at Kamuning Police Station (PS-10) habang nadakip ang kasama nito, noong Lunes sa Quezon City. Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Danilo P. Macerin, ang napatay na suspek ay tinatayang may edad na 30 hanggang 35-anyos, 5’3″ ang taas, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng itim na long sleeves at asul na maong pants, at may tattoo na “Jerrel,” “Jeff” at “Delfan” sa kanyang kanang balikat. Arestado naman…

Read More

MALABON, PASAY HANDA NA SA VACCINATION

HANDA na ang lungsod ng Malabon para sa pagbakuna sa mga residente laban sa COVID-19, ayon sa Department of Health, batay sa iniharap ng City Health Office (CHO) na vaccination plan sa bumisitang Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) team. Nakasaad sa nasabing plano na humigit-kumulang 1,100 katao ang mababakunahan kada araw. Buo na rin ang mga hakbang na gagawin sakaling may makaranas ng hindi inaasahang masamang epekto ng itatarak na bakuna. Sa nasabing plano ay limang vaccinations sites ang tinukoy, kabilang dito ang apat na paaraalan. Nakalatag na rin…

Read More

Kapag hinubaran ang artista sa social media 5-YEAR KULONG SA CYBER SURFER

MAHAHARAP sa limang taong pagkabilanggo ang mga taong nag-edit sa larawan ng ilang celebrities at ginawang hubad ang mga ito at saka ikinalat sa social media na pinagpistahan naman ng netizens. Ito ang babala ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas kasunod ng online lewd harassment sa mga artistang sina Barbie Imperial, Sue Ramirez at Maris Racal na naging trending sa social media. “We strongly condemn the malicious editing and spread of fake nude photos of female celebrities Barbie Imperial, Sue Ramirez, and Maris Racal. It is a testament of the…

Read More

BAWAS TARIPA SA MEAT IMPORTERS KINONTRA

BINAKBAKAN nang husto ng sektor ng agrikultura ang Department of Agriculture (DA) sa plano nito na bawasan ang taripa ng meat importers dahil lalo lang umanong pinapayaman ng ahensya ang mga ito habang inilulugmok naman sa kahirapan ang local producers. Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture, na pinamumunuan ni Quezon Rep. Mark Enverga, kinontra nina Ernesto Ordanes, presidente ng Alyansa Agrikultura, at Atty. Bong Inciong ng United Broilers and Raisers Association, ang plano ng DA na bawasan ang taripa ng imported pork. “We don’t have to decrease tariff. They…

Read More

71 CONTACTS NG UK VARIANT CARRIER SA BONTOC, POSITIBO

HINILING ng Department of Health (DOH) sa mga residente ng Mountain Province na sundin at ipatupad ang lahat ng protocols laban sa COVID-19 dahil positibo sa naturang sakit ang 71 close contacts ng sinasabing carrier ng United Kingdom variant ng virus sa bayan ng Bontoc. Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, natunton na ang 410 katao na nagkaroon ng kontak sa 12 indibidwal na pinaniniwalaang tinamaan ng UK variant ng matinding virus. Ani Vergeire, positibo sa COVID-19 ang 71 katao mula sa 410, samantalang 197 ang negatibo. Mayroon pang…

Read More

Pinakamasahol mula 2012 23.7 M PINOY JOBLESS – SWS

UMABOT sa 23.7 milyon ang mga manggagawang walang trabaho noong Setyembre 2020, ayon sa Social Weather Stations (SWS). Bumaba ito sa 12.7 milyon sa sumunod na buwan. Ang mga nasabing bilang ng kawalan ng trabaho sa bansa ay batay sa resulta ng survey ng SWS na isinagawa mula Nobyembre 21 hanggang 25 sa 1,500 respondents. Ang 12.7 milyon ay katumbas ng 27.3 porsyento ng buong bilang ng mga manggagawa sa bansa. Ang 27.3 milyon naman ay 39.5 porsiyento ng kabuuang lakas-paggawa. Kung susuriin ang survey, nangangahulugang nabawasan ng 14.6 milyon…

Read More

PINAS NAWAWALAN NG P2 BILYON KADA ARAW

NANGHIHINAYANG si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa P2 billion nawawala sa Pilipinas kada araw dahil sa ipinatutupad na restrictions para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). “According to the Secretary of Finance, araw-araw ngayon hanggang matapos ‘tong covid, araw-araw we are losing P2 billion na pera para sana ‘yun sa mga tao,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi. “The workers, the Filipino workers would have earned that money kung ang ekonomiya natin gumagalaw,” dagdag na pahayag nito. Nauna rito, sinabi ng National Economic…

Read More