MAGING agresibo sa pagtugon at pagsugpo sa COVID-19. Ito ang panawagan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano sa kanyang mga kababayan at sa publiko sanhi ng tumataas na bilang ng nahahawaan ng nasabing sakit sa nakalipas na ilang araw, na umabot sa 7,999 kaso sa isang araw lamang. Bilang agresibong aksyon sa panig ng lokal na pamahalaan ng Taguig, inilunsad ni Mayor Cayetano noong Biyernes ang Park ‘N Test sa Vista Mall sa Brgy. Tuktukan para sa mga motorista. Sa Park ‘N Test ay pinapayagan ang mga walk-in patient na…
Read MoreMonth: March 2021
15 DAGDAG SA COVID DEATHS SA CAMANAVA
MULING nakapagtala ng 15 patay sa COVID-19 ang Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area noong Marso 20, habang lumobo sa 3,198 ang active cases at umakyat sa 1,328 ang pandemic fatalities. Sa Caloocan, 10 ang naitalang patay dahil sa pandemya sa nasabing petsa, at pinakamarami ang active cases sa bilang na 1,068. Umabot na sa 16,257 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 14,665 na ang gumaling at 524 ang namatay. Dalawa naman ang patay sa Malabon City, 79 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 8,114…
Read MoreSa QC shootout PDEA ASSET TAUHAN NG DRUG DEALER?
NATUMBOK sa isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa engkwentro sa pagitan ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) noong Pebrero 24 sa Quezon City, na isang “James Tan” ang target sa nakaiskedyul na drug bust. Lumabas din sa imbestigasyon mula sa salaysay ng isang “Donaite Decena” na manggagaling ang methamphetamine hydrochloride, o shabu kay Tan na makukumpiska ng mga tauhan ng QCPD-District Special Operations Unit (DSOU), sa pamamagitan ng tauhan ni Tan. Si Decena ay “QCPD-DSOU asset”.…
Read MoreKinumpirma ni Locsin 220 CHINESE MILITIA NASA WEST PH SEA
KINUMPIRMA ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddyboy” Locsin, Jr. ang presensya ng 220 sundalong Chinese sa West Philippine Sea (WPS). Ngunit, inihayag ni Locsin sa kanyang tweet kahapon, Marso 21, na maghahain ng “diplomatic protest” ang Pilipinas kung irerekomenda ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ang AFP ay armadong sangay ng pamahalaan na pinangangasiwaan ng Department of National Defense (DND), hindi ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan kalihim si Locsin. Ang pagkakaroon ng 220 Chinese militia ay patunay lamang na hindi isinusuko ng pamahalaan ng People’s…
Read MoreSa panibagong pag-atake ng NPA ELEAZAR SA PNP: HIT BACK
NAGLUNSAD ng malawakang pagtugis sa mga rebeldeng New People’s Army ang pwersa ng Philippine National Police kasunod ng kautusan ni PNP Officer in Charge P/Lt General Guillermo Eleazar. Sakop din ng direktiba ni Eleazar ang mga indibidwal na posibleng nagbibigay ng suporta sa mga rebelde. “I am ordering the Regional Directors of PRO4A, Police Brigadier General Felipe R. Natividad and PRO5 PBGen. Bartolome R. Bustamante, to mobilize their forces in order to hit back not only on those responsible but also on the NPA operating in their respective Areas of…
Read MorePANIBAGONG ‘PAHIRAP NG LTO’ Pinapara sa Kamara
PINAHIHINTO sa mababang kapulungan ng Kongreso ang tila panibagong pahirap ng Land Transportation Office (LTO) sa taumbayan lalo na’t nasa gitna pa ng pandemya ang bansa. Ayon kay Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva, dapat itigil ng LTO ang kanilang plano na obligahing sumailalim sa seminar ang lahat ng mga driver na magre-renew ng driver’s license. Unang inanunsyo umano ng LTO-Region XI ang plano nilang ito dahil ipatutupad na ang 10-year validity ng driver’s license at agad nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na proposal pa lamang ito. “Though the DOTr…
Read MorePINOY HINIKAYAT MAKIISA SA VAX PROGRAM
HINIKAYAT ng isang miyembro ng Senado ang mamamayan na makipagtulungan sa gobyerno para sa mas mabilis at maayos na implementasyon ng national vaccination program. Kasabay nito, tiniyak ni Senator Christopher ‘Bong’ Go na tuloy at hindi maaantala ang isinasagawang vaccine rollout ng pamahalaan. Ayon kay Go, sa kabila ng maraming hamon na kinakaharap ng mga bansa dahil sa limitadong suplay ng bakuna laban sa COVID-19 sa world market, nagawa ng pamahalaan na makapag-secure ng sapat na dami ng doses para sa mga Pinoy. Sa isang pahayag, tiniyak ni Go na…
Read MoreMNPA BAGO PRANGKISA SA TELCOS
IGINIIT ni Senador Win Gatchalian ang agarang pagpapatupad ng Mobile Number Portability Act (MNPA) bago pa magdesisyon ang Kongreso na i-renew ang prangkisa ng mga bagong telecommunication companies o telcos. Ayon sa senador, habang pinagdedebatehan sa Senado ang House Bill No. 7332 na magpapalawig ng 25 pang taon sa prangkisa ng Mindanao Islamic Telephone Company Inc. o Mislatel na kilala ngayon bilang Dito Telecommunity Corp. bilang third player ay gawin ang MNPA. Ang prangkisa ng Dito telecommunity Corp. ay magtatapos sa darating na Abril 24, 2023. “Maisasakatuparan ng MNPA ang…
Read MorePRESYO NG MGA PANGUNAHING BILIHIN PINABABANTAYAN
PINATITIYAK ni Senate President Vicente Sotto III sa pamahalaan na nababantayan nito ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo ngayong nahaharap muli sa panibagong laban ang bansa sa COVID-19 virus. Ayon kay Sotto, sa gitna ng tumataas na bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19), pagpapatupad ng unified curfew hours at pag-regulate sa pagbiyahe sa Metro Manila ay dapat nababantayan ang taumbayan laban sa mga magsasamantala sa presyo ng pagkain. “Buhay na buhay na naman ang takot sa puso ng ating mga kababayan. Muli na namang bumalik sa…
Read More