PARATING NA BAKUNA IBUBUHOS SA NCR

PAG-UUSAPAN ng National Immunization Technical Advisory Groups (NITAGs) ang panukala na itutok muna ang mga parating na bakuna sa Metro Manila dahil sa nangyayaring pagtaas ng kaso ng COVID-19. “Tingin ko naman po, walang magiging hadlang dito,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Gayunpaman, tiniyak ni Sec. Roque na hindi nagbabago ang estratehiya na mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong mga Pilipino ngayong taon. Sa ulat, target ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 50 milyong Pilipino ngayong taon, ayon kay Secretary Vince Dizon. Sinabi ni Dizon na upang maisakatuparan ang…

Read More

OUT-OF-TOWN TRIPS SA HOLY WEEK PURNADA

“BAWAL na po ngayong lumabas ng Metro Manila kung hindi kinakailangan or essential travel lang po.” Ito ang paalala ni Presidential spokesperson Harry Roque sa mga byahero o nais magpunta ng probinsiya para gunitain ang Mahal na Araw. Sinabi ni Sec. Roque na tanging ang mga essential travel ang papayagan sa bubble area na sakop ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal mula Marso 22 hanggang Abril 4, kabilang na ang Holy Week holidays. “Sana maintindihan ng lahat na this is for the common good. Alam po natin na…

Read More

UNDERVALUED SHIPMENT NA MAY PALSIPIKADONG MGA DOKUMENTO BISTADO SA PORT OF CEBU

HINDI nakalusot sa mga tauhan ng Port of Cebu ang tangkang pagpapalabas ng ‘undervalued bulk shipment’ ng Brand New 2020 Model KR165C Rotary Drilling Rig mula sa China matapos matuklasang palsipikado ang mga dokumento nito. Ang nasabing shipment na tinangkang ipuslit ay sinasabing aabot ng higit sa 1.3 milyong piso ang kaukulang duties and taxes na dapat bayaran sa Customs. As per goods declaration, ang shipment na naka-consigned sa JLINKS Marketing ay may presyo umanong $25,600.00 at suportado ito ng Load Port Survey Report (LPSR) na isinumite ng kinatawan ng…

Read More

BOC NAG-DONATE NG GADGETS, SCHOOL SUPPLIES SA DEPED

Bilang pagtupad ng Bureau of Customs’ (BOC) sa kanilang pangakong suporta sa Department of Education (DepEd), ang BOC-NAIA ay nagbigay ng mga educational gadgets at ibat-ibang school supplies bilang suporta sa Department’s Bridge Program. Ang turn-over ng donasyon ay dinaluhan mismo nina DepEd Secretary Leonor M. Briones, DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, DepEd Undersecretary Alain Del B. Pascua, Department of Finance Undersecretary Antonette Tionko, BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, Deputy Commissioners, at Port of NAIA District Collector Carmelita M. Talusan. Ang donasyon ay mula sa mga abandonadong kalakal na kinabibilangan…

Read More

SUPORTA SA IMPLEMENTASYON NG NSW MAGPAPATULOY AYON SA BOC

Nananatili ang suporta ni Customs Commissioner at National Single Window-Technical Working Group (NSW-TWG) Chairman Rey Leonardo Guerrero sa pagpapatupad ng tinatawag na National Single Window (NSW) sa bansa. Sa back-to-back NSW-TWG Cluster Meetings na isinagawan noong nakaraang Marso 2, 2021 para sa Chemicals, Oils, Minerals, Environment, Drugs, at Dangerous Goods Cluster; at Marso 4, 2021 para naman sa General Merchandise and Retail Goods Cluster, binigyan halaga ni Commissioner Guerrero ang Trade Regulatory Government Agencies (TRGAs) sa bansa sa paghabol na maabot ang Single Window environment. Ang NSW, sa ilalim ng…

Read More

CLAIMANT NG P5-M ECSTASY LAMBAT SA BOC-POM, PDEA SA PAMPANGA

Arestado sa pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs’ (BOC) Port of Manila sa tulong ng Enforcement and Security Service (ESS) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang claimant ng 3,100 pirasong ecstasy tablets sa Dau, Mabalacat, Pampanga. At sa pamamagitan na rin ng tulong mula sa Customs Postal Office, CMEC-NAIA, CAIDTF at CIIS, isinagawa ang isang controlled delivery operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa claimant na si Agatha Lavadia Palen. Nalantad ang claimant dahil sa authorization letter na siya ang tatanggap ng parcel na naglalaman ng droga na naka-consigned…

Read More

Tuloy ang paghahanda ni Eumir Marcial sa Wild Card Gym

KALIMUTAN na natin pansamantala na pabalikin sa Pilipinas si Tokyo Olympian Eumir Marcial para samahan ang pambansang koponan ng boksing na naghahanda sa XXXII Games of the Olympiad at 31st Southeast Asian Games na parehong gaganapin ngayong taon. Ito ang ipinahiwatig kapwa nina Marcial at ­pangulo ng MP (Manny Pacquiao) Promotions na si Sean Gibbons sa kanilang pakikipagpupulong kina Association of Boxing Alliances president Rick Vargas at iba pang opisyal ng ABAP noong nakaraang linggo. Tukoy ng dalawa ang paulit-ulit na paanyaya ng ABAP kay Marcial na iwanan ang kanyang…

Read More

TAGASUPORTA NG DILAWAN, NANGHA-HARASS SA ZAMBALES?

ATING bigyang pansin muna ang sumbong na ating natanggap mula sa mahigit 30 pamilya sa Sitio Cabuuan, Barangay San Rafael, San Felipe, Zambales. Isa umanong makapangyarihang landlord/businesswoman na nagmamay-ari ng resort ang tila naghahari-harian sa lugar gamit ang kanyang mga armadong tauhan? Ayon sa impormasyon na ating natanggap, hina-harass umano ng isang Ms. Rachel ang mga residenteng matagal nang naninirahan dito at sila’y pinalalayas kahit walang court order? Paano kaya ito nagkaroon ng mga tauhan na umano’y sumugod sa mga residente at nananakot? Si Ms. Rachel daw ay maraming kapit…

Read More

ISANG OFW BIKTIMA NG RAPIST AT MAGNANAKAW NA AMO SA SAUDI

ISA na namang kawawa nating kababayan ang biktima ng pagmamaltrato at panggagahasa mula sa kamay ng kaniyang amo sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA). Itago na lang natin sa pangalang OFW M ang biktima na batay sa ipinarating niyang sumbong sa atin ay mahigit kumulang apat na taon na siyang wina-walanghiya ng kaniyang among lalake. Hindi raw siya agad nakahingi ng tulong dahil binawi sa kaniya ang kaniyang mobile phone (celfone) kung kaya hirap na hirap siyang kumontak sa kaniyang mga kamag-anak at kaibigan dito sa Pilipinas. Si OFW M…

Read More