10 DHVSU EXTENSION CAMPUS GAGAWING REGULAR CAMPUS NG SENADO

ISINUSULONG ngayon ni Senador Manuel “Lito” Lapid ang isang panukalang batas na naglalayong gawin nang regular campus ang 10 extension campus ng Don Honorio Ventura State University na nakakalat sa lalawigan ng Pampanga. Sa kanyang opening statement, sinabi ni Lapid na layunin ng Senate Bill No. 1862 na gawin nang regular campus ang extension campus ng naturang pamantasan sa munisipyo ng Sto. Tomas, Porac, Lubao, Candabas, Apalit, Mexico, Sta. Rita, Floridadblanca, Guagua at Sasmuan sa lalawigan ng Pampanga. “Gusto kong ipahiwatig sa lahat na malapit sa puso ko ang DHVSU…

Read More

PILIPINAS BIGO SA KAMPANYA KONTRA KORAPSYON

ITO ang inihayag ng Transparency International, isang Berlin, Germany corruption watchdog matapos lumabas sa kanilang pag-aaral na bumaba pa ng dalawang antas ang Pilipinas sa kanilang global corruption index na umano’y nangangahulugan na “stagnated”o walang pagbabago sa likod ng ginagawang kampanya ng pamahalaan na labanan ang korapsyon. Ang Pilipinas ay nasa 115th puwesto mula sa 180 bansa na sumailalim sa pag-aaral kung saan nakakuha ito ng markang 34 out of 100 points, base sa 2020 Corruption Perception Index na inilabas nitong nakalipas na linggo. “The Philippines, with a score of…

Read More

Birada ng spox sa senador binuweltahan ROQUE SAPUL KAY TEDDY BOY

DAPAT manahimik si Presidential Spokeperson Harry Roque Jr. sa pagbibigay ng mga komentaryo tungkol sa mga isyu ng pandaigdigang kaayusan, o ibayong dagat, dahil hindi “competent” ang kalihim sa nasabing larangan. Ito ang birada ni Foreign Affairs Secretary Teodoro ‘Teddy Boy” Locsin Jr. laban kay Roque. Isinulat ni Locsin sa malalaking titik ang kritisismo niya kay Roque na: “I AM NOT LISTENING TO HARRY ROQUE”. “LOVE THE GUY. BUT HE’S NOT COMPETENT IN THIS FIELD,” ratsada ni Locsin. Ang tinutukoy ng pangunahing diplomat ng bansa na “field” ay ang pandaigdigang…

Read More

Kontrolado ng EU – Palasyo ASEAN KULELAT SA COVID VACCINES

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang impluwensiya ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kahalintulad ng impluwensiya na mayroon ang European Union pagdating sa pag-secure ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sa public address ng pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na ang ASEAN countries ay hindi naman makapangyarihan gaya ng EU. “Eh wala tayong koneksiyon. Wala tayong pera. Itong problema ng covid, hindi talaga madali. Ang greatest disadvantage natin, hindi tayo mayaman,” ayon kay Pangulong Duterte. “One day, maybe, one day… magkakaroon din…

Read More

ASG LEADER NAPATAY

ISANG notoryus na sub-leader ng terrorist Abu Sayyaf Group ang napaslang sa inilunsad na law enforcement operation nitong Martes ng madaling araw sa Zamboanga City, sa pagtatangka nitong makatakas na nauwi sa enkuwentro. Kinilala ng Zamboanga City PNP ang napatay na si Arrasid Adjing Halissam, alyas “Guru Ara”. Si Halissam ay itinuturong sangkot sa ilang kidnap for ransom operations ng ASG at mga pambobomba sa Zamboanga Peninsula. Nabatid na tinangkang takasan ni Halissam ang mga pulis na magsisilbi ng search warrant sa pinaglulunggaan nito sa Margarita Drive, Barangay San Roque…

Read More

ITALIAN FUGITIVE HULI SA BI

PAMPANGA – Arestado sa mga tauhan ng Bureau of Immigration-Angeles Field Office noong Lunes, ang isang Italyano na wanted sa kanilang bansa. Kinilala ng BI operatives ang suspek na si Ivaldi Antonello, 51-anyos, nahuli matapos magtangkang i-extend ang kanyang visa sa BI Angeles Field Office. Ayon kay Alien Control Officer Mark Leslie Gonzales, si Antonello ay nag-submit ng kanyang passport para i-extend ang kanyang tourist visa ngunit nadiskubre ng BI personnel na ito ay kabilang sa ‘active watchlist’ dahil sa pagiging pugante sa batas sa kanilang bansa. “He has been…

Read More

262 RESIDENTS BINIGYAN NG LUPA SA CAINTA

RIZAL – Umaabot sa 262 residente ang nabiyayaan ng lupa sa programa ng pamahalaang lokal ng Cainta. Sa pamamagitan ng Katibayan ng Pagtatalaga at technical description na ipinagkaloob ng tanggapan ni Cainta Mayor Kit Nieto, 72 residente ang benepisyaryo sa bahagi ng 3.5 Sitio Dilain Valley Golf sa Brgy. San Juan. May 190 certificate naman ang ibinigay para sa Upper Kuatro sa Brgy. San Juan pa rin. Isa sa mga benepisyaryo si Ginang Delfina Longatan na halos 30 taon na umanong naninirahan sa Cainta ngunit hindi nila pag-aari ang lupang…

Read More

13 PAMILYA MINALAS SA GASERA

NALAPNOS ang balat ng dalawa katao habang napako naman ang isa sa pagmamadaling makaligtas sa sunog na nagsimula sa napabayaang gasera na tumupok sa ilang bahay na sinisilungan ng 13 pamilya sa Caloocan City. Sumiklab ang sunog sa P. Gomez Street, Bagong Barrio, Barangay 15, ng lungsod alas-4:00 noong Lunes ng hapon at naapula bago mag-alas-6:00 ng gabi. Ayon sa impormasyong nakalap, sa isang bahay na walang kuryente nagsimula ang apoy kaya’t ipinalalagay na nagsimula ang sunog sa napabayaang gasera. Kahit na may mga pwedeng matulugan sa covered court sa…

Read More

3 TIMBOG SA RENT TANGAY MODUS

NAHAHARAP sa kasong swindling at grave coercion ang tatlo katao, kabilang ang isang babae, nang mabuking ang modus nilang pagbebenta ng mamahaling sasakyan na kanilang nirentahan lamang, at nadakip makaraang maispatan ng mga awtoridad sa Ermita, Manila. Kinilala ang mga suspek na sina Fernando Taluban, 55; Reynaldo Montero, 60, kapwa residente ng Pangasinan, at Anna Elloisa Veras, 31, ng Sta. Ana, Manila Batay sa ulat ni P/SSgt. Randolf Pellesco na isinumite kay P/Major Raul Salle, hepe ng Manila Police District-Anti Carnapping Unit, bandang alas-9:00 ng gabi nang bitbitin ng mga…

Read More